Chapter 8: Where it All Started

5 1 0
                                    

(Flashback)

6 years ago...

"Wag kayong mag-alala sa akin dito. Mababait naman ang amo ko. Eh kayo d'yan, kumusta?" Nag-aalalang tanong ni Anna Liza habang nakikipag-video call sa kanyang bestfriend na si Kim.

"Alagaan mo'ng mabuti ang sarili mo d'yan, friend ha? Wag kang mag-alala, tulog na si tiya Mina tsaka stable na ang vitals niya." Sagot nito.

"Tingnan mo, oh. Ang ganda-ganda ni tiya 'di ba? Manang-mana ka sa kanya. Kaya work, work, work lang intindihin mo d'yan sa Dubai, okay? Ako na ang bahala sa kanya." Pangako ng kaibigan sa kanya habang ipinapakita sa di kalayuan ang matamlay na hitsura ng kanyang tiya na ngayo'y nakahiga sa Hospital bed.

Bakas na bakas sa mukha nito ang hirap sa pakikipaglaban sa sakit. May cancer ito, Stage 3. Kaya nang may nag-offer ng tulong kay Anna Liza upang magtrabaho ay sinunggaban niya agad ito kahit hindi pa niya alam sa mga oras na iyon ang trabahong papasukin niya. Hindi niya maaaring pabayaan ang taong bumuhay sa kanya ng mag-isa ng sampung taon matapos pumanaw ang kanyang mga magulang.

"Siya nga pala, bongga ng sweldo mo d'yan friend ha? Sagot agad ang hospital fee at Chemo ni tiya. Hindi ba mahirap ang work mo d'yan? Buti pina-cash Advance ka agad ng boss mo. Dalawang linggo ka pa lang d'yan pero miss ka na namin, friend." Halong pagkamangha at pag-aalalang saad ni Kim.

"H-hindi naman, mababait sila sa akin kaya wag na kayong mag-alala, okay? Sige na, tatawag na lang uli ako. Bye." Paalam niya saka nagbuntong-hininga.

"Let's just move her to States." Suhestiyon ng babaeng nakaupo sa tapat ni Anna Liza.

Tila tumitingin lamang siya sa salamin nang kanyang nilingon ang babaeng nagsalita. Bagama't magkamukhang-magkamukha sila, halatang galing ito sa isang marangya at eleganteng pamilya. Ang babaeng ito ay si Anna Rae Lopez, ang kanyang tinutukoy na amo sa Dubai ngunit ang totoo ay nasa Manila lamang siya.

May espesyal na misyon na ipinapagawa si Anna Rae sa kanya kaya walang dapat makaalam ng kanyang tunay na kinaroroonan.

Minsan na ring sumagi sa isipan ni Anna Liza na maaaring magkapatid sila ng amo ngunit tila imposible iyon dahil alam niya na totoong anak siya ng kanyang mga magulang, at halata iyon sa halos kamukha niyang biyudang tiya na si Mina.

"Nakakahiya naman po sa inyo ma'am, wag na lang po. Sobra-sobra na nga po yung ibinigay niyo sa'kin nu'ng nakaraan kahit hindi pa ako pormal na nagsisimula sa trabaho." Pormal na sagot ni Anna Liza sa amo.

"I told you. You can ask anything from me. Be it money, everything! By the way, don't call with me such formality. Just call me Anna Rae or Rae. Then I'll just call you Anna or Liza, okay?" Nakangiting tugon nito sa kanya habang nakaupo at tinititigan siya na parang matagal na siyang kilala nito.

Napangiti si Anna Liza dahil sa kabaitan at pagkamapagbigay ng kanyang amo, tila pareho silang dalawa na magaan ang loob sa isa't-isa. Hindi rin ito maarte at parang pamilya na ang turing nito sa kanya.

Nasa marangyang villa sila ni Rae. Nakaupo sila ngayon sa study room nito habang pinag-uusapan ang mga taong nasa mga larawan na ipinatong nito sa ibabaw ng study table.

"All you have to do is be Me. Just remember the things I taught you and that's it! Don't worry, he doesn't know much about me as well. You can act like your usual self, just don't spill your own identity." Ani Rae habang tinuturo ang larawan ng isang makisig at artistahing lalaking nasa larawan -si Adam Lim.

Anna thought her heart skipped a beat nang pinagmasdan niya ng mabuti ang napaka-guwapong binata.

"I think I already taught you everything I need to. So we'll go shopping this afternoon for your outfits." Tumayo si Rae at nagpatango-tango lamang si Liza ng may determinadong ekspresyon.

