Kabanata 16

4.7K 132 13
                                    

Kabanata 16

Pagkawala


Gaya ng mga gusto niyang gawin para a aming dalawa, umuwi kami ng Pilipinas. Sobrang awkward rin nung nagpaalam ako kay ma'am na aalis na ako sa kanilang pamilya. At first, pansin ko ang duda sa mukha ni ma'am ngunit sa huli ay pumayag siya sa gusto ni Braze. Silang dalawa ang nag-usap at imbitado pa sa kasal namin.

Galak na galak din ako dahil pumayag si ma'am. At least I have my freedom now. Malaki rin ang pagpapasalamat ko sa kanya lalo na sa kanilang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit nakatapos ako sa pag-aaral. Sila rin ang dahilan kung bakit naging maayos ang buhay ko pagkatapos ng pagsubok sa akin sa pagkawala ni Lola. Lahat ng ginawa nila ay sobrang mahalaga sa akin, at kahit ngayon ay aalis ako para magsimula kasama si Braze, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila.

Ngayon, sa panibagong buhay na tatahakin kasama ang lalaking napili kong mapangasawa, pinapangako ko sa sarili na magiging maayos akong asawa. I promise to be a lawful wife, and honest. I promise to be a good wife. Iyon ang maipapangako ko sa kanya, sa lalaking mahal na mahal ko. New journey with him will be happy.

"Hija, are you ready to be his wife?" ngumiti ako sa ina ni Braze.

Looking elegance in her white flower dress and inch of stilettos. Kahit may edad na, litaw na litaw pa rin ang kagandahan sa kanya. Pumasok siya sa loob ng kwarto namin at tumayo sa likod ko. The wedding is intimate, just a family and priest. Gaya na rin ng gusto kong mangyari.

"I am ready, ma'am." mahina kong sagot.

She sighed, hinaplos ang ulo ko ng marahan.

"Hija, do not call me in that way. I will be your mother in law soon. You have to practice calling me mom or mommy." she said softly.

I etched my smile.

"Thank you, mom." medyo naiilang ko pang sinabi.

She smile. After a talk with her, pumasok ang wedding planner at sinabing maghanda na kami. Umalis ang mama ni Braze kaya muli kong pinasadahan ang itsura ko sa salamin. I sighed, staring at myself wearing this simple wedding gown is overwhelming. I dream to be like this, but it's just a dream. Nasabi ko pa noon na magiging masaya ako kapag kinasal si Braze sa ibang babae. I will be very happy with him and his future wife.

Hindi ko lubos akalain na sa akin mangyayari iyon. Ang lahat ng pangarap ko para sa kanya, natupad sa akin. It's just so great to be his wife. Words cannot explain with happiness I felt now. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto. Sa garden ang wedding venue, simple lang ngunit ginastusan. Sinabi ko sa kanya na kahit wag ng gumastos ng malaki dahil intimate wedding lang naman ito ngunit ayaw niya.

Aniya siya ang gagastos sa lahat. Hinayaan ko nalang siya lalo pa't sa aming dalawa, siya palagi ang masusunod. Napabuga ako ng malalim na hangin. Ilang oras ngayong araw ay magiging asawa niya na ako. Ngumiti sa akin ang wedding planner at binuksan ang pinto. Kinain ng kaba ang puso lalo pa't unang bungad sa akin ang bulaklak na nagkalat sa bermuda grass. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa akin ng pamilya niya, lalo na ang lalaking nasa unahan at naghihintay sa akin.

Wearing a black suit, and tender eyes, my heart scream for beat. Lahat ng sinabi ko noon, sa akin natupad. Lahat ng pinangarap ko, nandito na ngayon. Ang lalaking inaasam-asam, nasa akin na ngayon. Lahat ng mga pinangarap, nangyayari na sa akin. God gave me this life, and I am so grateful that I am here, walking in the aisle while a solemn music surround.

I found a love for me

Oh darling, just dive right in and follow my lead

Well, I found a girl, beautiful and sweet

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon