"Ano nga ba ang kahulugan ng salitang paasa? Sa tingin ko, iyon ay ang pagpapakita ng motibo sa isang taong special ka sakanya pero hanggang pagkakaibigan lang pala ang maibibigay niya."
******************************************************************
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga habang tahimik na nagbabasa dito sa school kasi may dalawang oras pa naman akong vacant, ngunit ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay bigla na akong nagambala dahil nanaman sa.... Ewan ko ba kung anong tawag sa ganitong relasyon.
"G-gusto kita...." Umiiyak na saad ng isang babae. Tss! Diman lang nila alam na may tao rito.
"Pasensya ka na ngunit h-hindi kita g-gusto..." Sagot naman ng lalaki.
"Akala ko ba gusto mo rin ako?" Naguguluhang tanong nang babae. Hindi sumagot ang lalaki kaya naman nagpatuloy ang babae. "Anong ibig sabihin ng mga sweet gestures mo na sa akin mo lang pinapakita?!" Humuhagulhol na saad nito.
"I'm sorry.... But you've got it all wrong, I was just being a nice friend to you. It doesn't mean anything." Nakatungong sabi ng lalaki. Bigla na lang itong sinampal nung babae sabay sabing: "Ang laki mong paasa." Sabay takbo nito palayo.
Ano ba yan?! Halos lahat ganyan na ang nawiwitnessan kong pangyayari. Paulit-ulit na lang na ganyan. Minsan nga naisip ko na baka yung iba scripted na lang na para bang baka may nagshoo-shooting lang ng pelikula sa mga napupuntahan kong place. Halos araw-araw na din kasi akong nakakarinig at nakakakita ng ganyang eksena. Buti na lang at hindi ko pa nararanasan ang ganyan. Kuntento na kasi ako sa buhay na meron ako..... sa ngayon. Parang Just go with the flow lang. Hindi naman kasi ako nagmamadali sa buhay.
Tsaka naisip ko din na may natutunang aral naman siguro yung mga taong umasa. Sa ganong paraan maiintindihan nila na pag ang isang tao naging sweet, hindi na nila ito bibigyan ng ibang kahulugan. Pero hindi ko din masisisi ang ibang tao, natural lang sa isang tao ang magkamali ng intindi sa mga ginagawa ng ibang tao para sa kanila lalo na kung may effort yun at lalo na kung ramdam nila na may ibang kahulugan yun. Pero hindi ko din kasi masisisi ang side ng mga nagpapaasa daw kasi kung tutuusin, may ibang tao talaga na sadyang sweet lang at alangan namang kasi na sabihin nila na sa tuwing magpapakilala sila sa isang tao na, pakikipagkaibigan lang ang motibo nito? Pero pwede din naman ata 'yon?
Hayyy!! Nako naman! Pati ako nagugulo na rin. Nagulo ko ang buhok ko dahil sa frustration na naidulot ng pesteng topic na yan! Tsk! Basta isa lang ang alam ko,
"Wala namang taong aasa kung wala rin namang taong paasa."
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagpasensyahan niyo na po tong nagawa kong story. Kung story pa ba ang tawag dito? Hahaha! Lilinawin ko lang po, (Naks! Lilinawin) wala po akong pinatatamaan o kung ano man at hindi din po ako bitter. Nakikinig lang po ako ng music ng bigla ko na lang maisipang isulat ito. Ayun lang po :)
NOTE: HINDI PO ITO KATOTOHANAN. IMAHINASYON LANG PO ITO. (Sapalagay ko. Hahaha!)
You may also follow me on twitter (@_Anonymous0127 ) and add me on facebook (Queen WP) let's talk :)
-Anonymous0127
BINABASA MO ANG
One Word, Five Letters: PAASA (O.S)
Short StoryIt's just a one word that has a five letters. But if you explain it, it contains a very hurtful and unexpected meaning.