Maraming beses mo akong niloko,
Ngunit ayokong umalis sa tabi mo,
Palagi kang humihingi ng isa pang pagkakataon,
Subalit sinasayang mo lang kada taon.
Ngayon ako'y pagod na pagod na,
Na mahalin at intindihin ka,
Kaya ngayon ako'y aalis,
Dahil ayoko nang masaktan at magtiis.
Nabalitaan ko sa iyong ina,
Na gusto mo akong sundan dito sa ibang bansa.
Tinanong ko ang dahilan sa iyong ama,
At sabi niya, "Mahal ka pa kasi niya."
Ayokong maniwala dahil ayokong ng masaktan pa,
Dahil mahal na mahal pa rin kita.
Ngayon ay nakita kitang nakaupo sa damuhan,
Na nakatulala sa isang larawan,
Inisip ko baka larawan ito ng isang artista,
Ngunit ako'y nagkamali ng ito ay aking nakita.
Mukha ko ang nasa larawan,
Na iyong matagal na tinititigan.
Tumayo ka agad at ako'y iyong niyakap,
At naramdaman kong para akong nasa ulap.
Humingi ka ng patawad sa iyong ginawa,
Tinanggap ko ito dahil ayokong ika'y mawala.
Humingi ka ng huling pagkakataon,
Para mas patunayan ang sarili mo sa akin ngayon.
Sabi ko, "Huli mo na ito."
At sabi mo, "Pangako mahal ko"
Maraming taon na ang lumipas,
Ngunit ang ating relasyon ay hindi pa nagwawakas,
Tinupad mo nga ang iyong pangako,
At hindi mo rin ito pinako.
Huling pagkakataon mo nga iyon,
At pinatunayan mo nga ang iyong sarili bawat taon,
Dahil sa bawat anibersaryo na ating ipinagdiriwang,
Hindi mo ako iniwan.
