"shit, may nakalimutan pa ako amputa" inis na sabi ko
nagmamadali akong pumunta sa bus station para bumalik ng apartment ko kasi sa dinami dami ng pwedeng makalimutan yun pang ipapasa ko kay Prof. Diaz.
habang nag hihintay ako sa bus na dumating, inayos ko muna yung mga gamit ko.
"puta" mariin na sabi ko
may nakabanga saking tatanga tanga at yung ibang paper works ko, napunta pa sa putik.
"bad trip naman oh"
"sorry, hindi ko sinasadya" sabi ng naka banga sakin.
"ano ba bulag k-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko.
"Nico?" mahinang sabi ko
"Iya?" gulat na sabi niya naman
"uy kamusta k-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dumating na ang bus
wala akong ibang magawa kundi sumakay na sa bus dahil malelate na ako sa pasok ko. pagtapos ko bumalik sa apartment ko, agad akong nagmadaling pumasok. thank god hindi mainit ulo ni Prof. Diaz ngayon.
"Iya! halika sabay ka samin mag lunch, may bagong bukas daw na resto. malapit lang sa university natin." sigaw ni lea sakin
"pass muna ako, may gagawin pa akong script sa act mamaya" sabi ko
habang inaayos ko mga gamit ko, naririnig ko na ang sipol ni Jake.
"Iyana Ashley Vera" sigaw ni Jake na halos rinig na ng buong campus.
"what!? kailangan talaga full name Jake Severio Santos?" sabay takbo ko
"gago ka ah sabing wag full name ko e!" sabay habol sa-akin.
BINABASA MO ANG
Sunlight of Our Past
Romancewhere Iya admires Nico since they were in highschool, but what if Nico likes someone else? will Iya give up?