The Novelist: Confessions of a Writer

3.7K 42 15
                                    

The Novelist 

©KC

PROLOGUE 

Three years old ako noong una kong matutunan kung paano humawak ng lapis. I still don't know how to write then. Ang alam ko lang e magscribble ng kung anu-anong work of art kong abstract naman sa iba't ibang parte ng bahay namin. Sa sofa...sa mesa...sa dingding. Minsan, ang gamit pa e crayon o kaya lipstick ni mama. ;) 

Pero kasabay ng pagkatuto kong magbasa ng dyaryo noong 4 years old ako, natuto rin akong magsulat. Siyempre, letters of the alphabet na bumubuo sa pangalan kong KC ang una kong naisulat. That's too much work, you know? To write the letters K and C? ;D 

Fast learner ako. 

Nung gr.1 ako, tinuruan ako ng best friend kong si AJ kung paano magsulat ng maganda. Paano, naawa ata sakin dahil mukhang kinahig ng manok yung handwriting ko. Natuto naman ako at gumanda ang handwriting ko. Nung same year na yun rin ako natutong gumawa ng mga poem. Mostly, dedicated sa mom ko. 

Gr.3, mabilis na ako magsulat ng script. Yabang ko nga nun kasi ang kukupad ng mga kaklase ko. 

Pumasok ang dekada ng teknolohiya. Nawala ang interes ko sa pagsulat dahil nafocus ang attention ko sa mga gadget na nag-uusbungan nung panahong yun. 

But then again, it was only my interest that I've lost and never my passion for writing. 

Nagdalaga rin pala ako. ;D Nagkaboyfriend at nabrokenhearted. It hurt a lot but I couldn't bring myself to regret. Dahil ang heartbreak na yun ang nagbigay daan para isilang ako bilang isang manunulat. 

Sabi sakin ni j_harry08 sa isang personal message, "Writing is a form of release..." Tama yun. Sa pagsulat ko ibinuhos ang mga nararamdaman ko. 

Naisulat at naipost ko sa CC ang first story kong Remnants of Summer ang title but for some reasons it didn't work out. Apparently, I failed to release my emotions in this story and instead, it was denial that I've poured out. The Perfect Stepbrother worked out pretty well. Nailabas ko ang lahat ng emotions that I badly needed to release. I met friends whom I shall keep forever and I'm proud to say that hanggang ngayon ay buhay parin ang thread ng story na yun. 

TPS became my stepping stone. After that, nalikha ang mga gawa kong The Diarist, Heartbreak #26, The Perfect Stepbrother II, 53.000 Steps, and the most recent stories His Heartbreak, Ang Gasgas Kong Love Story, and Ang Pagdadalaga ni Amaya Joaquin. 

Masaya ako sa pagsulat, sa paglikha ng love story ng mga tauhang produkto ng aking imahinasyon. But at some point, I asked myself:

"Will I always be just the writer and never the character?"

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon