Nakatingin lang sya sa malawak na karagatan, padilim na kaya naghahanap na sya ng makakain nya, ilang araw na rin ang lumipas mula ng magpunta sya ng ibabaw.Pero hind parin nya maalis sa isip nya ang nilalang na nakausap nya.
Lagi itong sumasagi sa isip nya na kahit anong pilit nya ay wala syang magawa.
" Ano kayang klasing nilalang iyon siguro isa sya sa tinatawag na tagalupa? Pero ano kayang itsura nya!" Napabuntong hininga na lamang sya.
Huminto sya sa maliit na bato, at doon umupo.
Pinagmamasdan ang kawalan.
" Hanggang kailan kaya ako makakaramdam ng lungkot, hanggang kailan ako iiwas sa mga nilalang?" Tanong nya sa sarili.
"Gustohin ko man na mamuhay ng normal pero hind ko magawa, para akong nakagapus sa sarili kong mga kamay,!" Hind nya na pigilan at bigla na lang tumulo ang kanyang luha.
Hanggang sa pumatak ito sa inuupuan nya, biglang my isang gintong bulaklak ang tumubo dito.
Pero hind nya na iyon napansin dahil patuloy ang bawat pag-agos ng kanyang luha.
Ilang taon na ba ang lumipas mula ng huli nyang pagluha, bata pa sya noon.
At mula ng magisa sya ay ngayon lang ulit sya umiyak.
" Sana kahit isang araw lang ay maging normal ako, tulad ng iba.!" Bulong nya sa sarili habang patuloy parin ang pag agos ng luha nya sa hind nya napansin na nagkukumpulan na ang gintong bulaklak sa kanya.
Nang mahimasmasan ay unti-unti nyang pinunasan ang kanyang mukha.
Agad nmn nyang kinapa ang isdang nahuli nya kanina, pero hindi ito ang nahawakan nya.
Bigla nmn syang napanganga ng mapansin nya ang mga bulaklak na nakapalibut sa kanya.
" Sandali wala ito kanina ahhh? Saan ito galing?" Tanong nya sa sarili.
Tinignan nya ang paligid pero wala syang maramdaman na my kasama sya ibigsabihin ay nagiisa lamang sya doon, imposibling Meron na iyon kanina dahil alam nya maliit na mga bato la ang nandoon.
Hind nya napigilan ang paghaplos ng bawat talulut nito.
Pero bigla sya natigilan ng parang my kakaiba syang nararamdaman, hind sya pwding magkamali nahihirapan syang huminga.
Tinignan nya ang gintong bulaklak na nasa paligid nya.
Hindi nya maiwasan na magtanong.
" Ahhh ?" Hind na nya kayang huminga kaya lumangoy sya paitaas alam nyang doon lang sya makakalanghap ng hangin.
Pero hind na nya namalayan na nawalan na sya ng malay.
Gusto nyang idilat ang mga mata pero hind na nya magawa hanggang sa tuluyan na nga syang nawalan ng ulirat.
Nagising sya ng my maramdamang my pumapatak na kong anong bagay sa kanyang mukha.
Hanggang sa palakas ito ng palakas.
Bigla siyang napabangon at napatingala sa langit madilim ito at pumatak ang ulan.
Imbis na mamangha ay bigla syang nakaramdam ng takot.
Agad nyang nilibut ang kanyang paningin at napagtanto nyang nasa isla sya kong saan dati nyang napuntahan.
Gagapang na sana sya pabalik sa tubig ng mapansin nyang biglang naghiwalay ang kanyang buntot, pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang buntot ay naging binte.
" Paano nangyare iyon?" Bulalas nya sa sarili.
Bigla nmn umihip ang malakas na hangin at sabay na lumakas ang buhos ng ulan.
Hind man nya maintindihan ang nangyayari pero kailangan na muna nyang sumilong at nakakaramdam sya ng matinding lamig na dati ay hind nya naramdaman.
Gumapang sya papunta sa my puno ng niyog.
" Siguro ay mas ligtas ako roon? Hind ko alam kong paano gamitin ang bago kong katawan ?" Bulong nya sa sarili.
Pero hind pa man sya nakakalapit sa kanyang pupuntahan ay my humarang na dito.
" Kailangan mo ba ng tulong?"
Nakaramdam sya ng takot ng makilala nya ang baritinong buses na iyon.
Gagapang na sana sya pabalik sa dagat ay hinawakan na nito ang braso nya.
Pilit nyang pumiglas pero mas malakas ito sa kanya isa pa nanghihina pa sya.
" Wag ng matigas ang ulo baka magkasakit kapa dito!" Saad nmn ito.
Wala nmn din syang ibang pagpipilian marami pa syang katanungan na hind nya alam kong saan sya maghahanap ng kasagutan.
Tumango na lang sya dito at nagpatianud sa lalaking kaharap nya ngayon.
Hind nya mapigilan na titigan ito pero ang nakakapagtataka ay wala man lang nangyari dito.
Bigla syang natigilan maglakad at hinarap ito, tinignan nya ito sa mata.
Bigla nmn nangunot ang noo nito at para bang nagtatanong.
Unti-unti syang lumapit dito at mariin paring nakatitig sa mga mata nito, ang hind nya maasahan ay hind nya makaya ang bawat kuwento ng mga mata nito.
Bigla syang napaupo, nawalan bigla sya ng lakas ng makita nya lahat iyon.
Hinawakan nya ang kanyang dibdib, upang mabawasan ang sakit.
Tumingin sya sa lalaking ito na ngayon ay inaalalayan sya.
" Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa kanya.
Tumango na lang sya.
YOU ARE READING
The dangerous Mermaid
FantasyWala na yatang mas sasakit pa kapag ang lalaking Mahal mo ay unti-unting namamatay sa harap mo. Pero mas masakit pa doon na ikaw mismo ang dahilan kong bakit unti-unti syang namamatay. Ang serinang isinumpa dahil sa kalandian ng kanyang ama. Wala ma...