Chapter 16
"Ako ang maghahawak sa kaso mo. I'm going to be your lawyer, Kyler. So, don't worry and instead… trust me because I'll do everything for you to get out of this prison." I told him that night.
Tipid lang siyang ngumiti sa'kin at halata mong matamlay pa rin ang katawan. Kahit naman sino, kung mapagbibintangan ka, ganito din ang mararamdaman ko.
I've known Kyler for just a months, pero hindi ko maitatanggi na nakilala ko na siya ng kahit kaunti lang sa kanya. At alam ko sa sarili kong hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon.
I have a lot of trust in him, and even though we're facing new challenges in life, that doesn't mean I'm going to lose trust in him. This is simply a test for us, a test to see if we are up to the challenge... or if we will give up.
"Tell me the truth, Kyler. Totoo bang sumugod ka sa bahay ng parents mo?" tanong ko.
He nodded. "Sumugod ako. Pero, wala akong dalang baril! Sinasabi ko sa'yo, Amadea, pagdating ko doon, nag away kami nila Dad. Hanggang sa bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay, at pagkagising ko… iyon na ang nadatnan ko, wala na si Dad. Someone killed him while I'm unconscious."
"Naniniwala ako sa'yo, Kyler."
"At nang magising ako, bigla na lang akong hinuli ng mga pulis. At doon ko lang din na realize na may hawak akong baril? I really don't get why that's happened." bumuntonghininga siya.
"This is probably a set up, Kyler. Sino naman kaya ang gagawa no'n sa'yo at sa tatay mo?"
"Someone who's related to my sister's death," hula niya.
Tumango ako dahil puwede iyong sinabi niya. Naiisip ko nga na baka si Aurico ang gumawa no'n dahil konektado siya sa pagkamatay ni Alyaena at mukhang kaibigan niya pa ang pamilyang Vallejos.
"Sa isang araw na ang burol ng dad mo, are you going to attend?" tanong ko.
Tinitigan niya ako ng matagal bago sumagot sa katanungan ko at ganoon nga ang nangyari isang araw. Nakapag request si Kyler sa mga pulis na umattend sa burol ng ama niya. Sinamahan ko naman agad siya at inaasahan ko na ang mga ibibitaw na salita sa kanya ng mga kamag anak niya.
"Ang kapal naman ng mukha mong bumisita pa rito! Matapos mong patayin ang sarili mong ama!?"
Pinagsisigaw si Kyler ng mga kamag anak niya kaya agad akong humarang sa harapan niya at ilang beses na sinabihang, huwag nang intindihin ang mga sinasabi nila.
Sandali lang din kami sa bahay nila Kyler at kalaunan ay naghanda na din sa pag alis. Kaya lang, pasakay pa lang sa mobile car si Kyler nang naabutan kami ng ina niya.
"Pinatay mo na ang kapatid mo, pinatay mo pa ang ama mo! Anong klase kang anak, Kyler!?" sigaw nito sa anak niya.
I gritted my teeth. "Kyler didn't kill his sister nor his father. Hindi ko alam kung bakit n'yo sinisisi sa kanya ang hindi niya naman ginawa!"
"Wala kang karapatang sumabat dito dahil hindi ka parte ng pamilya!" akmang sasampalin na sana ako nito nang agad siyang napigilan ni Kyler.
"Huwag na huwag mo siyang sasaktan. Not in front of me." madilim at madiing sambit ni Kyler.
Matapos sumakay ni Kyler sa mobile car, agad ko siyang sinundan hanggang sa makarating sa presinto. Pumunta muna kami sa visitor area para makausap siya.
Ramdam ko na mas lalo siyang tumahimik ngayon at nararamdaman ko kung anong nararamdaman niya.
"Amadea, bakit sa tingin nila Mommy… hindi ako nasasaktan? Na wala akong pakiramdam at wala akong puso…" panimula niya.
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Gizem / GerilimMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...