THIRTY THREE

427 8 2
                                    

Ramdam ni Rein ang pagtibok ng puso niya nang papasok na ang van na sinasakyan nila sa loob ng malawak na bakuran ng bahay ng knyang ama. Katabi niya si Kim sa backseat. Mayamaya ay naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa palad niya.
"Relax, okay? " pabulong na sabi nito.
Tumango lang siya.
Pagparada ng van sa garahe ay nauna nang bumaba si Tita Dhez na nasa unahan. Bago pa sila makaibis ni Kim ay natanaw ma niya sa malaking pintuan ng bahay ang kanyang ama, katabi si AJ.
May kung anong kakatwang emosyon na sumigid sa damdamin niya pagkakita sa dating kasintahan. Malaki ang ipinagbago nito. Lalo itong gumuwapo at mag-mature ito. Pero parang nahulog ang katawan nito, ganoon din ang knyang ama. Wla na ang taglay na tikas ni Hyun noon, at wala n rin ang kasungitan nito.
"Rein, anak! "
Nagulat siya sa magiliw na pagtanggap nito sa kanya at tsaka siya niyakap ng mahigpit.
Pinakiramdaman niya ang sarili. May nakapa siyang kakaibang ligaya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na niyakap siya nito. Ngunit nanaig ang poot niyq sa dibdib niya kaya bahagya niyang inilayo ang sarili.
"Miss na miss na kita anak! Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon.,"maemosyong pahayag nito na halatang pinipigil ang pagluha.
Hindi niya ito sinagot, sa halip ay ipinakilala niya si Kim dito,si Kim, " ang asawa q malamig na sabi niya. Ni hindi niya ito tinawag na papa. Gusto niyang ipadama rito na wala na rin siyang paggaalang dito. Alam din naman niya na hindi siya kukuwestiyunin ni Tita Dhez dahil alm nitong galit siya sa ama.
Tumingin ito kay Kim. "Ikaw ba ang asawa ng anak ko? "
"Ako nga po" wika ni Kim. Ikinagagalak ko po kayong makilala".
Inilahad nito ang kamay kay Kim. "Ako rin, Kim. Mabuti namn at sumama ka kay Rein. Ngayon ay nakakaharap ko na rin ang manugang ko.
Kahit anong iwas ni Rein para huwag mapatingin sa kinaroroonan ni AJ ay hindi niya mapigilan ang sarili. Nagtagpo ang mga mata nila at nakita niya ang malamig na titig nito sa knya. Animo estranghero siya na biglang dumating sa rancho.
Hah! So what kong ganyan ang pagtrato mo sa akin!
"Honey, ito naman si AJ,ang asawa ng kapatid kong si Wendy", aniya pagkuwan.
Napatingin si Kim kay AJ. "Hi AJ".
Parang napapalitan lang na iabot ni AJ ang kamay nito kay Kim. "Nice to meet you Kim".
"Tara na muna sa loob at mainit dito s labas", savi ni Tita Dhez." Taec, ipasok ko na yang mga gamit nina Rein sa silid niya sa taas..
"Sige ma'am tugon ni taec.

STILL LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon