Chapter 25-ComebackHome

160 4 0
                                    

(Blake and his Friends on media^_^ si Blake po yung nasa left, yung pangalawa si Kevin,pangatlo si Brandon at yung nasa right, si Anton^_^)

Blake's Pov

Nasa playground ako ngayon malapit samin... nag papaskil ng mga posters ni Fame na may missing... habang naglalakad may nakasalubong ako... si M... as in M lang pangalan niya! Yung sa Maneja Corp. Yung secretary nila.
M:"hi, ikaw yung boyfriend ni Fame right???" Tanong niya sakin..
Ako:"ako nga po.. bakit po??" Tanong ko din sakanya.
M:"ahmmm kamusta po ang paghahanap kay Fame???" Tanong niya.
Ako:"wala pa po kaming nasasagap na info sakanya eh..." sabi ko. "Sana nga po... makita na namin siya..." dagdag ko pa.
M:"ahmmm buti nakita kita... halika punta tayo sa bahay ni Sir Marcus.. may ipapabigay nga pala siya..." sabi nito sakin.
Ako:"ahmmm nako salamat po..." sagot ko.

Maya maya pa ay naglakad na kami patungo sa boss niya. Medyo malayo sila samin eh... habang naglalakad, tahimik lang kaming dalawa.. di naman kami masyado close eh... kung ako nawala at si Fame ang kasama niya ngayon, baka nag iyakan na sila...

Pagdating namin sakanila, pinapasok niya muna ako sa bahay nila at pinaupo. Habang nag aantay, pinag masdan ko muna ang maganda nitong bahay... medyo modern ang bahay niya.. at maganda. Maya maya pa ay dumating na si M at ang sir niya...
Mr.Marcus:"ahmm kamusta ang paghahanap?? Blake right!?" Tanong ng Sir niya.
Ako:"ahhhh ehhh ganun pa din naman po.. di pa din namin siya mahanap eh... kaya nga po pinapalaganap na namin eh." Sabi ko.
Mr.Marcus:"I guess, this things can help..." sabi ni sir Marcus. Sabay abot sakin ng mga posters ni Fame. Isa na itong malaking tulong para sa pag hahanap kay Fame.
Ako:"Nako sir, eh m-maraming salamat po.." sabi ko.
Mr.Marcus:"no problem.." sabi ni sir.
M:"and,.. oo nga pala pati sa mga magazines... may nakapaste na din dun na poster ni Fame na nawawala... para mapadali ang pag hahanap nyo,natin kay Fame." Dagdag ni M. Napakalaking tulong talaga ito!
Ako:"nako sobrang salamat po!!! Maraming salamat talaga! Isang malaking utang na loob ko po ito... ahmmm sige po mauna na po ako.." sabi ko sabay tayo. "Salamat po ulit" papalabas nako ng pinto noon.

Lumabas nako sa bahay nila sir Marcus at sinabi ang napakagandang balita kina tito at Maryse! Ngayon... ang plano ko namanang gagawin ko...

***

5:38pm pinuntahan ko si Anton sa kanila.
Ako:"Antooooon!?" Sigaw ko.

Lumabas naman si Anton sa kanila.
Anton:"oh? Napadalaw ka ata dude?" Tanong at bati ni Anton.
Ako:"ahhhh gusto ko sana kasi makau-" naputol ang pagsasalita ko nang biglang sumingit ang taong gusto kong mapalapit sakin at makausap.
Adrian:"bakit mo ako kakausapin???" Tanong niya sakin ng may maangas na tono.
Ako:"ahhhhm m-may gusto lang akong s-sabihin" utal kong sagot.
Adrian:"Anton..." sabi niya, dahilan para umalis muna si Antonat bigyan kami ng privacy sa paguusap.
Adrian:"now, tell me what do you want!" Sabi ni Adrian.
Ako:"ahh ehh alam kong marami na tayong pinagsamahan Adrian... marami na... at ayoko sanang sirain pa ang mga iyon.. nandito ako para makipag ayos sayo... gusto kong kalimutan na natin yung alitan natin.." sabi ko. Bigla naman niya akong kinuwelyuhan.
Adrian:"Gago ka ba!? Sa tingin mo ba ganun kadali kalimutan iyon!? Ha? Yung pangako mong sinira mo??? Ha!? Sa tingin mo ba madali! Mag isip ka nga!" Sigaw nito sakin.

Agad namang lumabas si Anton para pigilan kami.
Anton:"kuya tama na!!!" Sigaw nito sabay hatak sa kuya niyang si Adrian.
Ako:"patawarin mo nako Adrian..." pagmamakaawa ko sakanya.
Adrian:"sa palengke na lang may tawad gago! Umalis ka na dito.." sabi ni Adrian habang kinakaladkad ni Anton papasok ng bahay nila.
Anton:"dude umalis ka na! Baka kung ano pa magawa ng kuya ko sayo!" Sabi ni Anton sakin.

Di na ako muli pang sumagot, instead, unalis na lang...

Anton's Pov

Umalis na si Blake.Pinaupo ko muna si kuya sa sofa at pumunta ako sa kusina para maka kuha ng tubig.

Pagbalik ko sa sofa ay iniabot ko kay kuya ang tubig pero bigla niyang hinawi ang baso dahil para ito ay mabasag. Nagulat ako sa pagkabasag ng baso.
Ako:"ANO BA!!!? KUYA NAMAN??? PWEDE BA!? MAGPAKALALAKI KA NGA????!!! HINDI KA NA MAHAL NI FAME HIN-" hindi ko natapos ang sasabihin ako dahil sinuntok niya ako. Grabe ang sakit!
Adrian:"Tama na!!!!! Hayaan mo nga ako! Wala mo akong pakialaman! Para ka lang si mama at papa! Mga wala kayong paki sakin!" Sigaw niya. Bigla akong naistatwa sa sahig habang nakahiga. Naalala ko yung mga panahon na bata pa kami.

Noong bata pa kasi kami, lagi ako ang paborito nina mama at papa. Nasa ibang bansa na sila ngayon... ang natira lang dito ay kami ni kuya.

[Flashback]

Naaalala ko tuloy dati, nung bata pa kami... naglalaro kami ng kotse ni kuya sa taas ng bahay namin, biglang sumigaw sina mama at papa..
Mama:"Anton!!!! Baba na kakain tayo dali! May pasalubong ako sayo!!!!" Sabi ni mama.
Ako:"opo mama pababa na po!" Sabi ko sabay baba. Si kuya naman ay naiwan lang sa taas.. naglaro lang siya dun ng naglaro... ngunit habang kumakain kami, napansin kong nakadungaw si kuya sa may bintana, umiiyak siya, ngunit... nagpanggap akong di ko siya nakita... at ginawa ko yun dahil alam kong aawayin niya ako... nangyari na kasi yun dati. Magkasama kami nila mama nanunood nun ng movie at may popcorn kaming kinakin.. si kuya naman nasa kwarto lang... nakita ko siyang sumisilip, nagpaalam naman ako kila mama na c-cr lang... pero ang totoo ay kakausapin ko lang siya.
Ako:"Kuya?? Bakit ka umiiyak???" Tanong ko.
Adrian:"wala to! Bumalik ka na dun..." sabi niya.
Ako:"umiiyak ka eh.." pagpipilit ko.
Adrian:"sinabi ng hindi eh! Magagalit ako sayo pag pinagpilitan mo!!!" Sabi niya sakin... at bumalik na lang ako sa panonood.

Yan ang dahilan kung bakit nung nakita ko siyang umiiyak sa hagdan ay di ko siya pinansin... at simula noong pangyayaring iyon.. di na niya ako pinansin.. naglalaro na lang ako mag isa... o kaya naman kasama ang mga kaibigan ko... pero siya... sa kwarto lang.. mag isa lang din siyang kumakain.. ayaw niyang kasabay ko siya kumain. At mag mula noon, di na niya ako pinansin. Pinansin na lang niya ako ulit magmula noong nawala na sina mama at papa.

[End of Flashback]

Umakyat na lang si kuya sa kwarto niya.. at ako naman ay naiwan lang na naka hilata sa sahig ng bahay namin, umiiyak.

Sa tingin ko nga, ang dahilan kung bakit ayaw niyang mawala si Fame ay dahil... sa palagay niya ay si fame lang yung nagmamahal sakanya... it seems like Fame loves her more than our parents...

Blake's Pov

Nasa terrace ako ngayon, di pa din ako pinatawad ni Adrian... ang plano ko kasi ay mapalapit kay Adrian upang makalikot ko yung mga bagay niya... nagbabaka sakali kasi ako na baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Fame... di naman ako sigurado dun, pero baka kasi siya may pakana dahil kahit may mga obsessed na lalaki sa mahal ko eh siya yung pinaka obsessed.

Habang nasa terrace... may nakita akong magkasintahan sa may kanto... hinatid ata nung lalaki yung babae.. nakaramdam ako ng inggit sakanilang dalawa... ewan ko ba.. miss ko na yung maganda kong girlfriend eh! Miss ko na yung mahal ko... 

Naramdaman ko ang luha sa mga mata ko na unti unti ng tumutulo...

Sana makabalik na siya... sana makita ko na siya ulit... Fame.. umuwi ka na oh... miss na kita..


***

Sorry for short update ^_^ I'll make up to you guys!:* bawi ako madami!:)

When the PlayBoy meets the PlayGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon