Chapter 46
Wala akong ideya kung saan pumunta si Kyle, bakit siya biglang nawala at kung bakit kailangan niya kaming iwan ng wala man lang pasabi.
Kahit hint man lang. Wala talaga.
I have a feeling that this isn't a simple problem anymore. More on complicated.
Hindi ko ma alam kung saan siya hahanapin. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.
Naaawa nga ako sa lalakeng yun at hindi ko alam kung bakit.
Hindi naman impossibleng hindi ko siya sagutin kasi mabait naman siya at may respeto.
Umuwi nalang ako sa bahay at disappointed ako dahil hindi ko diya nakita. Ni hindi ko nalaman ng maaga na one month na pala siyang wala doon.
So saan pala siya naninirahan?
Itatanong ko nalang siguro sa faculty siguro naman may mga information siya doon.
“Apo, Okay ka lang ba?” Tanong bigla ni Lolo nang pumasok siya sa kwarto ko. Bigla akong maging maswerte sa pamilya ko.
Ngumiti ako ng pilit.
“Okay lang po ako” Sabi ko pa.
“May nangyari ba? Na mi miss mo ba ang magulang mo?” Sunod na tanong niya.
Tumabi siya sa akin.
“Opo, pero may iba pa po akong binabahala” Pag amin ko. Kumunot ang noo niya ng tumingin sa akin.
“Ano yun? Pwede kitang tulungan” Sambit niya. Napayuko ako.
“Bigla nalang po kasing mawala ang isa kong kaibigan Lo, Isang buwan na pala siyang lumipat mula sa condo na tinitirahan niya” He's face got confused.
“Nag punta ka ba sa ibang lugar?” Biglang tanong niya, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango.
“Apo, delikado ang ginawa mo” Tinignan ko si Lolo ng may pagtataka. Alam ko naman yun pero may nakabantay naman sa akin.
“Wag mo na ulit uulitin yun, kailangang palaging may nakasunod sayong bantay, hindi natin kilala ang lahat ng mga taong gustong tumangka ng buhay natin” Mahabang litanya niya. Mahina akong tumango.
Nang makalabas na siya ay humiga na ako sa kama ko. Wala naman akong masyadong ginawa pero bakit feeling ko pagod na pagod ang katawan ko.
That feeling when you have a good sleep but still tired when you woke up. Na e stress na ata ako.
Dahil hindi na naman ako makatulog nag libot nalang ako sa kwarto ko then I suddenly remember that papers.
Siguro sign na to para sabihin ko lay Lolo. Sakaling makatulong ang mga ito.
Kinuha ko agad yun. Pansin kong nawawala ang kwentas ko. Parang matagal na nga yung nawala di ko lang ata napansin.
Lumabas agad ako ng kwarto dala dala ang papeles. I even bumped into Nica pero di ko siya pinansin dahil nag mamadali ako.
Kumatok muna ako sa kwarto ni Lolo at binuksan ko na ng papasokin niya ako.
“Ano yun Apo?” Tanong niya. Inangat ko ang papel na hawak ko at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa mga ito.
“Mga contrata po na nakapangalan sa akin, di ko alam kung bakit. Sakaling may makuha lang po kayong impormasyon dito” Inabot ko sa kanya ang mga papel na hawak ko.
Isa-isa niya itong tinignan. Gulat niya akong tinignan.
“Paano to napunta sayo, Mary?” Nagtatakang tanong niya na labis na ipinagtaka ko.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel