Chapter 17

120 9 39
                                    

Chapter 17



I woke up again, to see that I'm still here at this cult place. Kanina, makakatakas na sana ako pero nahuli ako ng mga tauhan ni Aurico at muli akong dinala sa silid ko.

Nandito pa rin ang bangkay. Habang tumatagal, mas lalong umaalingasaw ang amoy nito. Gusto kong masuka, gusto kong tiisin ang amoy pero hindi ko na talaga kaya.

Kinuha ang phone ko, kinuha ang buong bag ko kaya wala akong matawagan, ni hindi ko masabihan si boss sa nangyari sa'kin. Pati ang necklace ko na may tracker, nawawala rin.

I wonder how Kyler's second hearing went? Ilang oras na akong late, at sa tingin ko, hindi na ako tuluyang makaka attend sa hearing niya. Ni wala akong masabihan. Wala silang ideya sa kung nasaan na ako ngayon.

"May meeting mamaya sa room, isasama ka raw sabi ni Lord Aurico." sabi ng isang babaeng pumasok sa kwarto ko.

Nanatili lang akong nakaupo sa isang sulok. Bumuntonghininga ang babae at agad na lumapit sa'kin at binigyan ako nito ng isang dress.

"Ipapakilala ka na bilang alay,"

Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam. Ewan ko ba. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Bakit ako pa ang naging alay? Bakit kailangan pa nila ng ganito?

"Paano kung ayoko?" walang emosyong sabi ko.

"Kung ayaw mong masaktan ka ni Lord Aurico, sumunod ka na lang. Bilisan mong mag bihis d'yan at hihintayin kita sa labas."

Nang lumabas siya ng kwarto, nanatili pa rin akong nakatulala at gusto na lang matawa bigla. Nag iisip pa rin ako hanggang ngayon ng plano kung paano ako makakalabas dito. Nalaman ko kasing bawat sulok ng lugar na ito, may mga bantay kaya medyo malabong makalabas ako dito.

"Hindi ka lalabas or hihintayin mong tawagin ko si Lord Aurico para siya na ang magbihis sa'yo?"

Sa narinig kong 'yon, agad kong sinuot ang dress na binigay ng babae sa'kin at napipilitang sinuot iyon sa akin. Nang matapos, agad akong lumabas ng kwarto at dinala ng babae sa meeting room nila.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Nais ko lang ipakilala sa inyo ang ating magiging alay sa susunod na linggo. Amadea De Casa." sabi ng emcee roon sabay hinila ako ng babae papunta sa gitna.

Nagsigawan ang mga tao. Isa isa ko silang tinignan. Nakatingin sila sa'kin habang may ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko maintindihan ang mga taong ito. Anong ginawa sa kanila ni Aurico Manzano para malason ang isipan nila?

Napukaw din ng atensyon ko si Aurica na nandoon lang sa sulok at tahimik na pinapanood ako na nasa gitna. Nang magtama ang tingin namin, agad siyang umirap at nag iwas ng tingin.

"Bakit nga ba siya ang napili kong alay? Dahil siya ang isa sa mga malalakas at matatapang na taong nakilala ko." Aurico then smirked at me. "Matagal tagal ko din siyang pinagmasdan noon, at matagal ko na din siyang pinagpa-planuhang dalhin dito at ngayon, nandito na siya. Nandito na ang magiging alay natin sa pagpunta natin sa kabilang buhay."

Napailing ako habang nakikinig sa kanya. Pagkatapos niyang sabihin 'yon, nagpalakpakan ang mga tao habang nakatingin sa'kin.

"Sa wakas! Maraming salamat, Lord Aurico! Hulog ka talaga ng langit sa amin!" sigawan ng mga tao.

Gusto kong masuka. Pinag titiisan ko na lang silang lahat dito. Kapag nagawa ko na ang plano ko, sana ay tuluyan na akong makatakas dito. Hindi ko sila hahayaang mag tagumpay sa plano nilang gawin akong alay.

Nang matapos ang kaunting kasiyahan nila sa meeting room, agad din akong pinabalik sa kwarto ko at hindi ko inaasahang susundan ako ni Aurico hanggang doon.

Pagsibol (Munimuni Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon