One Shot

8 0 0
                                    

Natutuwa ako.

Masayang masaya sa nararamdaman ko.

Sabi nila, yung feeling na parang nasa cloud 9.

Kinikilig gaya ng ibang normal na babaeng nasa 20s na ng kanilang buhay.

Nakita ko na siyaaaaaaa...

..

ang aking one true love!!

..

ANG AKING FOREVER!!!!!

---

Hanggang isang araw, nadatnan ko na lamang ang sarili ko na kasal na sa isang napakagandang lalaki na minamahal ko ng buong buo..

Tinututukan ako ng baril, paulit ulit, araw-araw.

Tinatangka niya akong patayin. Halos dalawang taon na kami ganito pero ni isang katiting hindi magawang mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Kailangan niya ako sa kanyang buhay. Kahit di niya man sabihin, di niya man maipakita, alam at ramdam ko yun.

---

Grumadweyt ako sa isang eskwelahang inaasam mapasukan ng lahat, sa University of the Phillipines, bilang isang Dev't Comm student  na sa kasalukuyan ay naghahanap ng trabaho at nasa isang abusadong relasyon dahilan sa maagang pag-aasawa at pagkabulag sa maling paniniwala ng pag ibig.

Minsan habang nag hahanda ako para sa aking job interview, inabala niya ko. Pinagtatangkaang sasaktan dahil di daw ako nararapat lumabas ng bahay. Hindi pa humihilom ang mga sugat at pasa na natamo ko sakanya nung huli naming pag aaway. Hindi ko magawang magpumiglas sa mabisig na katawan niya at hindi ko din maikakaila na nagagalit na sakin ang mga kaibigan ko dahil sa pagpapakatangang ginagawa ko.

Ewan ko ba at patuloy pa rin akong naniniwala na magbabago siya ngunit sa paglipas ng panahon, lalo siyang nagiging bayolente. marami ang nagtatanong kung bakit hindi ko siya magawa gawang iwan at ang taning sagot ko ay "Mahal ko siya."

I am crazy in love with him, too drunk for the idea of loving him, believing that we could last forever.  The more he hurts me, the eager I want to stay with him.

Wala eh. Mahal ko siya eh. Tanga na kung tanga pero naniniwala ako na tadhana ang naglapit saaming dalawa. Kailangan niya ako. Ang mga pasa sa aking katawan ang nagsisilbing ebidensya na baliw ako sa pagmamahal ng isang katulad niya.

Maganda naman ako, matalino, mabait, at marami ang nagkakagusto sa akin pero bakit ganun? Kung sino yung mahal na mahal ko, siya pa yung kayang kaya manakit sakin, emotionally at physically. Ganun ata talaga pag nagmamahal. Siguro tama ang sabi ng nakararami, kung sino yung matatalino, sila pa yung tanga sa pag-ibig.

---

Gaya ng nadaranasan ng ibang couples taun-taon, nagsimula ang relasyon namin sa pagkahumaling sa isa't isa to the point na hindi na namin magawang mawalay sa presence ng bawat isa, sobrang pocessive niya hanggang sa sinasaktan niya na ako.

I'm one of those typical domestic abuse victim. At ang domestic violence ay nangyayari sa lahat, mapalahi, relihiyon, kultura, at lahaaaaat ng baitang.

Isa sa mga untold reason kung bakit ako nanatili sa kanyang piling ay dahil hindi ko alam na inaabuso niya na pala ako. Kahit itutok niya sakin ang baril o kutsilyo, itulak sa hagdan, tinatakot na papatayin niya ang aming aso, itapon sa pagmumukha ko ang nagkukulong tubig habang naglalaba, at ang pilitin at halayin ang aking katawan, hindi ko kailan man naisip na isa na pala akong inaabusong asawa.

..

Alam ko isa akong napakalakas na uri ng babae  na nagmamahal lamang sa lalaking may sira ang buhay at dahil dito mas lalo kong gustong manatili sa piling niya. Ako lang ang iisang tao sa mundo na kaya siyang samahan harapin ang kanyang mga takot at hinding hindi ko kakayaning iwan siya, mamatay man ako.

--- The End ---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon