Chapter 14
I've never been this happy in my entire life.
Ganito siguro ang pakiramdam kapag pinakawalan mo na lahat ng dapat pakawalan. Lahat ng negative ay pinakawalan na. It's been 2 months since he courted me. I must say that he's extra sweet towards me. He brings food whenever I'm hungry... He always meets me at the school gate or picks me up from home... He always takes care of me... He always makes me feel that I deserve the best... Masasabi ko na gusto ko ang mga ginagawa niya. Hindi ako nagkamali na pumayag, alam kong hindi niya sasayangin yung chance na binigay ko sa kanya. I remembered the day he went to my lola to take my hand. Not literal but in traditional way.
Mabait si lola, alam ko naman na gustong-gusto na 'non magkaroon ng ipapakilala sa kanya.Gusto niya ako sumaya sa paraan na gusto ko. As I said, she's not that strict. Naalala ko noong magkaibigan pa lang kami ni Jesster 'non.Tinanong ko si lola about that matter.
"Hindi ako magiging strikta sayo. Alam kong hindi makitid ang utak mo. Alam kong alam mo ang tama sa mali. Hindi ako naging mahigpit sa mama mo, ganon din sayo .Ayoko maranasan niyo yung naranasan ko dati sa nanay ko. Gusto kong maging malaya ka hanggang sa gusto mo "
May kanya-kanyang paraan ang mga magulang sa pagdidisiplina at pagpapamukha sa mga anak tungkol sa reyalidad. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naranasan ni lola iyon. Hindi siya naging malaya noon, mas pinipili na itago ang mga naging nobyo sa takot na mahuli ng kaniyang mga magulang.
Isang araw bago pumunta si Jesster sa bahay, sinabihan ko na siya na may ipapakilala akong lalaki lalo pa siyang natuwa noong sinabi ko sa kanya na ang pupunta ay yung lalaki na minsang nagpapayong sa akin. She got excited, tuwang-tuwa pa siya. Alam kong natutuwa siya pero hindi ko inaasahan na magluluto pa raw siya ng carbonora kapag pumunta.
Sinabihan ko si lola na, she needs to act masungit in front of Jesster . As expected,she agreed. Napagkasunduan namin na pagtripan si Jesster. Kinabukasan, maagang dumating si Jesster, pusturang-pustura at nagpaligo pa ata ng pabango.
"Good Day Jess" I said at nakipagbeso.
"Good Morning Amelie" at nakipagbeso siya. Nakasuot lamang ako ng short at manipis na off shoulder top. Inalalayan niya ako sa likod kaya naramdaman ko ang panginginig at panlalamig ng kanyang mga kamay.
I chuckled silently.
May dala siyang isang box ng donuts at flowers. Dalawang set ng tag 3 roses. Siguro at tag-isa kami ni lola. Good thing at sabado at hindi busy si lola. Umaga pa lang ay gising na si lola halatang hindi naman siya ganoon ka excited sa mga mangyayari ngayon araw.Maaga siyang nagbalot para sa lumpia at nagpakulo ng noodles. Pinaupo ko siya sa sofa sa aming sala, nakaikot ang tingin niya,tinitignan ang paligid at sabay ngiti sa akin ng alanganin.
"Kinakabahan ka ba?" I asked, hindi ipinapahalatang natatawa "No, I'm not" he said habang nanginginig pa rin ang mga kamay,feeling confident.
"You should not, mabait naman si lola" ngumiti ako at tinawag na si lola.
Lumabas si lola galing sa kanyang kwarto. She acted like what we talked about. Sobrang sungit ng hitsura niya. Umarte siyang may inaamoy-amoy at parang naiirita.
"Ano ba yan Amelie? Bakit katapang ng amoy? Ang sakit sa ilong" sabi niya habang naglalakad papalapit
Alam ko na si Jesster ang sinasabihan ni lola. Matapang nga ang amoy ni Jesster dahil mukhang nagpaligo pa ata ng pabango. Matapang na hindi mabaho? Yung tipong masarap amuyin. Sadyang nag-aarte lang si lola.
BINABASA MO ANG
One Last Song (ON-GOING)
RomanceHow would you explain how you feel if you are puzzled? Amelie Jane Narrio who fell in love in the guy with the cold voice. How could she avoid if as time went on she continues love that guy? How will she get rid of the feeling she has? How will she...