"Oh, by the way, you have just one thing to worry."

"A-ano yun?" Kabadong tanong ni Anna.

"Your heart." Rae smirked. Nalito si Anna at napakunot-nuo. "I'm sure he'll make you fall in love with him. Which is, of course, if you let him. Just know, he's a playboy. So... please don't." Babala nito.

Nagpatango-tango ulit si Anna kay Rae na parang sigurado siyang hindi siya madadala sa kung anumang gayuma mayroon ang lalaking nagngangalang Adam.

"Don't trust your heart. One year is a very long journey for both of you living in one roof. Who knows what will happen?" Nagpalakad-lakad si Rae at huminto sa tapat niya. "You can always say No if you don't want to be my substitute. I'm so sorry for dragging you into this." Nilapitan siya nito at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Nahiya siya sa sinabi nito at napa-iling. "Wala pa po ito sa ginawa n'yo para sa'min ni tiya ma- este, Rae. Tsaka gusto nyo lang tuparin ang hiling sa inyo ng inyong mga magulang. Kung wala lang sana kayong sakit..." Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansing maluha-luha siyang tinititigan ni Rae na para bang napakalungkot nito.

"O-Okay ka lang ba? Sorry kung may masama man akong nasabi." Pag-aalala niya.

Umiling-iling si Rae at ngumiti sa kanya. "After my operation, I'll take you to my brother and parents abroad. I'm sure they'll be surprised to meet you."

----------

AFTER 1 MONTH...

"Yes, kararating ko lang. Copy. Yes, I'm familiar with Mr. Lim's face already. Oh, there he is! Take care as well. Have a successful operation, Rae. Bye." Si Anna, with her big navy blue suitcase papunta sa direksyon ng napakagwapong lalaking nakaside-view at nasa phone katabi ang itim at mamahalin nitong kotse.

"Yes, Mom. Don't worry, I'm already here. Of course, I won't make her cry! Yeah, yeah, I already broke up with Alliyah so no one's gonna bother us now."

Dinig niya habang nakikipag-usap pa rin ang binata sa phone. Napa-irap siya dahil sa narinig at naalala ang sinabi ni Rae tungkol sa pagka-playboy ng binata. Palapit na siya ng palapit sa matangkad at mapormang binatang kabababa lng ng phone at ngayo'y nakanganga'ng nakatingin sa kanya na tila ba nabibighani sa kanyang ganda.

'Playboy talaga, akala niya siguro madadaan niya ako sa mga panganga-nganga niya. Hoy, alam kong maganda ako noh!' sa isip ni Anna.

"Hi" nakangiting bati ni Anna sa binata na hindi pa rin kumukurap mula nang masilayan siya. Tinanggal niya ang kanyang sunglasses at ibinulsa sa gilid ng kanyang dress saka iniabot ang kanyang kanang kamay sa binata upang sana'y makipag-shakehands.

Tinanggap naman ni Adam ang kanyang kamay at hinalikan ito ngunit hindi pa rin tinatanggal ang nakakatunaw nitong titig sa kanya. "Hello, goddess." Bungad naman nito.

Ibinaling lang ni Anna ang kanyang tingin sa malayo bilang pagpigil sa kanyang mga matang nais titigan pa ng matagal ang napakagwapong lalake na nasa kanyang harapan. "I'm Anna. Please take care of me." Nakangiting sabi niya.

"I'm Adam, your man. It's my life's purpose now, goddess." Nakangiting sagot ni Adam saka napansin ni Anna ang dimples nito.

Pakiramdam niya ay hindi magiging madali ang buhay niya sa mga kamay ng binatang ito kaya pilit niyang inaalis sa isip ang mamangha sa kagwapuhan nito.

Kinurot ni Anna ang kanyang sariling baywang upang magising at matigil ang kanyang pagpapantasya sa lalaking nasa harap. Hindi niya naitago sa mukha ang sakit kaya nag-alala si Adam sa kanya at ibinaba ang kanyang kanang kamay.

"Are you hurt? Can I help you?" Tanong nito saka hinawakan ang kanyang nakalabas na creamy white at makikinis na braso.

Nagulat si Anna sa reaksyon ni Adam saka marahang tinanggal ang malalambot at malalaking mga kamay nito. "It's nothing. Let's go."

Lumapit siya sa front door ng kotse na nasa likod ni Adam upang sumakay na ngunit naunahan siya nitong buksan ang pintuan ng kotse. Pumasok siya at tinanguan ang binata bilang pasasalamat. Ngumiti si Adam sa dalaga na parang excited na excited saka kinuha ang kanyang suitcase.

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon