Nakaupo ako sa isang table. Alam ko nakatingin sakin si eric. Nagtataka talaga sya dahil hindi ko sya pinapansin at pinapakita ko sa kanyang galit ako.
Maya maya ay napansin kong nawala na ito sa kinauupuan nya. Napalinga linga ako pero hindi ko na sya nakita. Umuwi na siguro ang loko.
Paano nya kaya nasisikmurang makipag usap sakin kahit na ikakasal na sya kay Monique? Ang kapal ng mukha. Sa inis ko ay kumuha ako ng wine at ininom ko iyon. Hindi ako pwedeng magpakalasing baka magalit sakin ang dalawang babe ko kapag nalasing ako. May celebration pa kami mamaya pagkatapos ng party na to. Ni request kasi ni lesly na magkaroon kami ng sariling celebration na kami kami lang. Kaya bakit umuwi na ang ugok na yun? Hindi nya siguro kinaya ang kunsensya nya sa panloloko sakin. Akala nya ata wala pa akong alam. Well, sorry pero hindi ako tanga.
Nasa rooftop kaming tatlo nila lesly at magsecelebrate kami. Masayang kwentuhan at inuman ang ginagawa namin.
"Sigurado ba kayong hindi ako nakakaistorbo sa inyo?" Hindi lang kasi ako makapaniwala na sa unang gabi nila ay kasama nila ako. "Hindi ba't unang gabi nyo na magkasama?"
"Tumigil ka nga babe?" Nagalit na ata si grey sa tanong ko. "Nagtatampo na nga ako dahil hindi natin kasama si eric ngayun, ang agang umuwi ni hindi man lang tinapos ang party sa baba!"
"Dapat pinigilan mo?" Panunuya ko naman sa kanya. Nagtatampo nga ang hitsura nito. Si lesly naman ay seryosong rin.
"Mas masaya sana tayo kung nandito sya!" Dagdag pa ni lesly.
Hindi ko na napansin na naparami na pala ang nainom ko. Kaya naman talagang lasing na ako.
"Ano kayang dahilan at umuwi agad si eric?" Takang tanong ni lesly.
"Baka hindi kinaya ang kagaguhan nya!" Napatingin sila sakin ng sabihin ko yun. "Manloloko!" Dagdag ko pa.
"Lasing ka na babe!" Pansin ni grey.
"Mukha nga kasi iba na ang itsura nya!" Sagot pa ni lesly.
"Meron ba kaming hindi nalalaman babe?" Usisa ni grey sakin.
"E gago sya!" Sigaw ko sa kanila na hindi ko napansing umiiyak na pala ako. "Akala ko okay na kami tapos yun pala ginagago lang ako. Putsa! May nalalaman pang pagbalik ko sasabihin ko sayo ang lahat. Yun pala mababalitaan ko nalang na tuloy pa rin pala ang engagement nila ni monique, edi gago!"
"Di ko magets?" Naguguluhang tanong ni lesly sakin.
"Kelan kayo naging okay?" Dagdag na tanong pa sakin ni grey na nakunot pa ang noo.
"Tapos ginamit nya pa ang mga kuya ko!" Dagdag na reklamo ko sa kanila. Na sinundan ko pa ng isang shot sa wine na nasa harap ko. "Ang kapal ng mukha. Shit sya!" Sigaw ko sa kanila na hindi tumitigil ang pagiyak ko. "Hanggang kelan nya kaya ako gagaguhin? Hanggang mamatay siguro ako sa sakit? Ni hindi ko naman sya ginawan ng masama para saktan nya ako ng ganito. Minahal ko naman sya. Pero bakit nya ako sinasaktan. Masama ba akong girlfriend sa kanya kaya ginagago nya ako? Hindi naman diba?"
Tinanguan naman ako ng dalawa na parang gulat na gulat sa mga sinasabi ko. Lumapit naman si lesly sakin at niyakap ako. Hindi ko na napigilan ang humagulgol sa dibdib ni lesly. Lahat ng sakit ay nilabas ko. Lahat ng itinago ko sa dibdib ko ay nailabas ko.
"Nasasaktan pa rin ako babe!," Hagulgol ko sa dibdib ni lesly. Hinawakan naman ni grey ang kamay ko para bang sinasabi nila na nandito lang sila tabi ko. "Akala ko nailabas ko na lahat ng sakit pero hindi pa rin pala. Akala ko okay na ako pero hindi pa rin pala. Bakit ganun?, Ang sakit sakit?"
"Mahal mo kasi, babe!" Yun lang narinig ko galing kay grey.
NAGISING na lang ako nang may tumatamang liwanag sa mata ko. Shit! Sakit ng ulo ko. Nalasing talaga ako kagabi. Sana naman hindi ko nasira ang gabi nila lesly dahil sa pagkalasing ko. Nasa kwarto na ako ng hotel ng magising ako. Hinatud siguro ako ng dalawa.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomantizmAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...