YVAH CATTALEYA RUŌ
This is it.
Ito na yung araw na nakakakaba. Alam ko na di ako yung maglalaro, pero grabe yung kaba ko. Like, there is going to happen something."Hey, are you okay?" tanong sakin ni Mike habang nakaupo kami at nag-iintay kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
"I guess."
"Halata na hindi. Come on Catt, you can tell me."
Nanlaki ng bahagya ang mata ko. That nickname - Catt made me ease up.
"I worry for Astrea, Mike. Ewan ko pero--" my eyes begun to water.
He hugged me and caress my back.
"It's okay to get worried. Knowing this isn't a normal game. But-" he made me look at him.
"... You need to believe in Astrea, like how we all believe in her. Just like how she believe in us."
I smiled. He knew the words I needed. Assurance. Siguro, kaya ko din sya minahal. One of his expertise is to make me assured in all things.
"There, you look pretty when you smile, but even beautiful when ma-- ah!"
"Silly."
"Just kidding Catt. You know, you look good in any way." anya sabay hawak sa kamay ko.
We look at the others and saw them talking. Natawa ako dahil pinapa-urong ni Uoiea si Noel. Napaka-clingy nito. Pero kita ko naman na masaya si Vowels kay Noel. I mean, sa daldal ni Vowels minsan at dalas na pagiging lutang hindi sya iniwan or what ni Noel.
"Magsisimula na." saad naman ni Zylaine kaya umayos na kaming lahat.
Nakita namin na parang mga siga iyong Cleyo kung lumakad. Malakas ang sigawan ng unibersidad nila. Actually, Cleyo lang ang maingay. Naglatinginan na lamang kami.
"At ngayon, ang makakalaban ng Cleyo U--"
Halos matakpan na ng ingay ng dome ang boses ng announcer dahil sa ingay ng mga unibersidad na nagcheer sa Margen Koi.
Nakita namin ang paglabas nila Amy. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang kakaiba ang KITSUNE ngayon. Halos di mo ramdam ang presensya nila.
"Nasaan si Astrea? Tsaka si Coach Noriel?" tanong ni Uoiea kaya napatingin ako sa gawi nila.
"Oo nga ano? Si prof. Ecie lang kasama nila."
Nakita ko naman na parang may pinag-uusapan ang Cleyo. Para bang iniisip nila na sila na ang mananalo.
Naghanda naman ang bawat kupunan na maglaro. Hindi ko alam anong sinabi ni Prof. Ecie sa mga committee ng game pero tumango ang mga ito.
Sa unang set ay lamang ang kalaban nila ate Zianne. Kita ko sa buong KITSUNE ang determinasyon pero parang ang laro nila ay hindi seryoso. Hindi ko alam kung bakit pero grabe ang kaba ng loob ko. Pilit namang chinicheer ng mga nanonood ang KITSUNE sa kabila ng nangyayari.
Natapos ang unang set sa score na 18-25, lamang ang kabila.
Sa pagpasok ng ikalawang set ay nakita ko na kinausap sila ni Prof. Ecie, naging maayos naman ang laro nila sa game na iyon pero na foul si ate Sheki sa di malamang dahilan.
"BOOOOOO!" sigaw ng mga tao sa venue, wala namang pakialam ang kabilang grupo.
Natapos ang laban at na foul out ang isa sa kanila, panigurado ay isa ito sa mga juniors. Kita ko ang pagkahina nito. Pero hindi sya pinabayaan ng mga kasama nya. Nanatili namang naka-suporta ang buong Margen Koi sa KITSUNE habang ang iba ay mukhang balimbing na. Sa kalaban na sila sumusuporta.
BINABASA MO ANG
Captured By His Indifference [Completed]
RomanceHe is Mysterious. Like how his name is given to him. He is both a poison and a light. A man out of ordinary. A man within a league. She is just a simple girl, trying her best to be a volleyball player and earn a scholarship by being a varsity player...