K E V A N
"Anong kaartehan 'to Timmy!?" sigaw ni Denver nang bumalik na kami ng dressing room.
Natagpuan namin si Timmy na naka-upo sa monoblock chair, suot-suot parin ang aming pep squad uniform. Nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya at parang umiiyak.
"Magpaliwanag ka!" galit na sigaw ni Denver, naka tiger mode na naman ito.
Tinanggal ni Timmy ang mga kamay niya sa mukha at tinignan si Denver. Tama, umiiyak nga siya. Lumapit naman si Loraine at si Marian sa kaniya para i-comfort siya, ako naman ay nasa tabi lang ni Denver habang ang iba naming mga kasama ay nakatayo lang din, nakiki-usyoso. Maging ako man ay nagtataka kung bakit hindi naka sayaw si Timmy. Ano kaya nangyari sa kanya?
"Anyare, teh? Paki explain?" ika ni Loraine habang hinahaplos-haplos ang likod niya.
Mas lalo namang umiyak si Timmy. Napa squat si Loraine sa harap niya at inangat ang baba nito.
"Hoy, bakla! Magsalita ka nga! Na sira ang routine dahil wala ka. Inuna mo pa siguro booking mo! Kalerkee ka teh!"
"Hoy g*ga, di ako nag booking!" sigaw niya. Muli naman niyang binalik ang kamay niya sa mukha niya, at tuloy-tuloy pa rin sa pag hagulgol.
"Eh nasan ka nung nag piperfrom kami, aber?" nakataas kilay na tanong ni Loraine. Nakatayo lang ako't nakikinig at ganun din si Denver.
Totoo naman, nasira talaga ang routine namin sa hindi pag sayaw ni Timmy. Di kami nakapaghanda. Di namin na mount ang pyramids, at maging si Marian ay di naka mount ng stunts at toss dahil wala si Timmy na base nito. Sa totoo lang, nagmukhang tanga kami sa stage. Nakarinig pa kami ng mga 'boo' galing sa crowd. Oo, napahiya kami at sa tingin ng lahat, kasalanan yun ni Timmy.
Pero di naman pwedeng hindi namin alamin at pakinggan kung ano ang tunay na nangyari, di ba?
"Ano, Timmy, iiyak ka na lang ba jan? Magpaliwanag ka!" galit na sigaw ni Denver.
Mabait si Denver, pero at times like this, lumalabas talaga ang pagka strict niya at pagiging firm na leader. Ako naman, ako yung diplomat sa grupo. As much as possible, gusto kong daanin sa matinong usapan. Di ko trip yung may pasigaw-sigaw or magalit. Madadaan naman ang lahat sa maayos at kalmadong usapan eh.
"Ikaw ba naman ang ma lock sa banyo!" sigaw niya.
Ang pula na ng mata niya kakaiyak. Nagmukha naman siyang emo dahil sa nag smudge na make-up at eyeliner sa mata niya na kumalat hanggang pisngi niya.
"Di ko alam kung sinong p*tang inang kup*l ang naglock ng pinto. Sigaw ako ng sigaw, gurl! Walang nagbubukas!"
Nakita ko naman ang pag bilog ng labi ni Loraine, forming a perfect letter O at napahawak siya sa dibdib niya.
"O-M-G!"
"Nakalabas lang ako nang tinanggal ko ang mga jalousie ng bintana! Pag pasok ko ng coliseum, kakatapos lang din ng sayaw!" at agad naman siyang umiyak uli ng todo.
Nakita ko ang medyo pagkalma ni Denver. I think naniniwala naman siya sa nangyari kay Timmy. Sabagay, sino ba naman ang gugustuhing ma lock sa banyo? Sino naman kaya ang naglock nun? Di kaya ang janitor? Kaso alam naman nun na may event sa coliseum kaya hindi pwedeng siya ang magsara nito. Pwera na lang kung may nangtrip sa kanya? Eh sino naman kaya ang mang titrip sa kaniya ng ganon? Di naman magandang biro yun.
"Shocks! Mare, ang braso mo dumudugo!" gulat na sigaw ni Marian.
Agad namang pumantig ang tenga ko sa narinig ko. D-du-dugo?!
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
RomansaTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...