Chapter 7

73 3 0
                                    

Pangako

"We're here!"

literal na napanganga ko sa aking nakita,,,napakaganda kasi ng lugar na pinagdalhan sakin ni  hyann,,isang hardin,,totoo ngang marami pa kong hindi nakikita rito...

para akong nasa isang panaginip,,may mga naglalaglagang bulaklak sa lupa na tinatapakan namin tapos halatang pinaghandaan talaga ni hyann ang araw na to,,kasi---

"nagustuhan mo ba?"

"sobra hyann...hinanda mo talaga to para sakin?"

kasi sa gitna ng hardin may nakalagay na blanket tapos may maraming pagkain! sa gilid naman nito ay may malaking tent....

"Syempre Vannie,,I prepare all of this  for you kahit na  hindi ako sanay gawin ang mga ganitong bagay..."

natatawa ako kay hyann habang sinasabi niya yan kasi kinakamot niya yung batok niya haha

"alam mo master ang cute mo kapag nahihiya hahah"

"Si-sinong nagsabing nahihiya ko! ano l-ang kasi ah wala tara na!"

"hahaha uy wag ka na magalit hyann...biro lang naman yon eh"

*Sigh "okay, forgiven pero you need to kiss me on my cheeks"

"ha! wag na lang pala,,magalit ka nalang sakin"

"hahaha you're face is so red Vannie!"

"heh! huwag mo nga kong asarin,,,ikaw kasi eh kung ano anong sinasabi mo"

"Okay I give up haha let's go..."

umupo na nga kami dun sa may blanket na maraming pagkain na inihanda ni master hyann,,,

"Ang sasarap naman ng mga pagkain na inihanda mo master,,,saan galing to?tsaka sinong nagluto?"

"Ofcourse I'm the one who cook that,,galing ako sa palasyo kaya nakapaghanda ako ng mga pagkain,,,pauwi nako rito kanina nang makita ko kayo ng kapatid ko!"

"Ah si harrion,,alam mo master ang guwapo ng kapatid mo hehe,,,tsaka ano ba yung mga sinas---ah wala kain na tayo master"

"sige...you should try all of this,,,para naman malaman ko kung pasado ba ang luto ko sayo"

"sigee ba! "Inaya ko nalang siyang kumain,,ayoko na munang ungkatin yung katanungan ko tungkol sa sinabi ni harrion kanina,,gaya nga ng sinabi ni hyann,,babawi siya sakin ngayon kaya ayokong sirain ang araw niya dahil sa walang kwentang katanungan na iyon...

"sobrang sarap ng mga luto mo master! san ka natutong magluto? ako kasi ang pinaglulutuan nila tatay sa bahay namin eh,,,kahit anong aral ko kung pano magluto,,ang umaayaw na sakin ay yung kusina namin haha"

"ako lang ang nagturo sa sarili ko vannie,,mula ng magkaisip ako sa lugar na ito,,kahit kailan hindi ako humingi ng tulong sa mga magulang ko,,tinulungan ko ang sarili ko na mabuhay sa sarili kong paraan,,,"

"alam mo Vannie,,sa tuwing pumapasok ako sa palasyo,,nahihirapan ako huminga kasi doon walang  kalayaan,,ako at ang kapatid ko ay bihag ng sarili naming ama,,,masyado itong mahigpit,,,lahat ng iutos niya, kailangan sundin namin kahit labag sa loob namin..."

"kaya naman ng matagpuan ko ang lugar na ito,,naisipan ko siyang tayuan ng Isang bahay,,isang lugar na maituturing kong tahimik, payapa at malayo sa kulungang nilikha ng aming ama"

"Eh nasan ang ina ninyo?"

"wala na siya,,matagal na siyang namatay..."

"Ah sorry hyann,,,di ko sinasady---"

"It's okay Vannie,,let's just eat"

"Sige hyann,,,"ngayon ko lang nalaman na namatay na pala ang kaniyang ina,,akala ko buhay pa ito,,kawawa naman si hyann,,ngayon ko lang nalaman na may dinaramdam pala siyang bigat sa kalooban niya...

nang matapos na nga kaming kumain ay nagpahinga na muna kami at hindi ko namalayang malapit na pala maggabi,,hapon na kasi kami nakarating dito eh kaya aabutin na talaga kami ng gabi bago makauwi dun sa bahay ni hyann...

nagsindi muna siya ng kahoy bilang magsilbing ilaw namin rito sa hardin..nang matapos siya ay tumabi narin agad siya sakin,,kasalukuyan kaming nandito sa loob ng tent ngunit nakabukas naman para makita parin namin ang ganda ng hardin kahit na gabi

"hyann,,,kung may gusto kang pagsabihan ng mga problema,,lagi mong tatandaan na nandito lang ako,,handang makinig sayo"

"kung tungkol ito sa sinabi ko sayo kanina Vannie,,don't worry about it,,okay lang ako..as long as nandiyan ka sa tabi ko, I'm always okay,"then he smile at me pagkatapos ay isinandig niya ang ulo niya sa aking balikat

hinayaan ko lang siya dahil gusto kong pagaanin ang loob niya kahit man lang sa pamamagitan nito...

"gusto mo hyann ako naman ang magkwento sayo ng tungkol sakin,,kasi mula ng magkakilala tayo,,wala ka pang alam sakin eh bukod sa pangalan ko"

"Okay,,,I'm willing to listen Vannie"

"So,,hi hyann! Ako si Vannie dellano,,,well mukha lang akong bata kasi maliit ako kumpara sayo haha pero graduating na ko sa college as a teacher...lumaki ako sa isang simple pero masayang pamilya,,hindi kami mayaman pero masasabi kong naibibigay naman ng mga magulang ko ang pangangailangan namin,,dalawa kaming magkapatid,,ako tsaka si kuya vandler..."

"alam mo,,mas close ako kay tatay kasi si nanay palaging galit sakin,,na kesyo daw malas ako sa buhay niya,,na sana hindi niya nalang ako naging anak,,,hindi ko rin alam kung bakit ganun ang trato niya sakin kaya naman naiintindihan ko ang nararamdaman mo hyann"

"pangako,,hindi ako aalis sa tabi mo, lagi kitang dadamayan sa lahat ng problema mo at di kita bibigyan ng sakit ng ulo hehe pasensiya na  kanina kung naisipan kong tumakas..."

"just don't do it again Vannie,okay?"

tumango ako,humilig narin ako sa kanya habang tinitignan namin ang maliwanag na buwan sa itaas ng hardin kung nasan kami ngayon,,,matagal ko nang nararamdaman to eh pero ngayon ko lang nakumpirma,,na may gusto na ko kay hyann,,,itong puso kong marupok,,nahulog para kay hyann...pero di ko muna sasabihin sa kanya,,,kasi natatakot ako na baka hindi kami parehas ng nararamdaman ni hyann...

"tara na Vannie,,lumalalim na ang gabi..."

"sige..."nauna siyang umalis mula sa tent at inaalalayan niya kong tumayo,,,hinawakan niya muli ang aking kamay hanggang sa nilisan na nga namin ang hardin...

napakasaya ko dahil nakasama ko si hyann at nakilala  namin ang isat isa...di ko pa man alam ang lahat sa kanya,,,pero sigurado na ko na hindi ako sasaktan ni hyann,,na ligtas ako sa kanya...

pinapangako ko kay hyann na hindi ko siya iiwan nang malungkot at kung lumisan man ako sa lugar na ito,,,sisiguraduhin ko na may ipapabaon ako sa kanyang magandang alaala,,na makapagbibigay ng ngiti sa kaniyang mga labi.

XansetEam

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now