Hindi Ko Maipaliwanag

73 0 2
                                    

Author's Note: Ang kwento na ito ay hindi totoo. Base lamang ito sa karanasan at imahinasyon nang tagapagsulat nang kwento na ito.. Hindi rin po totoo ang mga pangalan na yan at yung storya syempre pero parang hawig na din sa naranasan ko..

Hustle! Takbuhan nanaman dito. Andaming mga nakaharang! Parang dinaig pa ang olympics sa pagtakbo nitong suspek na hinahabol ko. Isa kasi siya sa pwedeng makaalam nang lokasyon nang mga sindikatong namumuslit nang mga droga at nakikipagnegosyo sa mga korap na politiko.

"Hoy! Tumigil ka dyan! Kung ako sa iyo, sumuko ka na!" sabi ko habang tinututok ko sa kanya ang baril.

"Asa ka pang susuko ako!" sabi naman nya.

Nakakaasar lang 'to! Matapos anming madaanan ang ilang malalaking tipak nang bato ay sa wakas nadapa din sya.

"Huwag ka nang gagalaw." sabi ko habang tinututok sa kanya ang baril. "Anong mga alam mo?" Hindi pa din sya sumasagot. Sa sobrang asar ko, binugbog ko na lang sya. "magsalita ka na kung ayaw mong masaktan." Tapos nun, kumuha sya muna nang hininga niya, "Magsasalita na ako, sa Quiapo, dun ang pinakaheadquarters namin.." sbi nya. "Tapos?" tanong ko. "Ayun! asawa ko!" sabi nya. Napatingin naman ako, at napatulala dahil kamukha nang babae ung crush ko nung high school pa. Tagal na eh noh? Binabalikan pa. Eh, ilang taon na ako ngayon? 24. "Oh, talaga?" tanong ko. Pagkalingon ko, nawala yung kumag. Pagkasulyap ko dun sa likod ko, kinuha sya nang mga armadong lalaki sa van. Panigurado, mga gamay nya.

"Buiset! Nandun na yun eh! Binabalikan ko pa.!" sabi ko habang nagdadabog. Kahawig talaga ni Jermaine yung babae.. Pero medyo lang.. Naalala ko tuloy nung high school ako...

Titingin ako sa kanya tapos ngingitian nya ako. Dun ako natamaan sa kanya! Bawat pag gising ko tuwing umaga, napakasaya! Lagi tuloy akong maaga napapabangon para lamang makita ko sya. Pero, ang problema, lagi syang late. Gusto ko nga syang tawagan para magising sya pero nahihiya naman ako baka sabihin nya feeling close ako. Napakatorpe ko talaga! Kahit dalawang taon pagitan naming dalawa, mas matanda sya, eh, 2nd yr plang ako, crush ko n sya!

Kaya hindi ko makalimutan ung week na nasa 3rd floor kami malapit sa kanila, dahil araw-araw ko syang nakikita. Dumadaan pa nga sa harap ko eh! Ang blooming nya talaga as usual!! Nakalimutan ko nga pala magpakilala sa inyo, ako si Eli John isang agent sa gabi at engineer sa umaga. Hanep noh?

Well, back to topic mga kaibigan! Pero makaraan ang ilang araw, hindi na niya ako nirereplyan, hindi ko alam kung bakit, hindi ko naman sya madalas kinakausap. Dun ako nasaktan kasi parang iniiwasan na nya ako.. Kaya parang nagdalawang isip ako na bigyan sya nang regalo pero syempre kelangan ko kasi last year na nya sa school namin. Ang problema ko, namali nang lagay ko sa christmas card nya na "to", nilagay ko dun ung pangalan nung maganda kong teacher. Sabog na talaga ako! Nagulat ako nang mabalitaan ko sa kaklase ko na, hinahanap nya daw ako, pumunta daw ako sa room nila. Yun pla ibibigay sakin ung regalo ko. WOW HANEP! Grabe, sobrang kilig ako nun! Nawala lahat nang pagtatampo ko. Pero syempre, nilagay ko pa din sa new year's resolution ko na kalimutan sya. Kasi baka lalo pang lumala ang mga sakit sa ulo ko at masama pa sya dun.. Marami pa namang activities pagpasok nang school nun. Tapos nung natapos na ang Christmas Vacation, pasukan nanaman.. Lutang ako nung Filipino time namin, grabe! Dahil nung umaga, dinedma lang nya ang pagbati ko sa kanya. ARUYYY!!! Nagbago na sya.. Tuliro ako nun nang tinawag ako nang teacher namin,

T: Eli, pwede m bang sagutin ang katanungan ko?

ME: .....

T: Eli, nakikinig ka ba?

*Kinalabit ako nang bespren kong si nick*

NICK: Hoy! Tinatawag ka pare!

ME: Uhh, umm... Sorry po ma'am! Ano po uli?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Ko MaipaliwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon