Nanatili akong nakapikit kasabay ng pagtulo ng mainit na luha galing saaking mata. Naramdaman kong malapit na ang sasakyan kaya bahagya kong minulat ang aking mata ngunit masyado itong maliwanag kaya napakit ulit ako dahil masakit ito sa mata.
Kasabay ng sigaw ng mga taong nasapaligid ay ang pagtunog ng malakas galing sa kotse.
Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig kaya ako namamanhid o kung ano. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may nararamdaman ba akong masakit pero bukod sa ginaw at pamamanhid ay wala na.
Kung ang lamig lang pala ang magiging solusyon para maging manhid ang katawan ko sa sakit ay sana noon pa man ay naglagi na ako sa maginaw na lugar,hindi ata sapat yung coldness ni Clifford para mamanhid ako.
Bigla akong napamulat at nabalik sa kasalukuyan ng maramdaman ko ang mainit na yumakap saakin,ang inaasahan ko ay ang matigas na bagay ang babangga sakin ngunit kabaliktaran nito ang nangyari.
Pinilit kong aninagin ang mukha ng taong yumakap saakin sa pagbabakasakaling si Clifford ito ngunit nagkamali ako. Napangiti na lang ako ng mapait tsaka bahagyang napailing upang maiwaksi ang kahibangan ko.
"Sh*t!... You made me worried,I might hit you if I don't have a strong break! Are you alright?" sabi ni Whilly kasabay ng pagkalas niya sa kanyang akap tsaka nya ako hinawakan sa magkabilang balikat habang nakatingin diretso saaking mga mata.
" I'm fine... I'll be fine," tumatangong sabi ko saka tipid na ngumit para maipakitang ayos lang ako. I'll be fine, right? Ofcourse I will,yeah. Pakiramdam ko ay pilit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko,pilit pinapaniwala na magiging okay pa ang lahat.
"No you're not. What happened? What are you doing here? For God's sake it's raining! Basang basa pa ang mga suot mo,alam mo namang hindi ka pwedeng magkasakit dahil makakasama sayo at sa baby mo ito, Precious!" tila naiinis niyang sabi,mahihimigan din ang pag aalala sa kanyang boses at nasasalamin din ito sa mata niyang kumikislap habang nagsasalita.
"He left me... He thought I cheated on him!" sabi ko na parang batang nagsusumbong kasabay ng pagpatak ng mainit na luha galing saaking mata.
"What a jerk,tsk!... Calm down, don't stress your self." He said in a soothing voice to calm me down.
"How can I calm down if he just left without hearing my explanation? Damn!" I said while sobbing.
"We're blocking the drive way. Hop in, I'll accompany you for a while. Let's go to your house." he said calmly,hinawakan niya ako sa aking likod para maalalayan at maigaya papasok sa sasakyan niyang babangga sana saakin kanina.
Napabuntong hininga ako ng sa wakas ay mas kumalma ang nararamdaman ko,ngayon lang din ako nakardam ng sobrang lamig. Yinakap ko ang sarili ko upang hindi gaanong lamigin,napansin siguro ito ni Whilly dahil hininaan niya ang aircon.
Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang itabi ito sa kalsada,magtatanong palang sana ako ng biglang may kuniha siyang jacket sa back seat saka ito ibinigay saakin bago bumalik sa kanyang pwesto.
"Wear this,baka sipunin at lagnatin kapa... You really went this far by just walking?" sabi niya ng maypag aalala at inis.
Nagpasalamat na lang ako at hindi na tinugunan ang mga tanong nya. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at paglipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay.
Saka ko lang din napagtanto kanina na malayo ang nalakad ko ng diko man lang namamalayan,siguro dahil masyang occupied ang isip ko habang naglalakad kaya hindi ko na napansing nakalayo na pala ako.
Tumigil na din ang ulan ngunit makulimlim padin,pinagbuksan niya ako ng pinto saka inalalayang makalabas.
Napatingin ako sa gate na nakabukas,pati yung main door ay bahagya ding nakabukas. Napabuntong hininga ako at mapait na ngiti. Sa sobrang pagmamadali kong mahabol siya ay hindi ko na naalalang isara pa ang mga ito.
Pumasok kami sa loob ng bahay,dumeretso ako sa kwarto upang makaligo at makapagbihis habang siya naman ay naupo muna sa sala.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin kung saan kami nag usap ni Clifford bago siya umalis ng hindi man lang ako pinapakinggan. Mapait akong ngumiti dahil sa naalala.
He's in pain,I am too. Ganon ba talaga kahirap pakinggan ang paliwanag ko? Ganon ba ang tingin niya saakin? Na magagawa kong magtaksil sa kanya? Damn,kahit noon pa man na nag uuwi siya ng babae dito sa bahay ay hindi ko naisip ni isang beses na gumanti at magtaksil.
I know he's mad but..why he didn't even hear me out? He doesn't trust me,yeah.
Siguro mas okay na hindi ko na sinubukang mag work ang relationship namin eh,para hindi ganito kasakit. Noon kaya kong tanggapin kahit papaano na hindi na siya magiging bahagi ng buhay ko pero ngayon na mas napalapit kami at mas nagkaroon ng madaming memories,parang ang hirap na niyang pakawalan. Pakiramdam ko ay hindi ko na makakaya dahil naka ukit na siya sa buhay ko.
Tumingin ako sa taas saka humugot ng malalim na hininga upang mapigilan ang pag patak ng luha ko tsaka ako nagtungo sa banyo upang makaligo. Sinubukan kong tawagan si Clifford ngunit hindi man lang niya sinasagot.
Kalahating oras akong nagbabad sa bathtub habang iniisip kung ano ang susunod kong hakbang. Pagkatapos kong magbabad ay mas gumaan ang pakiramdam ko. Nag suot ako ng oversized t-shirt at jogging pans,I also wear my fluffy slippers before going downstairs.
Nakita kong nakaupo padin si Whilly sa couch habang nakahawak sa kanyang phone. Tsaka lang sya lumingon ng mapansin ang presensya ko,naupo ako sa harap niya.
Alam kong mali na nandito siya sa bahay lalo pa ay hindi maganda ang sitwasyon namin ni Clifford ngunit wala na akong ibang maisip na pwedeng hingan ng tulong bukod sa kanya.
Ayaw ko din namang sabihin sa parents namin dahil baka mag alala lang sila lalo na si Mommy.
"Please help me," I beg.
"Of course I will," he said seriously while staring at my eyes.
"Anong gagawin natin? May alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan?" nagbabakasakaling tanong ko ngunit agad siyang umiling.
"Did you tried calling him?"
"Yeah, earlier while I'm taking a bath pero hindi nya sinasagot." nanlulumo kong wika.
"That's great," tumatangong sabi niya kaya pinangkunutan ko siya ng noo.
"W-what?" naguguluhan kong tanong.
"If hindi niya sinasagot means my chance na nasa kanya ang phone niya kasi nakocontact pa naman ito." maiksi niyang paliwanag.
"Then?"
" I can ask a friend to track his IP address. Ipapakuha ko din yung mga CCTV footage na maaaring magdala satin sa kinaroroonan niya." tumago lang ako sa kanya bilang pagsangayon.
I think mas mainam na nandito siya upang matulungan ako kesa sa mag isa ako ngunit walang maisip na ibang paraan.
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomancePrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...