EPILOGUE

0 0 0
                                    

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!"

Sabay na naghiyawan ang mga bisita nang makarating sa reception ang bagong kasal na sina Victoria at Ylezer.

"Tory, I can't believe you're married now!" pabirong iyak ni Eloise saka niyakap ang kaibigan, "Nabuwag na tuloy yung Single Woman Association nating anim."

"It's okay, Ate Eloise. Sabihan ko na lang si kuya na mag propose na sa'yo para happy ka na rin." biro ni Victoria.

Napatingin naman sila sa tahimik lang na si Zacharias. Namula naman siya at nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila ni Eloise.

"Aw, huwag mo ngang i-pressure ang kuya mo. May right time para riyan. Uhm, hindi naman sa nagmamadali ako, 'no... I just wonder how it feels to have a ring on my finger." pagpaparinig ni Eloise habang iwinawagayway pa ang kamay na halatang ipinapakita iyon sa nobyo niyang si Zacharias.

"Hindi raw nagmamadali pero panay naman ang parinig saka wagayway ng kamay." pang-aasar ni Brielle.

Sinamaan naman ng tingin ni Eloise si Brielle.

"Boo, come on, tinatawag na tayo roon." sabi ni Ylezer saka hinawakan sa beywang ang misis.

"Oh, sige na, punta na kayo roon. And let's enjoy the reception." sabi ni Serene.

Nagsi-upo sila sa kani-kanilang mga upuan at sinimulan na ang wedding reception. Kumain muna sila at habang kumakain ay nagbigay ng speech si Serene tungkol sa unang pagkikita nina Victoria at Ylezer hanggang sa ikinasal na sila. Nagbigay din ng speech ang best man ni Ylezer na si Elazul. At pagkatapos nun ay sinimulan na rin nila ang mga tradisyon na gawain sa kasal katulad ng pagpapakawala ng mga kalapati, paghuhubad ng garter, at iba pa.

"Woot! Woot! Hubarin na yan!" sigaw ni Galiana habang nakaluhod si Ylezer sa harapan ng nakaupong si Victoria.

"Dapat bongga yung pagkuha ng garter, Kuya Ylezer ha!" sigaw din ni Kate.

"In a sexy way, please!" dagdag pa ni Drake.

Napailing na lang ng ulo sina Alex, Finn, at Brielle at sabay nagsalita nang, "Magkapatid talaga sila."

Nagkatinginan naman ang tatlo at sabay na natawa.

Sinimulan naman ni Ylezer ang pagkuha ng garter ni Victoria at nagulat sila nang ipasok niya ang kaniyang ulo sa dress ni Victoria at hinubad ang garter gamit ang ngipin niya.

"Oh, mon dieu!" (Oh, my God!) nanlalaki ang mga matang sabi ni Ethan na sa wakas ay nakauwi na rin ng Pilipinas.

"Very good! I'm so proud of you, my dear." natutuwang sabi ni Flare na pumapalakpak pa.

"I should have done that on our wedding." nadidismayang sabi ni Ethan.

"Me too." pagsang-ayon ni William.

"Me three." pagsang-ayon din ni Maliq.

At ni Charles, "Me four."

At mas lalong si Ulrich, "Me five plus one multiply by two."

"You really should have done that." komento ni Maybelyn na patango-tango pa ang ulo.

"I agree." pagsang-ayon ni Flare.

"Shut up, Wil. You could never. You're too respectful to do that." sabi naman ni Vivi. Napatango na lang si William sa sinabi ng asawa.

"We could never. Not in front of our parents." mahinang sabi ni Gelena.

YABS: The Story of How We ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon