Chapter-40(Edited)

1.4K 34 10
                                    

Clifford's P.O.V

Naliligo sya sa kanyang sariling dugo,gusto ko syang lapitan ngunit pilit akong pinipigilan ng mga pulis habang nirerescue sya. Halos magwala na ako habang patuloy na umaagos ang mga mainit na luha saaking mga mata. Wala na akong pakialam kung mag mukha man akong mahina sa mata ng lahat.

Damn,I love her so much! I can't lose her,no!

Pinilit kong kumawala sa mga hawak nila habang napapahagulgol na ng makita kong nailabas na si Precious sa loob ng sasakyan ngunit wala padin itong malay.

I feel useless,ako dapat yung masasagasaan eh. Ako dapat!

I should've listen to her! Damn,kung nakinig at naniwala ako sa kanya kahit medyo mahirap ay sana hindi umabot sa ganito.

Hindi ko makalimutan yung ngiti nya saakin bago siya mawalan ng malay, she's smiling but her eyes saying she's in pain.

She's in pain because of me! Sobra ko na syang nasaktan simula pa noon. She doesn't deserve this,she doesn't deserve a jerk like me but damn,I love her so much!

Napatigil ako sa pagpupumiglas ng biglang sumakit ng sobra ang ulo ko,nanlabo din ang paningin ko at walang marinig na kung ano galing sa paligid.

Nakamulat ako ngunit parang ibang imahe ang mga nakikita ko sa aking harapan,napaluha ako ng makita ang alala namin ni Precious.

Kung paano kami naging masaya at nag planong magkakasama habang buhay kahit anong mangyari. Madaming bagong alaala ang pumapasok saking isipan.

Habang padami ng padami ang naalala ko ay mas lalong kumikirot ang ulo ko,sa sobrang kirot ay pakiramdam ko ay nahahati na ito.

Nanlamig ako ng maalala ang isa pang bagay. I'm on top of her,we both naked and happy. Damn,we made love!

Damn, she's pregnant with my child! She didn't lied to me.

Alam kong may ilan akong nakalimutan na alaala kaya ako nagpatingin sa Doctor noon ngunit wala ding nangyari,ang alam ko lang ay hindi sya kasama sa alaala na iyon. Pero nag kamali ako,dahil ang lahat ng alaalang nagiging kulang sa pagkatao ko ay ang alaala pala naming dalawa.

Dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay nawalan na ako ng malay. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nasa isang hospital bed na ako.

Tinignan ko ang aking katawan,wala naman kahit anong nakaturok saakin. Agad akong tumayo para hanapin si Precious.

Kagigising ko palang pero umiiyak na naman ako dahil bumalik lahat ng alaala kong nawala.

Pumunta ako sa nurse station para tanungin kung nasaan si Precious,ang sabi nila ay nasa emergency room padin daw ito at dalawang oras ng inoopera.

Halos tumakbo na ako sa kakamadali para makarating agad sa kinarooonan nya,hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko kahit pa may ilan nang napapatingin saakin.

Nang nasa malapit na ako ng emergency room ay agad kong nakita ang parents nya,nakaupo si Tita at umiiyak habang inaalo naman siya ni tito na nakayap sa kanya.

Bigla akong ginapangan ng kaba sa magiging reaction ng parents nya,kasalanan ko ito kaya dapat lang na ako ang sisihin.

"Tita,Tito.. I'm sorry," emosyonal kong sabi habang nakatungo sa harap nila.

Agad tumayo si Tita kaya napatingin ako sa kanya, punong puno ng galit at kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Hindi ko na dapat pinagkatiwala ang anak ko sayo!" puno ng galit nyang sabi saka ako malakas na sinampal sa pisngi.

Hindi ko ininda iyon,I deserve it. I've been a jerk to her,I hurt her. Sinaktan ko yung taong walang ginawa kung hindi mahalin at intindihin ako.

I'm an asshole,damn! Sobra ko siyang nasaktan,nag uwi ako ng iba't-ibang babae para masaktan sya dahil ang akala ko ay sya ang nagpilit upang makasal kami ngunit ikinasal pala kami dahil na din sa kagustuhan ko.

"I'm really sorry,Tita. I didn't know-" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil naagaw ng pansin namin ang paglabas ng Doctor.

Tinanong nito kung sino ang pamilya ng pasyente,agad namang lumapit ang parents nya ngunit nang aamba na din ako ng lapit ay sinamaan ako ng tingin ng Mommy ni Precious kaya napabuntong hininga na lang ako at hindi na lumapit kahit pa gustong gusto kong lumapit.

Nanatili akong nakaupo sa bench habang nag uusap ang doctor at parents nya.

Gustong-gusto kong pumasok sa ER para makita sya ngunit wala akong magawa. Nang ilipat na sya sa Private room nya ay agad akong sumunod, mabuti na lang at hindi na nagsalita pa ang Mommy nya.

Nang makita ko ang kondisyon ni Precious ay hindi ko na napigilan pa ang muling pagpatak ng mga luha ko. Kasalanan ko ito,eh. Ako dapat yung nasa kalagayan nya!

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa paghihirap ni Precious ngayon na ako ang dahilan,puno ng kung ano anong aparato ang katawan nya. Naka oxygen din ito at may nakapulupot sa kanyang ulo.

"Wala padin syang malay at may possibility na ma comatose..." umiiyak na wika ng Daddy nya.

"Damn... Please wake up,Wife."

"Wag ka ng magpapakita pa ulit,kami na ang bahala sa annulment nyo." puno ng diing wika ng Mommy nya.

"I won't leave her,Tita! Hindi ko siya hihiwalayan,I love her and I can't lost her. No!" umiiyak kong wika habang umiiling.

"Gustohin mo man o hindi,ilalayo namin sya sayo. We gave you enough time,pinagkatiwa namin sya sayo ngunit binigo mo kami. Babawiin na namin ang anak namin sayo."

"No,I won't let you. I won't gave her up until she told me to gave up." I said with finality and determination.

"Namatay na ang anak nyo! You killed your own child,dahil sayo namatay ang apo ko! Now tell me,do you even deserve her?!" galit na galit nitong wika na ikinaguho ng mundo ko.

"No! My child...Damn,No!" para na akong nababaliw kakasigaw habang napapaluhod sa sahig dahil sa pang hihina ng mga tuhod ko.

No,God please. Not our child, please. Kahit ako na lang. Hindi ito totoo,diba? Hindi pwedeng mamatay ang anak namin!

"Sabihin mo,may karapatan kapa bang manatili sa tabi nya ngayong nawala ang anak nyo dahil sayo! Tell me,sa tingin mo gugustuhin pa nyang manatili ka sa tabi nya kung ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak nyo,huh?!" puno ng hinagpis nyang wika.

I know she doesn't deserve me anymore but damn! I can do everything just to be with her,I love her so much. We already lose our child,I can't lose her. I can't live without her.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now