Nash's POV
Andito kami ngayon sa ospital. Kasalukuyang ginagamot si Alexa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Halo halo ang emosyon na nararamdaman. Galit, lungkot, nakokonsensya ako sa mga ginawa ko at sinabi ko. Pero gusto ko lang naman na maging totoo sa nararamdaman ko. Ayokong magpanggap lalo na sa nararamdaman ko. Kapag nagpanggap ako sino lang ba ang niloloko ko? Eh di saraili ko lang din.
Jairus: "Nash..."
Nash: "Hey.."
Jairus: "Okay ka lang pare?"
Nash: "Hindi. Ngayong alam kong dahil sa akin kaya nagkaganito si Alexa. Minahal ko si Alexa pare. Alam mo yan. Minahal ko nang totoo si Alexa. Pero hindi ko lang kayang magpanggap ngayon sa kanya. Ngayong alam ko at malinaw sa akin na si Shey na ang mahal ko. Jai, mahal ko si Shey kaya sinabi ko kay Alexa yun dahil ayoko siyang masaktan..."
At dun na nagsimula tumulo ang luha ko. Mabigat din para sa akin itong sitwasyon na ito. Mabigat din para sa akin na makitang nagkakaganito si Alexa. Minahal ko rin si Alexa. Minahal ko siya nang totoo..
Jairus: "Okay lang yan pare, andito lang kami.."
Shey's POV
Papunta ako ngayon sa ospital. Nabalitaan ko ang nangyari kay Alexa. Tinawagan ako kanina ni Patty kaya hindi na ako nag dalawang isip na pumunta agad sa ospital.
Shey: "Miss san po yung room ni Alexa Ilacad?"
Nurse: "Ah mam room 108 po. Daan po kayo sa kaliwa."
Shey: " Sige po. Salamat po!"
Room 108. Sa kaliwa daw. Teka bakit ako kinakabahan. Parang may mali sa gagawin ko. Habang tumatakbo ako natatanaw ko si Nash at si Jai nakaupo. Si Kobi naman nakasandal sa dingding. Si Patty kinocomfort si Mika.
Shey: "Guys!"
Halatang hingal na hingal ako. Kasabay nang paghingal ko eh ang pagtibok ng puso ko sa kaba.
Nash: "Shey!"
Napatayo naman si Nash at si Jairus sa kinakatayuan nila.
Shey: "Anong nangyari kay Alexa?"
Tahimik silang lahat. May iba talaga akong nararamdaman. May hindi tama.
Mika: "May gana ka pang magtanong Shey no? Kung anong nangyari kay Alexa? Bakit Shey? Kailan ka pa nagkaroon ng care kay Alexa ha?!
Nagulat ako sa sinabi ni Mika. Halata namang naguguluhan ang iba. Halatang natatakot.
Shey: "Ha? Anong ibig mong sabihin Mika? Kaibigan ko si Alexa kaya dapat lang na mag-aalala ako ngayon."
Mika: "Kaibigan? O baka naman kinaibigan mo lang siya para mapalapit kay Nash at agawin siya kay Alexa! Wag ka nang mag maang maangan pa Shey! Simula pa lang na nakita kita alam kong may kakaiba na sayo. Alam kong may landi ka na diyan sa mga dugo mo!"
Nash: "Mika! Walang kinalaman dito si Shey!"
Mika: "At ngayon naman Nash pinagtatanggol mo siya?! So totoo na kapag nakatalikod si Alexa siya ang kalandian mo?! Ang kakapal ng mga mukha niyo!"
Shey: "Hindi totoo ang mga sinasabi mo Mika. Wala akong intensyon at kahit kailan hindi ko naisipan na sirain ang relasyon ni Alexa at Nash."
Mika: "Ngayon nagbabait baitan ka?! Para kami ang lumabas na masama?! Na kami ang lumabas na inaapi ka?! Kapal din ng kalandian mo no?!
Jairus: "Tama na Mika.. Wala siyang kinalaman dito.."
Mika: "Wow. Pati ikaw Jairus?! Kinakampihan mo yang malanding yan?! Alam niyo guys simula nung pumasok si Shey sa pagkakaibigan natin wala nang pangyayari ang naging tama! At dahil lahat yan kay Shey!"
Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Bakit ako ang sinisisi ni Mika. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Ang sakit sakit na nakikita kaming nagkakaganito.
Jairus: "Hindi ko naman sinabi na kinakamapihan ko si Shey. Nagpakatotoo lang si Nash sa kanyang nararamdaman."
Anong nagpakatotoo sa nararamdaman? Eto na ata ang tamang oras para magsalita ulit ako.
Shey: "Anong nagpakatotoo sa nararamdaman?"
Lahat sila tahimik. Yumuko si Jairus. Si Mika tuloy tuloy lang sa pag iyak. Si Patty at Kobi halatang natatakot magsalita. Tumingin ako kay Nash na nakatingin din sa akin.
Nash: "Mahal kita Shey..."
============================================
Umamin na si Nash. Yaaaay!
Ano na kayang mangyayari sa barkada?!
Ano na kayang mangyayari kay Alexa at Nash?
Tatanggapin kaya ni Shey ang pagmamahal ni Nash since mahal din niya si Nash?
Pano naman ngayon ang sikreto ni Shey?
Lahat yan abangan!
Keep loving Nashlene!