CHAPTER TWO
"MAMA, I'm bored. I wanna go outside. I wanna play."
"Wait lang, baby. Later na tayo lumabas," sabi ni Frances habang tinutupi niya ng maayos, pantay na pantay, at lapat na lapat ang mga damit niya.
"But, Mama. You have said that too may times since morning!" angal ni Cyla.
"Sshh. Be quiet, Cyla," saway niya sa anak habang tinatantiyang mabuti kung maayos ang pagkakatupi niya sa isang sleeve ng damit niya.
Napansin niyang parang hindi pareho ang pagkakatupi niyon sa naunang sleeve na natupi niya na. Kaya binulatlat niya ulit ang blouse at saka inulit ang pagtutupi niyon mula umpisa.
"Mama, please? Let's go outside?" Cyla pleaded. Umakyat na ito ng kama at umupo sa harap kung saan siya nagtutupi. "Tito Matthew is still sleeping. He cannot play with me. So you must play with me."
Hindi alam ni Frances na naiignora niya na ang anak dahil ang buong atensyon niya ay nasa damit na tinutupi. Hindi niya na napansin na kalahating oras na pala siya sa pagtutupi ng iisang blouse.
Basta ang mahalaga sa kanya ay pantay na pantay ang tupi niyon katulad ng ibang damit na nauna niya nang natupi mula kaninang umaga.
"Mama, why aren't you listening to me? Why are you ignoring me?" tampo ni Cyla at saka napahiga na ng kama.
Pumadyak-padyak pa ito. "Mama, I want to play. It's windy outside. Let's fly a kite!"
"Later," Frances managed to say.
Natapos niya na ang pagtutupi at saka naman niya iyon maingat na ipinatong sa iba pang nakatuping damit sa gilid ng kama. Nang masigurong aligned ang pagkakapatong ng mga damit ay napatingin siya sa anak. "Bakit nakasimangot ka, baby?"
"What?"
"What's with your face? You're frowning at Mama?"
Cyla pouted her small lips. "You're not listening to me! You don't want to play with me."
Bumangon ito at umalis sa ibabaw ng kama. Mabilis itong lumabas ng kuwarto.
Napailing na lang siya at saka pinagpatuloy ang pagtutupi ng damit.
Kapag natapos na siya sa ginagawa ay saka na lang niya pagsasabihan ang anak.
Hindi alam ni Frances kung ilang minuto o oras na naman ang lumipas dahil sa pagtutupi ng isang damit.
"Pinagpalit mong makipaglaro sa anak mo para lang magtupi ng damit?"
Hindi niya nilingon si Matthew kahit pa napaka-sexy ng dating ng boses nito. Kagigising pa lang siguro kaya medyo husky pa ang boses. But, whatever.
"Where's Cyla?" tanong niya lang habang patuloy sa maingat at mabagal na pagtutupi.
"Nasa kusina. Pinakain ko ng tanghalian. Hindi mo ginawan ng lunch iyong bata? Kawawa naman. Kumakatok sa'kin kanina kaya ako nagising. Paiyak na si Cyla dahil hindi mo daw pinapansin."
Nilagay niya ng maingat ang katatapos lang na tinuping damit sa ibabaw ng blouse na tinupi niya kanina. Nang masigurong pantay iyon ay saka lang niya nilingon si Matthew.
Napataas siya ng kilay nang makita ang itsura nito.
Nakatayo ito sa may bukana ng pinto habang nakahalukipkip. Gulu-gulo pa ang buhok nito habang suot ang gusot na white sando at dark blue boxer shorts.
Nakakunot ang noo nito at walang kangiti-ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay mas nakaagaw ng pansin niya ang biceps nito sa magkabilang balikat. Also his powerful hairy legs.
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...