"Oh the B*TCH is here!!" Heto na naman sila. Walang araw na di nila ako ginaganito. Masakit man lahat ng sinasabi nilang kasinungalingan tungkol sakin ay tinatanggap ko na lang. Kahit na sobrang nasasaktan talaga ako to the point na ayaw ko nang pumasok dito sa school.
"Nakakaasar talaga ang pagmumuka ng babaeng yan!kung bakit ba kasi siya pa ang naging Campus Queen eh sa dinami dami ng babaeng magaganda dito siya pa!" Ewan ko ba kung bakit galit na galit sakin yang si tris mendoza. siguro dahil gusto niya na siya na lang ang naging Campus Queen.
Di ko naman ginusto to eh! Gusto ko nga na bumalik na ulit sa dati ang buhay ko. Yung tahimik, walang pinoproblema, walang mga haters. Daig ko pa ata ang mga artista sa sobrang dami ng haters ko.
Labasan na namin ngayon sa school kaya sandamakmak na naman na kasinungalingan na naman ang naririnig ko.
"Balita ko di na yan virgin." Nakakaasar na mga luha na to. Tumutulo na naman. Ang sakit talaga ng mga sinasabi nila. Tagos sa puso! Ano bang nasa isip nila at pati ang mga salitang yon ay sinasabi pa nila. Ang dami talagang sumisira sakin.
Nasa labas na ko ng school at naka sumbrero para di makilala ng mga tao at para na din makaiwas sa mga haters ko. Ng may dumaan na mga babae na napasok sa Kamisama Academy.
"Nakakainis talaga yang Zeah Rivera na yan! Inagaw ba naman ang boyfriend ko! Nakita ko na magkasama sila ni jake kahapon sa may basketball court!ibang klase talagang babae yan! Lahat na ata ng lalaki ay papatulan niyan eh!" Eto palang babaeng ito ang girlfriend ni jake na kwinikwento niya sakin.
Kaya lang naman lumapit sakin kahapon si Jake dahil sa kapatid kong si kuya Zeon. Magkabarkada kasi sila ni kuya Zeon eh may practice ng sayaw si kuya kaya hinabilin niya ako kay Jake.
Bawat paglapit sakin ng mga lalaki ay may dahilan at saka di ko naman ginugusto na lumapit sila sakin. Sila lang talaga ang kusang lumalapit sakin.
Mag isa lang akong naglalakad ngayon papunta sa bahay namin. Mas gusto ko pang maglakad kaysa mag sakay o magpasundo kay kuya. Natatakot kasi ako na baka lagyan na naman ng issue ng mga estudyante o kung sino man ang bawat pag kilos ko, kaya limitado ang bawat pag kilos ko.
"AHHH..!!!" sigaw ko ng naramdaman kong natakid na naman ako at may malaking galos na naman ako sa tuhod ko.
Walang araw na hindi ako nasasaktan o nagkakasugat. Lahat ng ito ay pinaplano ng mga taong ayaw sakin. Expected ko na na mangyayari to eh!
"TATANG*TANG* KA KASI EH! Siguro umiisip ka ng paraan para manggayuma ng iba pang mga lalaki no?!" di ko na lang siya sinagot. Hanggang sa umalais na yung babaeng tumakid sakin. Eto na naman eh! Sobrang naririndi na ko sa mga sinasabi nila sakin. Balewala na sakin ang mga sugat, siguro dahil sanay na ako pero ang mga masasakit na salita na sinasabi nila di ko na kinakaya.
Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa pamilya namin na ayaw ko na mag-aral
I-ika-ika ako na naglalakad papunta sa bahay namin. Malapit na naman ako eh.
Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay agad na sumalubong sakin si aling melinda.
"Mam Zeah ano pong nangyare sa tuhod niyo. Kailangan po nating yang gamutin. Napakalaki po ng sugat niyo. Sino po ba ang gumawa sa inyo niyan?" sobrang nagaalala si aling Melinda simula kasi nung bata pa kami ni kuya ay siya na ang nag alaga samin dahil laging nasa mga business meeting ang mga magulang namin.
"Ayos lang po ako. Nandiyan po ba sina mama?" Kailangan ko natalaga sabihin sa kanila.
"Opo.nasa living room po sina mam at sir, pero bago po kayo pumunta doon ay gagamutin ko muna po yang sugat niyo."
"Sige po."
Pumunta agad kami ni Aling Melinda sa kwarto ko. Ginamot niya ang sugat ko at nagpalit na din ako ng damit. Pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa may living room
"Good afternoon anak!! W-wait what happened to your legs? Napapadalas na ang pagkakaroon mo ng sugat. Wag mong sabihing nadapa ka na naman?" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh yan ang unang mapupuna ni mama. At ang tingin ni papa ay parang nag-aalalang galit.
Imbis na sagutin ko ang tanong ni mama ay sinabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Mama, Papa. Ayaw ko na pong pumasok sa school." sinasabi ko yon sa kanila habang umiiyak. Di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. kusa na silang pumapatak.
"Ha? Anak? Pero bakit? May mga nam bu-bully ba sayo? Ililipat ka na lang namin ng school."
"N-no mama! A-ayaw ko na po talagang pumasok! O-okay lang po sakin na palayasin niyo po ako dito sa bahay, b-basta ayaw ko na po talagang pumasok." Iyak talaga ako ng iyak.
"Anak alam kong may mabigat kang problemang pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw, ipapadala ka namin ng mama mo bukas na bukas sa bahay natin sa batangas. Dun ka muna titira kasama ang kuya mo. At doon mo rin pag isipan kung kailan mo gustong bumalik sa pag-aaral." Buti alam ni papa ang nararamdaman ko ngayon.
Siguro nga mas maganda kung sa Batangas na nga muna ako mag stay. Kaso siguradong magagalit si kuya pag nalaman niya na magtratransfer siya sa batangas eh 3rd grading na.
Nagthankyou ako kayna mama at papa. Nagiimpake na ako ngayon dito ng may kumatok na pagkakalakas-lakas.
"Bukas ang pinto." Sigaw ko
"Hoy! Zeah Rivera.! Sabihin mo nga sakin kung sino ang dahilan ng paglipat natin sa batangas! Abat biglaan pa ahh! 3rd grading na ah!! At bakit ang pugto na naman ng mata mo pati may sugat ka na naman? Napapadalas na yan ah! Sabihin mo nga sakin!" Grabe talaga si kuya Zeon.
Kwinento ko sa kanya ang buong pangyayare. Nagalit pa nga at sinabing susugudin niya daw kung sino ang mga yon. Pero sinabi ko agad kay kuya na baka lalong lumalala ang gulo. Kaya yun, dahil mahal ako ng aking kapatid ay sasamahan niya ako sa batangas..
********************
First story ko po ito. sana po magustuhan niyo. ^__^Vomment na lamang po para sa next chapter ^^
BINABASA MO ANG
Former Campus Queen meets The Childish Heartthrob
Teen Fictionpano kung ang isang babaeng sawa na sa kanyang buhay dahil sa mga problemang dumaan sa buhay niya ay matagpuan ang lalaking dadagdag pa sa problema niya.