CHAPTER 2.3 - The Stalker

352 20 0
                                    

"CAT, please send the reports to my email directly ha," paalala niya sa paalis na katrabaho. "And also, 'yong request ni Mr. Devaras, I also need to check on that." Iyon agad ang bungad ni Lavender sa kaibigang sumilip sa opisina niya dahil naiwan iyong nakabukas.

"Noted, boss. Umuwi ka na rin agad. 'Wag kang magpakalunod sa trabaho. Hindi ka magkaka-jowa riyan," pang-aasar ni Catrina bago naglakad palabas sa opisina.

"The heck I care," pahabol niyang tugon na sinadya pang lakasan ang boses para umabot sa kaibigan.

Hindi pa agad umuwi si Lavender. Sinubukan niya pang tapusin ang presentation niya para sa makalawa. Gusto niyang kapag uuwi siya, wala na siyang ibang poproblemahin at matutulog na siya pagkatapos mag-shower.

She got a text message. Napilitan siyang silipin iyon. Nabuwisit lang siya nang makita kung kanino galing. Sa matandang hukluban sa HR department. Matagal-tagal na siyang kinukuliglig nito. Gusto siyang ligawan.

Why would he think that she would say "yes" to him? Wala siyang planong maging tagabantay nito sa ospital kapag bed ridden na o kaya ay maging tagabili ng maintenance nito sa drugstore. No. Never.

After another hour, hindi na kinaya ni Lavender. Napagod na ang mag mata niya sa kakatutok sa screen ng laptop. She needed some rest. Mabigat na rin ang mag balikat niya kakatrabaho.

She turned off the laptop and fixed her table. Kinuha niya na ang mga gamit na kailangan niya at ipinasok sa sairiling bag. This company would not treat me as their daughter. Why would I push myself to my total limits?

Nang makalabas siya sa opisina, nakaabang na ang Grab driver na b-in-ook niya. Mabilis siyang sumakay sa backseat. She needed to rest now. Pagod na pagod ang katawan niya sa maghapong office works.

Malapit na siya sa subdivision nang ma-realize niyang kailangan niya pang dumaan sa isang drugstore. Bibili siya ng Salonpas at vitamins. Hindi niya pwedeng pabayaan ang sarili.

"Manong, diyan na lang pala sa Mercury Drug. May bibilhin pa pala ako."

Nang makababa, mabilis siyang pumasok sa loob. It took her ten minutes before she went out of the drugstore. Naisip na lang din ni Lavender na maglakad patungo sa subdivision. Ilang metro na lang ang layo niyon.

She peacefully walking towards the subdivision gate when she noticed someone from the other side. Naglalakad din ito sa direksyong paroroonan niya. Naka-gray na hoodie ito. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil madilim sa kalyeng dinaraanan niya. Matalahib ang paligid ng kalsada. Walang taong dumaraan.

Lavender felt a sudden urge to walk faster. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya, may mali, lalo pa nang sipatin siya ng lalaki. He was glancing at her from time to time. It was as if he was following her every move.

She've lost her patience. Kahit pa natatakot at kinakabahan ay buong tapang niya itong sinigawan. "Excuse me, can I help you?!"

Huminto lang ito. Hindi nagsalita. Tumingin-tingin sa paligid.

Oh, god. I don't want to end up being raped or salvaged.

Binilisan niya ulit ang paglalakad. Palingon-lingon siya. Nakita niyang nag-menor sa paglalakad ang estranghero pero hindi pa rin tumitigil. She did her best to walk faster and faster hanggang sa wakas ay malapit na siya sa guardhouse ng village.

Ganoon na lang ang pagkadismaya ni Lavender nang makitang walang tao roon. Napamura siya. Madalas ganoon ang guardhouse na iyon. Walang silbi. Kaya kahit sino ay nakakapasok pa rin lagi sa subdivision nila.

Doon niya na naisipang tumakbo. God, she would run for her life. Hindi niya na iniinda kung medyo mabigat ang dala niyang bag. Makaligtas lang siya sa gabing iyon, kukuha na siya ng sariling sasakyan kinabukasan. Hindi na siya magko-commute. Or, whatever. Bullshit.

Impit siyang napatili nang makita niyang bumibilis na rin ang pagtakbo ng walanghiyang humahabol sa kanya. She needed to hide!

Nagmamadali siyang lumiko sa isang street na nadaanan niya. She looked for a house where she could ask for help, but she failed to find one. Thanks to the rumors about Tokhang and how the police officers allegedly plant evidences to innocents. Walang gustong mag-welcome ng kahit sino sa mga bahay nila.

Lumiko ulit siya sa kabilang street nang marating ang dulo ng unang street na pinasok niya. Lumingon siya sa likod. Wala pa ang stalker. May kaunting oras pa siya para makapagtago.

Nakakita siya ng bahay na mukhang walang tao. Wala rin siyang makitang aso. She tried to open the gate. Luckily, hindi iyon nakasara. Humahangos siyang pumasok, maingat na isinara ang gate at nagtago sa gilid ng bahay, malapit sa pinto. Nahaharangan siya ng shoerack at ng mga bakal na upuan sa lanai. She was panting heavily.

She tried her best to calm down. Hindi niya gugustuhing gumawa ng kahit anong ingay, Ni hindi niya magawang dukutin ang phone mula sa bag. She knew the screenlight of her phone could attract the stranger's attention.

Nahigit niya ang hininga nang maaninag niya mula sa pinagtataguan ang lalaking naka-hood na sumusunod sa kanya kanina. Lumilingon-lingon ito sa paligid habang mabagal na naglalakad. Natutop niya pa ang bibig nang lumingon ito sa bahay na pinagtataguan niya. Saglit itong tumitig doon. Abot-langit ang kaba ni Lavender.

Doon lang nagsimulang maiyak. Piping pinunasan niya ang luha. She felt trapped. Hindi niya alam ang gagawin maliban sa pagtatago roon. Kanino siya hihingi ng tulong? Paano siya aalis doon? Paano kung alam pala ng stalker na 'yon ang bahay niya? Wala siyang kasama. Paano kung ma-corner siya nito? O akyatin sa kwarto niya habang nasa mahimbing siyang pagtulog? At, paano siya ngayon aalis nang ligtas sa lugar na pinagtataguan niya nang mga sandaling iyon?

Hindi alam ni Lavender kung ilang minuto o oras pa ang itatagal niya roon. But she felt dizziness. Kung dahil ba iyon sa init, o sa takot o sa kahirapan ng paghinga ay hindi niya alam. In a snap, she saw pure darkness.

Wicked Series I: Marionette (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon