Chapter Sixteen (Pt. 1)

25 2 25
                                    

YVAH CATTALEYA RUŌ

"GOOOOOOOOD MORNING RASCALS!" bati ko nang pumasok ako sa office namin makalipas ang tatlong araw na review days, s'yempre, yun ay friday 'til sunday. Mga nagsipag tingin lang ang mga kasama ko at bumalik sa pagbabasa nila habang ako, heto chill lang. Ugali kong mag-aral na sa bahay at pumahinga sa misming araw ng exam ang utak ko, pero nagbabasa pa rin ako, kapag di ako confident subject lalo na sa majors. Grabe! Hirap pa naman maka-uno sa majors, lalo nang mahirap kung ang minor mo e pa-major!

At oo.

Ngayon na ang simula ng CYANIDE WEEK ng MARGEN KOI. Why Cyanide week you say? Well.... Like this big brother, mahirap ang exams, parang s'ya, hiiiiiirap ispelengin. Sakit sa ulo at puso ng mga babae sa campus, well, malay ko lang kung lahat nga ba. Pero ngayong week na'to, panigurado marami na namang matutunaw na dilag!

Bakit?
Mamaya malalaman nyo rin.

Sa totoo lang, last 2 weeks ang saya ko. As in! Epic yung oras namin while working sa project! Sumakit ang tiyan ko kakatawa at s'yempre dakilang YVAH, may mga hinanda ako!

>> Flash Back <<
Umaga nang biyernes kung kelan namin napag-usapan na magsisimula sa project ay naghanda na ako ng mga dadal'hin ko. Biniro pa nga ako ni mommy na mag-aalsa balutan dahil sa dala ko ang sports bag na binili nya sa akin sa pag-aaklang sasali ako sa athlete club, pero no! Pang cheer leading, p'wede pa! I'd better shout my lungs out than sweat my skin out!
Tsaka mas bet ko manood lang, tamang hanap-- este supporta sa mga player.

Matapos ko makuha lahat ng kailangan ko, dumiretso ako sa pag-aayos ng sarili ko dahil 10 am ang usapan namin ni Vowels na pupunta ako sa kanila. Pinadal'han pa nga ako ni mommy ng isang tupper ware na may graham balls at isang bag ng chocolate marshmallows, may chips din at tubig.

"Mommy!" ani ko pa

"Why little mallow?"

"Ma! Para naman akong magfield trip ne'to eh!"

"Hmp! Minsan na nga lang kita mapabaunan, inaaway mo pa ko?" ani ni mommy na naiiyak iyak pa.

Napabuga ako ng hangin at napasapo sa noo ko, 'Drama Queen din minsan si mommy eh!'

"Okay, okay! I'll take it!"

"Talaga?"

Tumango ako at yumakap ito sa akin.

"I'll get going now, little munchkin, galingan nyo ha? Make that project a 'boom' okay?" anya sabay labas sa kusina.

"By the way, I left your money and credit card some spare! Bye now! Lock the house before you leave!" dinig kong sigaw nya bago ang pagsara ng pinto.

"m'kay!" sigaw ko pabalik na lang

Agad akong tumingin sa orasan, 9:20 am, sakto lang papunta kanila Vowels. Kinuha ko ang susi ng bahay at ng scooter ko pati na rin ang sobre sa center table sa sala na talaga namang may note pa ni mommy.

Take Care little munchkin, I'll be home at 5pm so I'll prep dinner. Let's go somewhere on Sunday, my treat, love you Aleya mallows!

At talaga namang! May pa-emoji pa si mommy eh, apaka. But I love her. She endured and suffered too and seeing her this happy and contented? It makes me want to give her everything I can someday. All I have now is my mom, though I have my friends, mommy is my biggest cheerleader. Partida, captain talaga s'ya ng cheerleading squad back in high school at college. Speaking of, 'di ko knows sa'n nagcollege si mommy, 'di nya rin nababanggit. Panay nung high school lang sya, well, konti sa college.

Nang masigurado ko na lahat ay tumawag ako kay Vowels, baka kasi tulog pa, at mukhang galing sa kung saan, may pagpost kasi sa IG nya ng appreciation post para sa fries at soda pop with matching amusement park ticket. Ma-chika nga mamaya.

Captured By His Indifference [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon