SINJI'S POV:
--
MULA nang makilala ko si Ernaline lagi na kaming magkasama sa loob o sa labas man ng school. I had already met her brother and I was so surprised that she had a handsome brother.
"Wala ba talagang girlfriend ang Kuya mo?"
Kasalukuyan kaming nasa garden nang bahay nina Ernaline at naisipan kong dito na lang tumambay kaysa makipagkulitan sa mga tao sa HuPoFEL. Minsan nakakasawa rin pala ang mga mukha nila kahit na napapalibutan ako ng mga gwapo araw-araw. Syempre hindi ko ipagpapalit si Senri pero, it's been a week since I last talked to him. Masyado na rin siyang busy at lagi siyang kasama ni Kuya Luther outside the country.
"Hindi ko alam. Wala namang pinapakilala na babae si Kuya sa amin."
"Pakilala mo ako tapos ako na mangliligaw."
"Baliw. Mula nang akuin niya ang pagmamanage ng Montenegro Empire wala nang social life si Kuya, hindi rin naman kasi ako interesado sa business,"
"Bakit business management kinuha mo?"
"'Yon ang gusto ni Daddy. Pangarap kong maging performer Sin but I am too ashamed to go outside of my shell and show my talent."
I leaned at the table as I looked at her. Minsan naaawa ako sa babaeng ito, nasa kanya na ang lahat pero sa mga mata niya meron pa ring kulang. Being a performer is one of the hardest things you can imagine, pero iba ang pakiramdam kapag nasa entablado ka at may mga taong nakasuporta sayo. Hindi pa naman ako nakakasalamuha ng mga artista pero ayon sa obserbasyon ko mahirap ang umarte sa harap ng camera pero sa likod non hindi ka pala totoong masaya.
"Kung ganyan ang mind set mo bibigwasan kita. Bakit hindi mo subukan sa CDC Entertainment? They are one of the best entertainments in town, right?"
"Siguro pagkatapos nating grumaduate magti-take risk ako or baka maging taong bahay na lang ako. I really love writing songs and it gives me peace when my mind is at ease."
"Ikaw din, sayang ang talent,"
Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin ni Ernaline hanggang sa nagpasya akong umuwi. Pagkababa ko mula sa taxi, natanaw ko ang pigura ni Senri na naghihintay sa bukana ng building kung saan nagtatago ang HuPoFEL. Kumunot ang noo ko nang makitang malamig ang titig na ipinupukol sa akin ni Senri nang makalapit ako sa kanyang kinatatayuan.
"Where have you been?"
Napaatras ako nang wala sa oras kasi ako dapat ang magtatanong sa kanya. Nakahanda na 'yong speech ko tapos uunahan niya ako?
"Sa bahay nang kaibigan ko, bakit?"
"Didn't you hear the news?"
"What news?"
"HuPoFEL was taking care a snake inside its haven. Aqueros decided to lockdown this building and no one allowed to go outside the premises."
"Kailan ipinatupad 'yan?"
"Earlier while you are away. Get inside, Aqueros is looking for you."
Naunang tumalikod si Senri sa akin at pumasok na siya nang building. Napakagandang bungad naman 'yon sa akin. Minsan lang akong gumala tapos ganito pa ang madadatnan ko? Ang heavy naman teh! Busangot na sumunod ako kay Senri hanggang sa makarating kami sa Intel Department kung saan naroon ang Elite Members, nagkukumpulan sila sa harap nang computer.
"It takes time to fix this system, Aqueros. I just started to build a strong system for our building," Rinig kong wika ni Rent pagkapasok ko nang pinto.
Inilapag ko sa isang sofa ang dala kong bag bago lumapit sa pinagkukumpulan nila. Tumayo ako sa tabi ni Kuya Luther na matamang nakatitig sa computer ni Rent na may nakasulat na numero at letra na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...