The case was closed. Sumuko na sa mga pulis si Paolo at kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya. This hospital was back to normal and it was not haunted anymore.
Nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin si Ivan at niyakap ako. I felt my cheeks blushed at halos matunaw na ako sa ginawa niya.
"Masaya ako dahil nakalutas muli ako ng kaso kasama ka. Alam mo bang hindi ko iyon malulutas kung wala ka" ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa sinabi nito.
"W-walang anuman hehe" tanging sagot ko dito at agad naman akong kumawala sa yakap ni Ivan at umiwas ng tingin. Hindi na kasi ako halos makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"So let's go?" yaya sa akin ni Ivan at nakangiting tumango ako. Ayaw ko pa sanang umuwi ngayong gabi dahil gusto ko pa siyang kasama. Kung pwede lang sana huminto ang oras at manatili na lang ganito.
Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman nung hinawakan niya ako.
Lalabas na sana kami ng hospital na iyon ng magkahawak ng kamay ng biglang may humablot sa aking kabilang kamay. Agad na lumingon ako sa taong iyon at agad ko siyang sinamaan ng tingin ng makilala ko kung sino ito.
Isang taong kanina pa sinisira ang araw ko, isang taong naging dahilan upang mapasabak ako sa isang deadly adventure kasama siya at isang taong nagpa-udlot ngayon sa paghahawakan namin ng kamay ni Ivan.
Nakangisi lang ngayon sa harap namin si Denver at galit na titig naman ang ibinaling sa kaniya ni Ivan.
Batay sa tayo at ngisi mukhang ayos na siya. May malaking band-aid ang mayroon sa kaniyang na mukhang nagamot na nga siya.
"Pwede ba bitawan mo nga ako, Jerk!" galit na sigaw ko kay Denver at patuloy ko siyang binibigyan ng masamang tingin pero imbes na bitawan niya ako, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kabilang kamay ko.
"Bitawan mo siya" madiin na turan naman ni Ivan at hinila niya ako papalapit sa kaniya na para bang pinoprotektahan niya ako kay Denver.
"Sa akin sasama si Beautiful Lady" depensa naman ni Denver at hinila rin ako mula kay Ivan ngunit hindi rin ako binitawan ni Ivan at mas lalo pang hinigpitana ng pagkakahawak nito sa akin.
"Sino ka ba, ha?!" galit na tanong ni Ivan na matalim pa din ang titig ngayon kay Denver.
"I'm her boyfriend" sagot ni Denver at agad namang nagsilakihan ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Im not your girlfriend" depensa ko at nag-aalalang tumingin kay Ivan. What if kung ma-disappoint siya sa akin?
"Eh ikaw sino ka?" balik na tanong ni Denver kay Ivan at kita ko ngayon ang digmaan sa pagitan ng mga matatalim na titigan nila na para bang kahit ano mang oras ay magpapatayan sila sa harap ko.
"I'm her boyfriend too" mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni Ivan na matalim pa ding nakatitig kay Ivan ngayon at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa isang kamay ko.
Teka, tama ba ang narinig ko? Hindi pa nga ako nanliligaw boyfriend ko na kaagad siya? Ang bilis naman yata.
"Wala akong pakialam basta sa akin siya sasama" determinadong turan ni Denver at mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahila sa akin pero hindi din nagpadaig si Ivan dahil mas hinigpitan niya rin ang pagkakahila sa kabilang kamay ko. Halos mahati na ang katawan ko sa walang katapusang hilaan ng dalawang ito.
"Hindi ko na hahayaan pang mapahamak siya ng dahil sayo" madiing turan ni Ivan habang hila-hila ang kanang kamay ko at hila-hila naman ni Denver ang kaliwang kamay ko.
YOU ARE READING
Detective Diaries (With A Mysterious pages)
Mystery / ThrillerThunder Series#1 Mystery is like a book. It has many pages that full of excitement and mystery. Hindi mo alam kung kailang matatapos ang misteryo o matatapos pa nga ba? Meet Mayumi Tuazon, an ordinary 17 year old girl but not the typical one. She li...