CHAPTER 1

3 1 0
                                    

"Myla, tingnan mo ang amo nating matanda, kanina pa siya patingin-tingin sa'yo. Lukot ang mukha, tila may masamang hangin na dumapo sa kanya." Bigla akong napatingin sa amo namin sa sinabi ni Ayesha.

"Bakit kaya, hindi naman siya dating ganyan?" Dugtong nito at palihim na bulong ni Ayesha sa akin na kunwari may hinahanap sa gawi ko na mga gamot.

"O-oo nga eh, hindi ko alam pero napansin ko na rin kanina pa." Pabulong ko ring sagot ng makita kong may kinuhang kwaderno at may sinusuri doon.

Nagta-trabaho ako sa isang botika sa isang bayan sa Bulacan. Tatlong taong mahigit ng pinagpasyahan naming iwan ang Maynila at lumipat dito. Sa bayang ito dito na ako nag-umpisa uli ng buhay kasama ang mga pamilya ko.

Tatlong taon narin ako sa pinagta-trabahuan ko. Kahit medyo may sasapat lng ang sahod ko sa pangangailangan ay aking pinagta-tyagaan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay noon ko lamang nakitaan ng ganoon sa akin ang aming amo. Hindi ko alam kung may nagawa akong kasalanan na hindi ko alam kung kaya ay masama ang tingin sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko gugustuhin na mawalan ako ng trabaho dahil kailangan ko ito. Tingin ko, sa tinagal ko ng namasukan bilang pharmacist ng botika nila ay maayos akong nagtrabaho at sinigurong walang masasabi sa akin ng aking amo.

Sa pagka-aristocrata niya ay nakakailang. Tipong hindi siya basta malapitan at makausap ng hindi basta-basta. Kahit tatlong taon na akong namamasukan dito ay nangingimi pa rin ako sa kanya. Taas noo siya kung tumindig.

Nang biglang may pumasok sa de salaming pintuan na may edad ng babae. Sa unang tingin pa lang ay masasabi ng may sinasabi ito sa buhay. Agad lumipad ang tingin niya sa akin at ngumiti ng matamis. Diretso siyang lumapit sa aking kinaroroonan at masuyo ko namang nginitian ng ubod tamis.

"Magandang araw po ma'am." Bati ko na may kalakip na matamis na ngiti.

"Hi! Meron kayo nito?" Inabot niya ang ilang pirasong papel at ito ay reseta galing sa isang doktor.

Binasa ko ng ilang sandali isa-isa ang mga reseta bago ako saglit na nagpaalam tsaka hinanap ang mga gamot na nakasulat sa mga reseta. Hindi naman ako nabigo na makita ang mga gamot na kailangan.

Kinuwenta ko lahat sa harapan ng kostumer at sinabi ko ang halaga lahat ng mga gamot na kanyang binibili. Binuksan niya ang kanyang mamahaling pouch at naglabas ng anim na lilibuhing malulutong na papel tsaka inabot sa akin. Pagkatapos kong maabot ang pera ay magalang akong nagpaalam at dinala sa aking amo na kahera.

"Heto na po ang mga gamot na kailangan nyo ma'am."

"Matagal kana ditong nagta-trabaho di ba?" Biglang naitanong sa akin ng ginang.

"O-opo ma'am. Bakit ho?" Nabigla ako sa naging tanong niya sa akin.

"Matagal na kitang nakikita dito tuwing bumibili kami ng gamot." Wika nito tsaka ngumiti.

"Tatlong taon na pong mahigit ma'am."

"Baka gusto mong lumipat ng ibang trabaho Miss." Diretsong wika ng ginang at lumamlam ang mga mata nito.

"P-po?"

"Baka lang naman Miss... Kung,,, papayag ka tre-triplihin ko ang sahod mo dito." Alok ng ginang.

Nabigla ako sa alok ng ginang na nasa aking harapan. Hindi kaya nang gu-goodtime lang ito sa akin? Nginitian ko ulit siya at magalang akong tumanggi. Ngayon ko lamang siya nakita sa tagal ko ng nangangamuhan sa botikang ito. Katunayan nais kong maghanap ng ibang mapapasukan dahil hindi sapat ang aking sahod lalo lumalaki na ang aking anak.

"A-ano pong trabaho ma'am ?"

"Nanny." Sagot ng ginang.

"Nanny?" Naguluhan ako sa sagot nya. Sa ganitong edad ng ginang hindi ko akalain na may maliit pa pala siyang anak. Siguro menepause baby o kaya apo?

ONE NIGHT STAND (on going)Where stories live. Discover now