Chapter 24-Lost

155 6 5
                                    

(Blake is on Media ;) hot niya po noh??? Hihihi crush ko na si Blake hahaxD)

Blake's Pov

Naglalakad kami ngayon ni Maryse papunta kina Fame. Gusto namin mag tanong sa dad niya kung nasan siya. 11:53 pm na kasi... mag uumaga na. Pinuntahan pa namin yung mga barkada ko at barkada niya maging coach niya! Pero wala siya... asan ka ba Fame???? Tsk! Habang nag lalakad di ko namalayan na lumagpas na pala ako sa tapat nila Fame.
Maryse:"huy Blake!? San punta mo dito tayo!" Sabi niya. Nawawala ako sa sarili ko!!! Nasan na kaya si Fame!?
Ako:"ahh ehhh sorry..." sabi ko.
Maryse:"alam mo Blake... makikita din natin siya! Mag tiwala ka lang! Kelangan natin tatagan at lakasan ang loob natin..." mahinahong sabi ni Maryse sa akin. Napaka bait ni Maryse, napaka swerte namin ni Fame na nakilala namin siya..
Ako:"salamat Maryse... Salamat." Sabi ko sa kanya.

Pagtapos niya akong icomfort, pinapasok na kami nung guard nila at nakita naman kami ni manang Glenda.
ManangG:"oh mga anak? Di ba ninyo kasama si Fame?? Kanina pa siya hinahanap ng papa niya! Di niya kayo makontak eh kasi nakalimutan daw niyang hingiin number niyo sa phone.." paliwanag ni Manang.
Mr.Eugellio:"Blake,Maryse.. asan si Fame??" Biglang sulpot ni Mr.Eugellio.
Maryse:"ahmmm tito, kasama ko siya kanina sa mall, eh paalam niya sakin mag si-CR siya, tapos after 1 hour di pa siya bumabalik... ayun tinawagan ko po si Blake, at napag desisyunan namin na ipaalam to sainyo..." mahabang pagpapaliwanag ni Maryse.
Ako:"nag aalala na nga ho ako sa kanya eh.. pinuntahan na namin yung coach niya barkada niya ngunit wala pa din siya.." paliwanag ko naman.
Mr.Eugellio:"ang alam ko nasa SM Sta.Mesa kayo kanina diba!? Isa lang ang makakasagot sa tanong natin.. at iyon ay yung cctv ng mall." Sabi naman ni Mr.Eugellio "bukas ng umaga pumunta kayo dito, pupunta tayong SM." Sabi ni Mr.Eugellio.
Maryse:"sige po.." sagot ni Maryse.
Mr.Eugellio:"pwede ba akong makahingi sainyo ng pabor??" Tanong niya samin.
Ako:"ano ho iyon???" Tanong ko.
Mr.Eugellio:"balak ko sana na dito na lang kayo patulugin, mag kahiwalay kayo ng kwarto pero,sana ok lang sainyong dito na lang, para mas maaga tayo bukas.." Mr.Eugellio's explanation.
Maryse:"sige po tito, mas makakabuti yun..." sabi ni Maryse. At ayon! Dito kami natulog kila Fame. Nasa kwarto ni Fame si Maryse, ako naman sa master's bedroom. Nag paalam din muna kami sa mga magulang namin syempre at luckily, pinayagan kami.

**********

Kinabukasan, maaga kaming gumising. Siguro 8:00 am gising na kami. Ang normal ko kasing gising pag walang pasok, 11:00 pa haha. Pagka gising, nag almusal na din muna kami,naligo, nag ayos at saka tumuloy sa SM.

Dumating kami sa SM mga 10:03 am sakto! Kakabukas lang ng SM! Pumunta agad kami sa customer's service upang mag paalam kung maaari ba naming kausapin ang manager ng SM branch na ito
Tito Fernando:"ahmmm excuse me miss??? Pwedeng mag tanong??" Tanong ni tito Fernando. Siya po yung Dad ni Fame.
Girl:"yes sir, how may I help you sir??" Tanong naman nung babae.
TitoFernando:"can we talk to your manager please...?" Tanong ni tito.
Girl:"ahmmm ok lang po ba sir kung mag antay sila ng mga 30 mins?? Nasa meeting pa daw po eh.." sabi nung girl.
Tito:"ahmmm sige balik na lang kami..." sabi naman ni tito.

Nag ikot ikot muna kami, si Maryse nasa watson's. Si tito na sa mga kitchen wares. Ako naman nasa penshoppe. Habang nag ti-tingin tingin ng mga shirts at merchandise ng penshoppe, may nakita akong magandang couple shirt. Isa siyang white shirt, na may nakalagay na "back off dude! She's mine!" Tapos may arrow na nakatutok sa left side. While yung sa girl naman, "stop looking at him girls, he is mine!" Tapos may arrow na nakatutok sa right side. Habang tinitignan yung shirt na yun, nagulat ako sa pag sulpot ni Maryse.
Maryse:"hey!" Sabi niya. Nagulat ako dun promise!!!
Ako:"oh!? May binili ka???" Tanong ko sa kanya.
Maryse:"ahmm yeah make up.. ahmmm ikaw may bibilhin ka???" Tanong ni Maryse.
Ako:"ahmmm sana.." sabi ko sa kanya.
Maryse:"ano diyan??" Tanong niya.
Ako:"eto oh..." sabi ko sabay pakita nung shirt.

When the PlayBoy meets the PlayGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon