Sorry
Hiyang hiya ako at hindi makatingin sa kanya. Gusto ko na lang ilubog ng lupa pagkatapos. Nakababa na kami ng bundok at hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong halik na pinagsaluhan namin sa bundok. Hindi 'yon ang una naming halik pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya. Ibang iba ako sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. At siguro ngayon pansin niya na 'yon.
"Why are you silent?" tanong niya habang naghihintay kami ng order. Pagkatapos mag hike ay may nakita kaming maliit na karinderya malapit sa bundok at doon kami nagkasundo na kumain. At syempre hindi na naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako.
"W-Wala..." nag-iwas ako ng tingin. I heard him chuckled and my cheeks burned even more. I suddenly want to get eaten by the ground!
"You don't have to be shy about that Jez...dahil simula ngayon palagi na kitang hahalikan. Dapat masanay ka na," masaya niyang sambit. Mas lalo akong nahiya at naiinis ako sa sarili ko pati na rin sa kanya! Bakit pa rang napakadali lang sa kanya ng lahat? Palibhasa kasi marami na siyang experience kaya hindi na mahirap para sa kanya ito!
I glared at him for a moment at napansin niya 'yon.
"Bakit tuwang tuwa ka? Pinagtatawanan mo ba ako? Dahil...h-hindi ako marunong?" tanong ko at kahit nag-iinit ang pisngi lumaban pa rin ako sa kanya ng titigan. Nagtaas siya ng kilay na para bang mas natuwa siya sa topic namin ngayon.
"Marunong saan?" he asked playfully and I suddenly hate him for that. I glared at him more.
"S-Sa paghalik!" hininaan ko ang aking boses sa takot na may ibang makarinig. A wide smirk got plastered on his lips. Mas natutuwa talaga siya kapag ganito ang usapan! What do I expect? He's a Suarez. At hindi na mababago 'yon dahil nanalaytay na sa kanilang dugo ang pagiging maloko!
"Hindi ka na dapat mag-alala tungkol do'n dahil..." he trailed off and looked at me meaningfully. Mas lalo tuloy akong nainis. "...nandito ako para turuan ka," nakangisi niyang bulong at halos maibato ko sa kanya ang ankle boots na suot ko. Bwisit!
Marami pa kaming pinuntuhan bukod sa Bundok Peninsula. Hindi ko akalain na maraming destinasyon dito ang natatago at nag-iintay din na mabisita. Nakakagaan ng loob at alam kong hinding hindi ko ito malilimutan...lalo na't ang kasama ko ay isang lalaki na nilalaman ng puso ko.
Naalala ko tuloy si mommy...kung minahal niya ba ng husto si daddy ng ganito...maghahanap pa ba siya ng iba? Iiwan niya ba ako? Hindi ko alam. Bata pa lang ako alam ko na istorya sa likod ng kasal ni mommy at daddy at hindi ito magandan istorya.
Bigla akong nalungkot sa naisip. Natulala ako sa mataas sa kulay kahel na kalangitan dahil sa malapit na paglubog ng haring araw.
"What's wrong?" tanong ni Edward. Napansin niya siguro ang pananahimik ko. Nagpapahinga na kami ngayon sa isang upuan malapit sa kanyang sasakyan at pagkatapos ay baka bumalik na kami sa rest house kung saan kami tumutuloy ngayon.
"Noong nalaman mong...may ibang mahal si mommy...did you pity me?" marahan kong tanong. Natigilan siya doon. Alam kong alam niya na hindi maganda ang relasyon ng pamilya ko at saksi siya doon. Nakita niya ang lahat. Narinig niya ang lahat and it makes me wonder kung dahil ba doon kaya niya ako napansin.
"No!" nahimigan ko ang inis sa kanyang tono kaya bumaling ako sa kanya para ngitian siya.
"It's okay if you say the truth-"
"Hindi nga Jez! Noong nalaman ko 'yon...ang gusto ko na lang gawin ay ang tulungan ka," sabi niya. I tilted my head so that I can have a better view of him. Matalim niya akong tiningnan na para bang alam niyang pinagdududahan ko siya kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi sa aking labi.
"Bakit nga? Imposibleng bigla mo na lang gusto akong tulungan-"
"I fell for you...that's why!" putol niya sa sinasabi ko, iritado na. Natigilan ako sa sagot niya at bahagyang may kung anong kumurot sa aking puso. Paanong ang isang Edward Suarez ay ganito ang nararamdaman sa akin? Mas lalo tuloy akong nahihirapan. Pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Hindi dahil ganito siya sa akin ay pwede na akong manatili dito. Kailangan kong sumama kay ate Rosa at hanapin si mommy. Sa ngayon 'yon ang plano ko.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos no'n. Pero alam kong hindi siya mapakali sa katahimikan ko kahit nagdadrive na siya pauwi. Bumuntong hininga siya nang tumigil ang sasakyan sa parking ng rest house. It's late in the night at paniguradong tulog na ang mga tagapag silbi. Bumaba ako ng sasakyan at dire diretso ang pasok sa rest house. Pero bago pa ako makapasok sa loob ay isang hila ang nagpatigil sa akin.
"'Yon ba ang tingin mo ngayon Jez? Na kinakaawaan lang kita?" halos mawarak ang puso ko sa boses niyang halos magsumamo. Hindi ako nagsalita. Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil nagkakamali siya dahil ang totoo buo ang paniniwala kong mahal niya nga ako pero...hindi ako tiwala sa sarili ko. Dahil alam kong masasaktan ko lang siya. Ang ganitong pagmamahal ay hindi para sa akin. Ang ganitong pagmamahal ay dapat kong pakawalan dahil sa huli ayaw ko siyang masaktan sa akin.
"H-Hindi..." nanginig ang boses ko. Bumuntong hininga siya at mahigpit akong niyakap. Idiniin niya ako sa kanyang dibdib at mas lalo lang yata akong nawawasak. It's like he wants to hold me so tight pero ako...nandito at nagpaplanong iwanan siya.
Edward...hindi ka pwede sa mundo ko. Masasaktan ka lang kapag patuloy mo akong minahal ng ganito. Magkaiba tayo. Mayroon kang kumpletong pamilya habang ako ay wala. Isa akong babae na namumuhi sa sarili kong ama habang ikaw ay punong puno ng pagpapatawad. Hinahanap ko ang aking ina at kailangan kong umalis...pero ikaw gusto mo akong hawakan at ayaw bitawan.
Mahal na mahal din kita...pero natatakot akong...sa huli ay isa akong tao na sisira sa maganda mong mundo.
Tears rolled down my eyes like a waterfalls and if I can just stay and hold him like this I will always gladly do so but my love for him...is not the love for him. He deserve better. There's so many girls out there who can be with him...Patricia...or any girls but I don't think I'm not one of those girls Edward.
Hinagkan niya ako ng matagal. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang balat sa akin. Nang lumalim na ang gabi ay hinatid niya na ako sa kwarto ko. He kissed my forehead first before letting me go and closing the door and when he finally closed the door between us I cannot help but to fell down on the floor and from there I cried even more. Until I heard the phone I borrowed from Edward, beeped.
Rosa Mendoza:
Sige. Magkita tayo sa terminal ng bus sa Lucena. Hihintayin kita doon.
I cried even more. The time has come to its end. I really have to leave him. I really have to go and find my mom. I'm really sorry Edward.
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...