FRIENDZONE

377 15 23
                                    

I'm sitting here alone up in my room. I'm thinking 'bout the things we used to do.

Tumingin ako sa labas ng bintana na katabi lang ng aking kama. Hindi ko akalain na aabot ang lahat sa ganito, parang kelan lang excited pa akong pumasok sa eskwelahan para sa kanya.

'Mia-liit Sabay na tayo!'

Napangiti na naman ako ng maalala ko ang parati niyang sinasabi sa akin pero napalitan rin ng lungkot ng maalala ko lahat ang mga nangyari simula noon hanggang ngayon sa pagitan namin.

[FLASHBACK]

Unang araw ngayon ng pasukan at maaga akong pumasok sa eskwelahan para libutin habang maaga dahil baguhan lang ako sa paaralang ito. Ibinaba ko ang aking mga gamit at lalabas na sana ng pintuan ng may makabangga ako.


"Aray!" yan na lang ang akin nasambit dahil napaupo ako sa lakas ng pagkakabangga namin sa isa't isa. Mukhang di naman nasaktan ang nakabangga sa akin dahil wala akong narinig na kung anong reklamo sa kanya.


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at ipinagpag ang akin palda na ngayon ay gusot na. Napansin ko na lang na wala na ang naka bangga sa akin nung tatanungin ko sana siya kung ok ba siya kasi malay mo baka nasaktan siya maski di siya nagreact.


Naglibot na lang ako sa amin eskwelahan tutal maaga pa pero di ko inaasahan na mawawala pa ako kung kelan malapit na magsimula ang klase. Kung kani-kanino ako nagtanong para lang makahabol sa una naming klase at nang sa wakas ay nakarating na ako, nagpapasalamat naman ako dahil wala pa ang amin guro.


Tinignan ko ang katabi kong upuan, bakante ito. Siguro walang gustong tumabi sa akin dahil lahat sila magkakakilala na at ako lang ang tranferee sa batch namin, 2nd year high school kasi ako. Nalungkot ako dahil wala akong katabi pero inisip ko na lang na siguro sa susunod na araw magkakaroon na ako ng katabi.


Nagsimula na ang klase ng may biglang dumating na lalaki. Chubby siya pero makikita mo na may itsura talaga siya. Napatingin ako sa aming silid aralan at napansin kong ang katabi kong upuan na lang ang bakante.


"Sorry ms i'm late'" sabi nung lalaki


"It's ok mr. cruz you may now take your sit beside ms. santos'" sabi naman ni ma'am


Nagulat ako ng nagdire-diretsyo siya sa bakanteng upuang katabi ko at umupo.


'Tss. Di manlang sumagot kay Ma'am buti nga pinaupo agad siya at hindi na binigyan ng offence slip.'


Tahimik lang ako sa buong maghapon dahil wala pa akong ganoong nagiging kaclose maski yung lalaking katabi ko di ko rin close o maski kaibigan man lang, di kasi umiimik at nahihiya naman ako na makipagkilala. Tahimik lang siya, yung lalaki, actually crush ko siya kasi ang cute niya pero tingin ko di kami magiging close kasi hindi ko manlang makakausap at mukhang suplado. Puro pagpapakilala ang ginawa namin sa buong maghapon kaya hindi rin ako napagod masyado.


*Dismissal Time*


Ako na lang ang naiwan dito sa classroom dahil kinausap pa ako ng aming guro tungkol sa mga activity at grading system ng eskwelahan namin. Lumabas na agad ako sa silid aralan ng may humawak sa kamay ko para pigilan ako sa paglalakad.


"Ms. Santos" nilingon ko naman siya. Yung lalaki pala na katabi ko.


"Mia na lang"


"Sige. Mia, sayo ata itong keychain'" sabay pakita nung heart with wings keychain ko.


"A-ah oo, a-akin nga yan. pano n-napunta sayo?" Bakit nauutal ako? nakakahiya...

Caution: FRIENDZONE (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon