59

20.8K 475 31
                                    

Bago kami magkahiwalay na apat ay binilin ng dalawa na 'wag ko pabayaan si kristine. Kahit hindi na nila sabihin 'yon ay gagawin ko naman talaga.

I keep glancing on her just to make sure she's okay. Naabutan kami ng traffic sa daan kaya medyo natagalan kami at habang hinihintay umusad ang mga sasakyan ay tiningnan kong muli ang natutulog niyang pigura.

Tinanggal ko ang seat belt at dahan-dahang inabot ang mukha ng mahal ko para hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha nito.

I gently caressed her cheeks na parang takot masira ang mahimbing nitong tulog. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil halata ang pag bagsak ng pangangatawan niya kumpara dati.

I blame myself in everything, masyadong magulo ang isipan ko nitong mga nagdaang linggo. Hindi alam kung ano pa ba ang iisipin dahil sinisisi ko ang sarili sa mga nangyari.

Nung araw na umuwi si papa galung mexico ay saka nila inamin ang lahat-lahat. Hindi maipagkakaila na masakit para sa'kin ang malaman ang buong katotohanan kahit na may alam na ako pero iba pa rin talaga yung galing mismo sa bibig nila. Sa pagkakatanda ko rin sa kuwento ni mama, nag iisang anak ako ng namayapa kong ina.

Wala rin silang impormasyon kung may iba pa ba akong pamilya dahil natagpuan na lang daw akong tulala at duguan ng mga rescuer sa loob nang bus habang yakap ng biological mom ko kaya hindi ko mapigilang maging emosyonal nung sinabi nila sa'kin yun.

Kahit pala sa huling hininga ay prinotektahan niya ako at hindi pinabayaan.

Ang nakakagulat pa sa sinabi nila ay sila yung nakasalubong at nahagip ng bus na sinasakyan namin at parang biniyak ang puso ko ng malaman kong bukod kay ate cass ay dapat may isa pa silang anak na sa kasamaang palad ay hindi rin nakaligtas sa aksidente.

Wala akong hinanakit o sama ng loob sa kanila. Tampo pwede pa dahil sana sinabi nalang nila ang totoo hindi yung tinago pa nila ng mahabang taon tapos sa ibang tao ko pa malalaman.

Nagkapatawaran at sino naman ako para hindi tanggapin ang tawad ng mga taong walang ibang ginawa kundi mabigyan ako ng magandang kinabukasan kahit na hindi nila ako tunay na kadugo kaya pinapasalamat ko sa panginoon dahil napunta ako sa mabuting pamilya.

Hindi ko man nakasama ng matagal ang mga tunay kong pamilya ay sana masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.

"hmm"

"hey, sorry to wake you up... sleep ka ulit, gigisingin lang kita" malambing kong sabi pagkatapos ay hinalikan ko ang tungki ng ilong na nagpangiti sakanya habang papikit pikit ang mga mata niya.

"tell me I'm not dreaming" napangiti ako dahil ang cute niya kaya umusog pa ako para mahalikan ang malambot nitong labi bago ako humiwalay.

"I miss that... I miss you so much" naka pout nitong sabi na naluluha kaya hinalikan ko ulit ito sa pisngi. Nakita kong umusad na yung mga sasakyan sa unahan kaya inayos ko muna ang pagkaka seat belt ko bago ko pinaandar ang sinasakyan namin. Hindi ko binitawan ang kamay nito at panakang hinahalikan ang likod ng palad niya hanggang sa ginilid ko muna ang sasakyan.

Tinanggal ko ulit ang pagkakaseat belt ko at nang sa kanya bago ko siya maingat na pinaupo sa kandungan ko.
"I miss you too and I'm so sorry po kung feeling mo binabalewala kita but trust me araw-araw po kitang iniisip. Hindi ko lang kasi maiwasang isipin na parang napakawalang kwenta kong tao... hindi ko man lang kayo magawang maipagtanggol ni ate" napakahina ng pagkakasabi ko ng huling mga salita bago siya tiningnan sa mga mata.

Malungkot niya akong nginitian pagkatapos ay inabot nito ang pisngi ko at hinaplos na ikinapikit ko.

"don't say that, ginawa mo lang din ang makakaya mo. Nagkataon lang na nasa mali kang posisyon nung mga oras na 'yon"

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon