Chapter 18-straight to the face

196 6 0
                                    

Fame's Pov

"Women's Volleyball team. try out's today"

Naglalakad ako ngayon ng nakakita ako ng poster na may try out ngayon ng volleyball. Agad akong napatakbo sa court ng school para makapag try out. Pagdating ko sa court sa 9th floor, nag sisimula na yung iba, pero mas nagulat ako sa nakita ko. Si Stacey, siya ata ang magiging team captain... shit! Sure nakong di ako makakapasok.

While walking para maka pag register, biglang may humablot ng kamay ko.. si Maryse pala,
Maryse:"magta-try out ka?" Tanong niya.
Fame:"hindi, baka manonood lang kaya papunta akong registration lane! Syempre magta-try out ako! Haha" sabi ko.
Maryse:"sorry naman! Lista mo nako!" Chika naman niya.
Fame:"ok ok!" Sabi ko.

Nilista ko na ang pangalan namin ni Maryse, maya maya pa sumigaw na si Stacey.
Stacey:"all of you! Line up!!!" Sigaw niya. Di niya maalis ang kanyang tingin sakin, may hinanakit to promise haha!!!

Habang nakapila, ayan super talak na po siya...
Stacey:"as a player, pinaka gusto ko sa mga manlalaro ay ang mayroong disiplina sa sarili, pangalawa magaslaw at maliksi.. pangatlo, matalino! At pangapat, marunong sumunod!" Sabi niya sabay harap sakin. "Ano? May ganoon ka bang katangian??" Tanong niya sakin. Sasagot dapat ako nang bigla siyang umalis sa harap ko. Medyo rude yung ginawa nya ha! "Okay! So this is how it goes.. hahatiin ko kayo sa 4 teams since 24 kayong nag try out. Lahat kayo maglalaban laban. Its just like a one day league." She explained. After she explained the rules, regulations and how the try out will flow, she called one by one the surnames of team A, then after team A, team B, then C and then D.

Napasama ako sa team A. Ako ang first opener. Kalaban namin ang team B. Nagtossed coin ang aming mga team captains, luckily, heads ang lumabas which means she will choose wether service or choice of court. Pinili nya yung service. Kalaban namin ngayon si Stacey. Kabilang siya sa team B. Sa team B kasi nabibilang yung mga sure players ng Rich Academy.

Pumito na yung referer, nag service na yung isang girl, magkasama kami sa team ngayon ni Maryse sa isang team. Setter ang lane nya. So probably, plays goin to play good! Eh laging panalong best setter yan si Maryse! Kainis nga eh ngayon lang nagkaron ng try out! Sipsipan lang kasi dati kaya di kami makapasok. Pero ngayon, pantay na! May chance na manalo ang school namin. Lagi kasi kaming last pag dating sa volleyball -.- well ngayon, hindi na kami papatalo!

As the girl serves, nakuha ng best spiker sa team B ang serve niya. Ang best spiker na yun ay si Christine. Magaling syang manlalaro lalo na sa offense. Nang makuha niya ang bola, sinet ni Charlene ang bola kay Stacey, at pag dating kay stacey...

I WAS SHOCKED! NALAPAGAN AKO!!!!

Stacey:"ahas ka diba! Gumapang ka! Di yung naka tunganga ka parang di ka ahas ah!?" Sabi niya. Katapat ko siya ngayon.
Me:"so alam mo di pala ang gawain ng katulad ko? Pareho pala tayo, well from now on, sisiguraduhin kong they will see the difference between us, ayoko kasi ng may kagaya.." sabi ko. Nag init ako sobra dun ah! Parang gusto ata makatikim neto ni Stacey. Tinarayan niya lang ako.

sumigaw ang coach ng school namin, si Coach Raffy.

The referee blew the whistle again, nag service naman sa kabila si Charlene, nakuha yun ni Santhy. Magaling siya sa defense, pwede siyang libero. Noong nakuha niya ang bola sumenyas na sakin si Maryse na ako na ang papalo ng bola. Pag set sakin ni Maryse, as I approach the ball, nakita kong walang tao sa gilid dahil lahat sila naka prepare sa pagpalo ko, expected siguro nila malakas yung gagawi ko, well I decided to drop it.. at pag drop ball ko, nag slide si Stacey but unfortunately, di niya nakuha.
Me:"ang ahas, nakukuha at natutuklaw ang lahat ng ginagapang.." parinig ko sakanya. Pinanindigan ko na yung pagtawag niya saking ahas.. since its half true. Tumayo siya at nagtaray sakin.

When the PlayBoy meets the PlayGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon