Chapter 31

338 4 1
                                    

Thea's POV 

Paano mo malalaman kung kayo talaga ang para sa isa't isa? Hay, bakit ganun guys? Nasaktan na naman ako. Paulit-ulit nalang. Kailan kaya darating ang panahon na wala ng sakit dito sa puso ko? Kasi, sa totoo lang, nakaka pagod na! 

Eto ako, kasama si Joseph sa kwarto. Saturday eh, at alam nyo anong date na? February 2, 2013. Malapit na ang Valentines!! Okay, so what diba? =_________=

"Huy besplen, nga pala. May date kana sa Valentines?"

"Pwe! Anong klaseng tanong ba yan besplen! Nanadya ka ba? Wala noh, at tsaka single na ako pren! Eh, ikaw?"

"Ako? o_O Wala pa rin, hay buhay. Tingnan mo besplen oh,  parang tayo pa rin yung tinadhana mag date sa Valentines!"

"Pwe! Mandiri ka nga Dizon! Di tayo talo noh!"

"Alam ko uy! OA mo naman. Pero di nga Thea, date tayo sa Valentines? Friendly date lang ba."

"Okay fine. Tutal, ayoko naman maging forever alone sa Valentines Day nuh!"

"Talaga besplen? Talagaaaa?" kadiri nitong si Joseph, napa sparkling eyes pa ang loko.

"Hoy Joseph! Kadiri yang mata mo!" 

"Eh, ano ka ba! Masaya eh. By the way, natext kaba ni Zion kagabi? Yung manliligaw sya kay Ninotzchka?"

"Oo eh. Hay nako, kailangan ko pa palang mag'ayos para sa party nina Ninotzchka mamaya. Sige besplen, umuwi ka muna sa inyo ha? "

Nag aye aye captain naman si Joseph. "Sige besplen kong maganda, mwah." 

ASDFGHJKL >////< Hinalikan nya po ako, sa ilong! 

"Punyeta ka Joseph Henry Domingo Dizon!!!!!!" sumigaw ako para marinig nya yung boses ko, tumakbo kasi sya kaagad eh.

Ewan ko ba dun sa bestfriend ko, 2 months na since nag split sila ni Hayley. Pero, mygosh! Lumalandi na naman .... SA AKIN! Haba ng hair ko noh? Chos lang. 

Time Check: 12:00 nn.

Huwaaaaaaat! O_________O Sa sobrang pagda'drama ko dito eh, nakalimutan ko na 2 pm ang party kina Ninotzchka. 

"Mudra! Ready na po ba yung susuotin ko para sa party ni Ninotz?" sigaw ko sa may hagdanan.

"Ready na princepessa! Sabi ni Mareng Shiela, eh si Joseph ang kasama mo papunta sa bahay nina Ninotzchka."

"Ah, sige po mudra! Paki akyat nalang po ang damit dito."

"Sige princess. Pagkatapos kong plantsahin 'to."

So ayun, pumasok ako sa room. Nag prepare ng shoes and accessories, ng may nagtext.

From: 0916621****

Thea Angela Reyes, right? Maghanda ka na babae ka! Hinding hindi kita papasiyahin. May malalaman kang gugunaw sa 'yong mundo ngayong gabi! Bwahahaha. - RFR

Ano na naman ba 'to? Obviously, si Rhise Felice Rosal na naman ang may pakana nito! Kahit kailan talaga, gaga't walang magawa sa buhay 'tong babaeng 'to. Oh shemss, may nagtext ulit!

From: Ernest Dee

Girlfieee, let's talk please? I miss you so much mahal ko :( I really love you. Sana maniwala ka :(  

Sya na naman? Oh shiz, bakit ganon? Ayaw mo talagang makalimutan kita Ernest? Hay, ma replayan nga.

To: Ernest Dee

Sino ka? Who's girlfieee? Please stop bothering me!!

Hay Ernest, sana nga makalimutan kita </3 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There will never be us [UNFINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon