#LAFK16-Confirm na! i like her!

255 13 1
                                    

Xyriel POV

.

Pagdating namin ni Ayn sa Classroom, binitawan na niya rin ang kamay ko tapos naupo na siya at ako rin.

.

Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. "Hoy, sakin ka mamaya sasabay maglunch ah?" Sabi niya sakin ng Hindi ako nililingon.

.

"Ah? A-ah ok." Sabi ko na lang.

.

Ang weird ni Ayn, bigla yata siyang bumait ngayon. Epekto ba :to ng bago niyang crush? Dapat pala pasalamatan ko yung bago niyang crush kasi parang bumabalik na yung dating friendship n namin ni Ayn haha.

*

After ng class namin, tulad nga ng sinabi ni Ayn kanina , sabay kaming maglalunch. At ngayon, sabay kaming naglalakad patungong Canteen..

.

"Ayn, patulong naman oh." Sabi ko, dinala ko kasi gamit ko. Mahirap na, Marami pa namang malilikot ang kamay sa room namin.

.

Lumabas siya ng hininga at huminto. "Ba't di mo na lang kasi yan nilagay sa locker mo?" Sabi niya.

.

"Eh gusto ko eh." Sabi ko tapos kinunutan ko siya ng noo, "Oh Sige kung ayaw mo, di naman kita pinipilit eh." Sabi ko ulit, lalakad na Sana ako ng hawakan niya ako sa kamay dahilan para mapatigil ako.

.

"Biro lang. Akin na." Sabi niya tapos kinuha niya sakin yung paper bag kong dala at nginitian ko siya ng napakalapad. "Oh bakit?"

.

"Wala lang. Kasi parang bumabalik na yung best friend ko dati." Sabi ko.

.

"Aish Ewan ko sayo Xyriel." Sabi niya at lumakad, agad naman akong sumunod.

.

"Pero di nga Ayn, sino ba yang bago mong crush? Ang lakas yata ng epekto niya sa--aww! Nu ba? Ba't ka ba, biglang humihinto?" Naman kasi, nabangga ako sa likuran niya ng bigla siyang huminto.

.

Tumingin ako sa unahan at kita ko si Kobe kaya pala napahinto si Ayn.

.

Ay nga pala, bago ko pa makalimutan. Hindi pa nga pala ako baka kapagpasalamat kay Kobe dahil sa ginawa niyang patulong sakin kahapon. Si Ayn kasi, bigla-bigla na lang nambubuhat. Kaya pumunta ako sa harap ni Ayn para kaharap ko si Kobe..

.

"Hi Kobe." Bati ko. Pero di siya sumagot. Lam niyo na, Rukawa. "Salamat nga pala kahapon ah?" Sabi ko ulit.

.

"Wala yun, anyway, kamusta na yang pasa mo?" Tanong niya.

.

"Ito--"

.

"OK na siya." Biglang Sabat ni Ayn.. "Tara na Xyriel."

.

"Sandali lang." Masungit na sabi ko Kay Ayn. Tapos tumingin ako ulit Kay Kobe ng nakangiti. "Salamat ulit Kobe ah?" Sabi ko.

.

Nauna ng lumakad si Ayn kaya dali-dali akong sumunod..

.

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon