Six years had past and now I'm back to the place where I made good memories but also bad memories that left a scar in my heart. I looked around as I walked to the airport to see who will be picking me up. I stopped in my tracks when I saw a familiar face. He walk towards me and bowed as a greeting.
"Welcome back, Miss Reeve. Pinapasundo po kayo sa akin ng Kuya niyo. Busy daw po kasi siya kaya hindi niya kayo masundo." he explained.
Kinuha naman niya ang mga bagahe ko at inilagay sa sasakyan. Habang nasa byahe kami ay nakita kong marami na ding nagbago dito. May mga dumagdag na building at meron ding pinalitan. I told my driver that I will visit my dad first at the hospital but he said that my brother told him to take me home first so that I could take a rest.
Habang nakatingin sa labas ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang makarating na kami sa tapat ng bahay. Lumabas ako at tinanaw ang bahay namin. Wala din masyadong pinagbago ang lugar.
Pagkapasok ko palang sa loob ay sinalubong na ako agad ng yakap ni Manang Ida. Nakita ko din na lumabas ang ilang kasambahay na galing pang kusina at sumilip sa dumating.
"Naku, Reeve! Ang tagal mong hindi umuwi dito, iha! Kamusta ka?" I laughed a little as I saw how excited she was when she saw me walking inside.
"I'm okay Manang. I missed you! I'm sorry, hindi po ako nakakauwi. Naging busy na po kami ako simula nung binigay sa akin ni dad yung company sa London."
"Naiintindihan ko, iha. Oh siya, magpahinga ka na doon. Kami nang bahala sa mga gamit mo."
Tumango ako sa kaniya at nginitian ang mga kasambahay na nadaanan ko. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napansin kong wala ni isang pagbabago ang nangyari sa loob. Halatang naglinis sila dito at nagpalit ng bedsheets.
Humiga ako sa kama ko at ipinikit na ang mata. Gustong-gusto ko na talagang matulog. Simula kasi nang malaman kong nasa hospital si dad ay hindi na akong nakatulog ng maayos. Hindi ako mapakali kaya agad akong kumuha ng ticket pauwi dito sa pinas. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na ako.
**********
When I woke up, it's already 7:30 in the evening. Umupo ako sa kama at nakita ang mga maleta ko sa tabi ng pintuan. Siguro ay inakyat na nila ito at pinasok nalang sa loob. Nagshower muna ako bago ko inayos ang mga gamit ko. Inilagay ko yung mga damit ko sa walk-in-closet ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para kumain. Saktong pagkababa ko ay nakita ko doon si kuya na kakapasok lang ng bahay. Mabilis akong bumaba ng hagdan at tumakbo papunta sa kaniya. He put down his suitcase at embraced me with a hug.
"Miss CEO is already home," he whispered. Humiwalay naman ako sa kaniya at sinamaan ko ng tingin.
"You didn't visit me for two years," I said while pouting at him. Natawa naman siya at pinitik ang noo ko. Mas lalong kumunot ang noo ko habang nakahawak sa pinitik niya.
"You know my reason, Reeve." he sighed and I just rolled my eyes.
YOU ARE READING
Badly Hurt (Tyrant Series #1)
RomansaReeve Trinity, a young woman who leaves her peaceful life in London to study in the Philippines. Her quiet world takes a dramatic turn when she meets Matthew Scott, the charismatic and enigmatic leader of the Tyrant Four-her brother's best friend. A...