Part 1

818 11 7
                                    

Hanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitawang PANGAKO?

________________________________________________________

Ako nga pala si Ron Angelo Reyes. 10 years old. Tubong Quezon Province. Simple lang ang buhay namin dito sa probinsya. Nag-aaral ako sa isang public school.

SA SCHOOL.

"Ron my love,  let's go! mag lunch break na tayo." pa sweet na tawag ni Hannah.

"Wait lang. Ligpitin ko lang tong gamit ko." sagot ko.

Si Hannah Mikaela Alonso nga pala, siyam na taong gulang at kababata ko. Actually mayaman siya at sunod sa lahat ng luho sa buhay. Pero imbes na mag-aral sa mga sikat at magagandang paaralan dito sa probinsya namin, mas pinili niya ang public school kung saan ako nag-aaral para madalas niya daw akong makita at makasama.

Hindi naman tutol ang kanyang mga magulang dahil abala ito sa mga negosyo nila sa Maynila at unica hija na kasi si Hannah ng pamilya NGAYON.

OO. May kapatid si Hannah at super duper close niya ang kanyang Kuya Jake nung nabubuhay pa lamang ito. Pero namatay na ang kanyang kapatid, dalawang taon na ang nakakaraan.

FLASHBACK.

SA BUNDOK.

Habang nasa sasakyan,

"Saan kaya ang daan dito. Malapit na daw tayo sabi ng napagtanungan natin kanina eh." wika ng Daddy.

"Ah eto, may matanda sa daan. Tanungin natin" wika ni Mommy.

Tinigil nila ang sasakyan saka nagtanong.

"Ale, matanung ko lang ho. Saan po ba dito yung Kaparangan na napapalibutan ng mga Punong mangga na madalas puntahan ng mga tao? Malapit na daw dito yun sabi ng napagtanungan naming maliit na tindahan sa ibaba." paliwanag ni Daddy.

ilang segundo din silang naghintay ng sagot ngunit walang imik ang matanda.

"Hon, malabo ata ang pandinig ni Lola. sa iba nalang tayo magtanong." utos ni Mommy

"Sige ho maraming salamat nalang ho lola." sabi ni Daddy.

Akmang iaandar na sana nila ang sasakyan ng bigla itong magwika.

"Binabalaan ko kayo. Mag-iingat kayo sa inyong pupuntahan." medyo mahinang sabi ng matanda.

Nagkatinginan nalang ang mag-asawa at saka sila nagpatuloy sa paghahanap.

Narating nila ang sinasabing kaparangan na madalas dayuhin ng mga tao sa lugar dito at ng mga turista. Ngunit sa pagkakataong ito ay sila lang ang naroon.

"Kuya Jake, ayun yung butterfly na pink. Hulihin mo!" utos ni Hannah.

"Madali lang yan. Halika ipapakita ko sa iyo kung gaano kagaling si Kuya manghuli ng paru-paro." magmamayabang niya.

"Jake, Hannah, wag kayo masyadong lalayo ah. Delikado sa banda diyan." sabi ni Daddy.

"Kakain na rin tayo maya-maya pagkatapos magluto ni Yaya." sunod na sabi ni Mommy.

Ngunit hindi na napansin ng mga tao ang paglayo nina Jake at Hannah dahil sa pinagkakaabalahan nila. Busy sa pag-iihaw si Yaya Rita ang yaya ni Hannah at busy din sa pagtulong si Yaya Julie, ang yaya ni Jake sa mommy nila ng pagkain. Magpipiknik kasi sila sa isang parte ng bundok ng Banahaw.

"Kuya ayun yung butterfly. Dumapo siya sa napakagandang flower. Kunin mo kahit yung flower nalang!" pagmamakaawa ni Hannah.

Nilapitan ni Jake ang dako kung saan naroon ang bulaklak ngunit nasa tabi ito ng bangin kaya delikadong maabot.

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon