Rain Pov's;
"Dumarami na naman ang mga tinamaan ng Covid hindi pa rin bumababa ang mga kaso mula-
Pinatay ko na lamang ang tv,tatlong taon na rin simula ng mag kapandemya, parang wala pa rin pinagbago.Halos araw-araw pare-pareho lang ang mga balita'ng maririnig mo, minsan nakakasawa na.Nag-mamadali ko'ng tinapos ang aking kinakain,may importanting lakad pa akong pupuntahan.
Bawal akong ma late!
Nang masigurado ko na wala na akong nakalimutan,ay agad ko ng ni lock ang pinto.
Habang pababa ng Apartment, bigla akong tinawag ni Tita Sonya,may-ari ng tinutuluyan ko ngayon.
"Rain!dalhin mo ito sa kanya,sabihin mo ha,magpagaling na siya."-ani niya ng makalapit ako dito.
Inabot ko naman ang binigay niyang basket na may laman palang ulam at kanin.
"At sabihin mo sa kanya,na manalig lamang sa Diyos."-dagdag pa niya sabay abot ng rosary sa palad ko.
Si Tita Sonya talaga,alam na alam kung saan ako pupunta.
Dahil wala ang mga magulang ko.Si Tita na ang tumayong Pangalawang ina sa akin.
"Sige ho Tita,makakarating."-nakangiting tugon ko dito.
"Maraming salamat nga po pala dito."-dagdag ko pa,bago tuluyan ng umalis.
Habang pababa ng hagdan nakasalubong ko ang tahimik na si Reiven,ewan ko ba dito tatlong taon na ako rito pero bihira ko lang ito'ng makita na lumabas.Hindi rin ito gaya ng iba, na mahilig makipagkaibigan.Minsan nga sa school na babansagan ito na "masungit" "cold" at kung ano-ano pa.
Weird,pero huo nag e-exist siya.
As usual para lang kaming strangers.Di naman bago yun sa akin.Sanayan nalang kumbaga.
Di ko na rin sinubukan makipag-usap,baka ayaw niya rin kasi.
Pero pansin ko lang mahilig ito sa libro.Well nakikita ko kasi siya sa rooftop nagbabasa,nong minsan nagsampay ako ng mga labahan.
Lalagpasan ko na sana ito ng biglang itong magsalita.
"Miss the laces of your shoes are not properly fastened."-walang ka emo-emosyong sabi nito.
Kaya agad ko nalang tinignan ang aking sapatos.
Nakuw naman! bakit ngayon pa eh kung kailan ako nagmamadali!
Kaagad ko na binababa ang aking dalang basket,para maayos ko ng mabuti ang pagkakasintas nito.
Well, okay na!
Gusto ko sanang magpasalamat,subalit paglingon ko,wala na ito.
"Asan na iyon?"-biglang tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko na lamang inabalang hanapin ito,may lakad pa akong dapat puntahan.
Anong oras na ba?
Bigla akong napamura ng malamang mag a alas nwebe na pala.
Kaya Nagmamadali akong bumababa.
Bahala na si Batman.
Isang sakayan lang naman at narating ko na ang lugar ng aking pagdadalhan.
Pagkababa ko ng tricycle nagbayad na agad ako kay kuya.
Gaya ng palagi kong pagdalaw dito,wala pa rin pinagkaiba ang istura ng paligid.
Pumunta agad ako kay manong guard at binati ito.
"Good morning po Manong Ben!"-masigla ko'ng bati dito.
Kilala na ako ni Manong Ben,tatlong taon na ba naman akong pabalik-balik dito,malabong makakalimutan ako nito.
"Good morning din Rain! May dala ka ata."-sabi nito na ang tinutukoy ay ang dala kong basket.
"Ay ito po ba? nakuw bigay po ito ni Tita Sonya,sana nga po magustuhan niya."-sabi ko dito sabay log in ng pangalan ko sa log book.
Matapos akong kuhanan ni Manong Ben ng Temperature ay kaagad naman akong pinapasok sa loob.
Nilibot ko ang paningin sa paligid.
Tahimik.Nakakabingi ang katahimikan.
Tanging pintig lang ng aking puso ang maririnig.
Hindi ko alam,pero bigla nalang akong kinabahan.
Btw kanina pa ako nagsasalita dito,pero di niyo pa kilala buong pangalan ko.Ako nga pala si Rain Echavez Villafuerte,wala namang espesyal sa akin.
Hindi ako panget hindi rin maganda sakto lang kumbaga.
Back to reality.
Huminto ako sa isang mala garden na area at mula doon tanaw ko ang taong kanina pa ata ako hinihintay,kasama naman nito ang nurse na siya namang nagbabantay dito.
Andito ako sa isang pasilidad na kung saan dinalaw ko ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.
Habang palapalit ang hakbang ko sa patutunguhan lalong kumakabong ang akong dibdib,hindi dahil sa tuwa o labis na kasiyahan kundi, sa sobrang kaba.Ganito ang pakiramdam ko tuwing bumibisita ako rito.
"Andito na pala siya."-rinig kong sabi sa ng nurse sa taong nakaupo sa wheel chair,habang nakatalikod sa akin.
--End--
I dedicated this story to Mr.Reiven Umali who sang my bestfriend favorite song sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan.
Congratssss!
Keep safe and God bless
-Blacklily221