PROLOGUE
"Sage ano ba? Malelate tayo. Hinihintay na tayo don ng pinsan mo at mga kaibigan natin. Ang tagal tagal akala mo naman sobrang ganda. BABA NA DIYAN!!" Ang lakas ng boses netong ulupong na 'to. Kahit ang ganda ng araw mo biglang masisira dahil sa bunganga ng babaeng to na akala mo nakalunok ng megaphone psh.
"Maghihintay ka ba o tatadyakan kita?" kunwaring inis na sigaw ko rin. Alam niya kasing pag pinagmamadali ako marami akong nakakalimutan. Magkakasama kami dito sa dorm kilala na kami ng mga tauhan dito kasi kami ang may pinaka maingay na kasamahan.
Apat kami ditong magkakasama. Ako, si Zeph yung maingay kanina, si Zephyr at Cayden. Pinsan ko si Cayden, kaming dalawa ang laging magkasangga pag pinapagalitan ako noon sa bahay. Nung nalaman niyang gusto ko magsariling sikap sa buhay ay umalis rin siya sa kanila. Pero umuuwi siya kapag weekends. Kasi kapag weekends kami lang ni Zeph at Zephyr ang naiiwan dito sa dorm. Doing such things. Kaniya-kaniya kaming laba dito. Pero si Zeph at Zephyr ang taga luto. Di nila alam na nagluluto ako kase pag nagtatanong sila hobby ko na ang tumitig sa kanila hanggang sa mawala ang atensiyon nila saken at tumaliwas sa gusto nilang malaman sa pagkatao ko.
Di niyo kase naitatanong e lintek ang bibig niyan ni Zeph. Pati sa kaaway namin nadudulas siya. Tss
Matapos uminom ng tubig ay naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para kumain ng agahan.
"Oh pano yan? May pang gasolina ka pa ba naman? Tagal magpasahod nitong pinsan mo e." si Zephyr habang kumukuha ng itlog na pula na may kamatis at sibuyas. Umupo na muna ako at parang walang pakealam sa paligid. Pero ang totoo ay napapaisip na nga rin ako dahil isang daan nalang ang last money ko.
"Ewan ko nga ba diyan kuripot psh. Zeph may kape?" sabi ko pagkatapos ko kumuha ng kanin at ulam. Magkakamay nalang ako tutal masarap magkamay lalo na at masarap din ang ulam.
"Ay oo Sage nakalimutan ko ano ba yan. Kukuha muna ako" tumayo naman agad si Zeph para ikuha ako ng kape. Hindi ako utos okay? It's just that, bago ko pa magawa anjan si Zeph para siya na gumawa para saakin. Ang totoo ay natutuwa ako kahit sinusungitan ko siya ay dikit pa rin siya ng dikit saakin.
Ilang saglit lang ay bumalik na si Zeph dala ang kape ko at nagsimula na rin kumain. Ilang minuto lang ang lumipas ay kaniya-kaniya kaming hugas ng pinag kainan at umakyat naman na ako agad para kuhanin lahat ng kelangan ko para sa trabaho. Nang makuha ang susi at helmet ko ay agad na akong lumabas at nakita ko naman sila na inaayos na rin ang motor nila.
Tatlo ang motor ko pero may paborito ako siyempre. Pare-pareho kami ng motor pero iba-iba ng kulay. Pure black saken na may kaunting matte pa. Si Zeph naman ay black at yellow green. Si Zephyr ay black at red and then Cayden has a black and blue big bike. Same as ours.
Pumwesto na ako ng ayos sa motor ko ng makitang ready na sila umalis. Nauna pa si Zephyr at sumunod naman si Cayden. Sabi ko na nga ba at magdididikit nanaman sakin tong bubwit na to e.
"Sage ano ba tara na. Bat tulala ka pa diyan? Tsk. Boring mo kasama peste. Mapapanis ang laway sayo and at the same time maduduling ang mata katitingin diyan sa kilay mong laging salubong. Letche magkita nalang tayo ron." gusto ko sanang sabihin na ang lumanay ng pagkakasabi niya kaso nagsisinungaling ako. Umalis na si Zeph kaya naman pinaandar ko na rin ang motor ko.
At ilang minuto lang ang nakalipas.
KNOXX.
Nagttrabaho kami dito sa bar and restaurant namin. Pero kaming apat ang may ari nito. Si Cayden lang ang namamahala kase college na siya at kaya na niya ihandle samantalang kaming tatlo ay fourth year high school pa lang. O bakit ba? Napariwara ako dahil sa letche kong stepfather e. Psh. Pakialamero ng buhay ko.
YOU ARE READING
Lost In Your Arms
Подростковая литератураAno nga ba ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ni Sage na nahirapang magtiwala pero nung nagtiwala na siya tsaka naman siya niloko ng taong akala niya ay hindi siya sasaktan dahil alam nga nito na nasaktan na si Sage nung ex-boyfriend niya pe...