Simula

5 1 0
                                    


Paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao? Kase kung ako ang tatanungin hindi ko alam ang sagot.

Kase simula yata ng nagkaisip ako hindi ko na naranasan kung paano ba mahalin ng mga maagulang ko. Lumaki ako na si lola ang nakagisnan kong magulang.

Samantalang si mama nagtatrabaho sa ibang bansa bilang katulong ng isang negosyante ng  mga sikat na hotel at resort dto sa pilipinas maging sa ibang bansa.

Ang papa ko naman ay diko na nakilala .hindi pako pinapanganak ay naghiwalay na sila ni mama .hindi ko alam rason pero para saken siguro ganon talaga.

Ang mahalaga naman ay nabubuhay ako at walang problema-

"Hoy! Asrah! Ano nanamang tinatanga tanga mo jan? Kanina ka pa nag iigib jan! Ano matagal pabayan ?"  Wala nga ba
talagang problema asrah? Napakaamot ako sa ulo ko at pinagpatuloy ang pag bobomba sa poso.

"Malapit na po to la," sagot ko at pinalit namang ang isang timba sa. Daluyan ng tubig ng poso.

"Bilisan mo at maghugas ka ng plato, magluto kanadin ng isang kilo na bigas at darating ang mga pinsan mo" sagot nya at tumalikod na. Sa akin..

Hyst! Darating nanaman ang mga feeling mayaman kong pinsan, napairap nalang ako sakawalan at binuhat na ang timba ng mapuno ito..

"Asrah~" si Tian na may bitbit ding timba mukang patungo den sa poso at mag iigib..

"Oh! Baket nanaman?" Mataray na sagot ko.

"Totoo bang darating ang mga pinsan mo?" Huminto pa talaga sya sa harap ko ,kaya napatigil den ako sa paglalakad.

"O eh ano ngayon? Magkukunwari ka nanamang dadalawin moko para. Magtanong ng kung ano ano ? Pero ang totoo mag papa pansin kalang sa mga pinsan ko". Pabalang na. Sagot ko

"H-hoy. Hindi ahh!" Nauutal na depensya nya

"Sus! Style mo bulok! Tumabi kanga jan! Papagalitan nanaman ako ni lola pag di ko nagawa yung iuutos nya" Binuhat ko ang timba at nagpatuloy  sa paglalakad ng tumabi sya..

Mukang may sasabihin pa sya pero di ko nalang pinansin.

Mabait naman si christian or tian for short~
Tian kase malaki tyan nya..may itsura den pero di ko trip makipag close sakanya kase halata namang crush nya yung pinsan kong si angelie hystt..

malas lang nya ampangit kaya ng ugali ng pinsan ko kahit sobrang ganda nun.

Yah! Maganda si angelie kaya nga paboritong apo ng lola ko yun eh. Kaso maarte at feeling mayaman di den kame close ..

Mabait naman sya. Medyo

pero diko lang feel or naiingget lang siguro ako sakanya.

Wala eh nasa kanya na kase ang lahat.may magulang sya na laging anjan para sakanya

Maganda sya,mukang anak mayaman
At higit sa lahat yung mga taong gusto kong maka close or maging kaibigan - kinakaibigan lang ako dahil gusto mapalapit sakanya

Oo inggit nga siguro ako sakanya kaya minsan ayoko na dinadalaw nila si lola or pag nagbabakasyon sila dto.

Bukod pa don kawawa den ako sa mga gawaing bahay dahil saken lahat inuutos kesyo bawal magasgasan ang mapuputi nyang balat..kesyo ganto ganyan!

Eh pano naman ako? Porke ba hindi ako maganda kagaya nya? Ok lang na mging katulong nako halos?

Di naman sa nagrereklamo ako pero parang ganun nanga.

Hyst ano batong pinag iisip ko..

Pag uwi sa bahay ay sinalin kona ang mga inigib ko at nagsalang ng bigas bago mag hugas ng plato.

Paniguradong dito sila mag sstay kase hapon na at mahirap na bumyahe pag gabi..

Or siguro dto muna sila ulit mag babakasyon

Pag tapos ko gawin lahat ng gawain ay naligo nako at inaantay nalang ang pagdataing ni lola.

Nasa bayan kase sya at sinundo. Angg mga pinsan ko gaya ng nakagawian..

Naupo muna ako at nag binukasan ang cp ko tska nag scroll sa facebook..

Wala naman kase kaming tv ..
Kaya cellphone lang na touch  screen ang libngan ko ..ewan koba bat ayaw ni lola bumili ng tv , may tubig at ilaw naman kami pero mas feel ni lola na pag igibin ako sa poso para daw mas matipid..

Maya maya pa ay narinig kona ang tunog ng tricycle. Sa labas paniguradong anjan na sila.


————
Next

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If i fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon