Chapter 33

182 19 0
                                    

Nilalaro-laro ni Azzam ang susi ng kanyang bigbike habang naglalakad sa hallway ng agency na pag-aari ni Prinsipe Aquilles. May bagong report tungkol sa pagtatangka kidnapin ang Amir na yun kaya kailangan niya magpunta rito. Nang marating ang pribadong palapag ng prinsipe ibinulsa na niya ang susi sa likod ng bulsa ng suot niyang pantalon. Pagbukas pa lang ng elevator agad na sinalubong siya ng ingay mula sa pagkaskas ng gitara.

Natigilan siya sa paghakbang. Ito ang unang beses na may naggigitara sa palapag na ito at ang pagkakaalam niya hindi naman naggigitara ang Prinsipe. Nangunot ang noo niya. Sino naman kaya yun?

Humakbang siya muli. Nagmumula ang ingay na iyun sa mismo loob ng opisina ng prinsipe. Paglapit niya sa pintuan nawala na ang ingay mula sa gitara.

Hindi na siya nag-abala pa na kumatok at tuluyan na tinulak pabukas ang malapad na pintuan agad na bumungad sa kanya ang prinsipe na abala sa harapan ng laptop nito. Agad na sinuyod ng mga mata niya ang kabuoan ng opisina ng prinsipe pero ang tangi ito lamang ang naroroon. Hindi kaya sa ibang palapag yun nanggaling?

Hindi naman siya pwede sumablay sa pandinig. Kakayahan nila ang may matalas na pandinig bilang mga bampira. Ipinilig niya ang ulo.

"Maupo ka muna,tatapusin ko lang ito,"untag sa kanya ng prinsipe. Agad naman siya tumalima saka tinungo ang kinaroroon ng mga sofa. Umupo siya sa sa pang-isahang sofa at natigilan ng makita ang kulay puting gitara na nasa mahabang sofa.

Nilingon niya ang prinsipe na tutok na tutok ang atensyon sa harapan ng laptop nito. Marunong na maggitara ang prinsipe?

Napabuga siya ng hangin saka pabagsak na sinandal ang likod sa sandalan ng sofa saka patingala na ipinikit niya ang mga mata. Sa pagpikit ng mga mata niya ilang minuto bago muli niya narinig ang pagkaskas ng gitara. Unti-unti nagbukas ang mga mata niya at agad na sumalubong sa kanya ang puting kisame. Patuloy sa paggigitara kung sino man iyun kaya agad na hinayon ng mga mata niya kinaroroonan nito pero malaki pagtataka niya na naroroon pa rin ang gitara sa mahaba sofa.

Naalipungatan lamang siguro siya. Muli niya ipinikit ang mga mata pero ilang minuto lang ay nagsalita na ang prinsipe.

"Malapit na matunton kung saan matatagpuan ang mga hinayupak na yun,"untag ng Prinsipe.

Tinuon niya ang atensyon sa prinsepe na nakaupo pa rin sa likod ng mesa nito. Masaya siya na makitang bumalik na muli sa dati ang prinsipe. Hindi mo kakikitaan na dumanas ito sa mahirap na pagsubok.

Agad na winaksi niya ang muli pagbabalik ng eksena iyun na pilit niya kinakalimutan.

"Masyado ka naman protected sa future in-law mo,mahal na prinsipe, "nakangisi niya tugon rito.

Natigilan ito saka nalukot ang matangos nito ilong na kinatawa niya sa naging reaksyon nito.

"Wala lang ako choice dahil ayoko mapahamak si ina sakali man magkita na sila dalawa,"nakasimangot nito sagot.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan niya habang nakangisi pa rin ang mga labi niya.

"Sana all,spoiled.."saad niya. Sumama ang tingin ng prinsipe sa kanya na kinatawa niya. Binibiro lang niya ito at the same time alam niyang labis ang pangungulila nito sa mag-ina nito na..isang taon na ang lumipas mula ng bumalik ang mga ito sa Womanland.

Bago pa siya makaramdam ng pangungulila para sa kasintahan dumako ang mga mata niya sa gitara.

"Marunong ka na pala maggitara ngayon?"untag niya sa prinsipe.

Agad na dumako ang mga mata nito sa tinutukoy niya saka ibinalik nito ang tingin sa kanya.

"Alam mong hindi ako mahilig sa ganyan at wala ako tyaga para matuto maggitara,"tuwiran nito sagot.

Napakunot siya ng noo.

Bago pa man siya makapagtanong kung sino ang may-ari ng gitara bumukas ang pintuan ng opisina ng prinsipe at bumungad ang hindi inaasahan bisita.

"Kamusta,kambal?!!!"agad na pagbungad na bati na isa sa kakambal ni Prinsipe Aquilles na si Prinsipe Aquill.

Tila naman bigla nastress si Prinsipe Aquilles sa pagbisita ng kakambal nito.

"Where's my welcome hug?! Parang hindi tayo nagkambal ah!"turan nito ng hindi man nag-abala tumayo si prinsipe Aquilles upang salubungin ito.

Bored na hinarap ito ng naunang prinsipe.

"Tigilan mo nga ko,Aquill..parang hindi tayo nagkita kagabi ah!"angil nito kay Prinsipe Aquill na kinatawa nito ng malakas.

Napailing naman siya at tahimik lang nakamasid sa dalawang prinsipe. Saka lamang siya napansin ni Prinsipe Aquill ng magsawa ito asarin ang Kuya Aquilles nito.

Nakangisi na lumapit ito sa kanya at naupo sa katapat ng inuupuan niya sa mahabang sofa kung saan naroroon ang puting gitara.

"Kamusta naman,kabalyero?!"untag nito sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Bampira pa rin naman,"tugon niya rito.

Tumango-tango ito saka nito dinampot ang gitara na nasa gilid nito saka nito iyun pinatugtog.

Mukha nasagot na ang itatanong niya dapat sa Prinsipe bago pa ito dumating kung sino ang may-ari ng gitara.

Mahusay nito pinatugtog ang gitara na sinasabayan nito ng mahinang pagkanta.

Hindi siya pamilyar sa kinakanta nito habang sinasabayan ng pagkaskas ng gitara.

Tumigil ito pagkaraan saka binalik sa kanya ang atensyon nito.

"Ang unfair lang na mabilis niya natutunan maggitara samantala ako halos ipukpok sakin ni Aquer yung gitara bago ko matutunan gumamit nito,"natatawa nitong sabi.

Ang tinutukoy nito ang isa pa kakambal ng mga ito na si Prinsipe Aquer.

Ngumisi ito saka tumawa ng mahina na tila may naalala.

Bumuga ito ng hangin. "Bakit nga pala nandito yung pasalubong kong gitara sa maganda kong pamangkin ha?"paglingon nito kay Prinsipe Aquilles.

Natigilan siya sa sinabi ni Prinsipe Aquill.

Tahimik at deretso naman ang mga mata ni Prinsipe Aquilles sa kanya na nagpakabog sa dibdib niya.

"Baka nakalimutan niya siguro rito,"turan ni prinsipe Aquill saka muli nilapag ang gitara sa gilid nito at tumayo na ito.

"Tulala ka?"untag sa kanya ni Prinsipe Aquill.

Agad na binalik niya sa ayos ang sarili niya. Hindi siya aasa na baka..pero malalaman naman niya kaagad kung nakabalik na nga ito lalo at hindi niya naamoy ang mabangong amoy ng kasintahan.

Baka nagkakamali lang siya. Baka ibang pamangkin lang ang tinutukoy nito pero si Sanya lang naman ang maaari tinutukoy nito pamangkin.

May kung ano namumuong pananabik sa kalooban niya na baka maaaring nakabalik na ang Prinsesa mula sa WOMANLAND. Itinanggi ni Prinsipe Aquilles ang sinabi niya kanina.

Posibleng...

"Sa bahay mo ulit ako matutulog ah,alam ko mag-isa ka na naman,"turan ni Prinsipe Aquill kay Aquilles.

Ang nabuhay na pananabik niya ay bigla na lang naglaho ng marinig ang sinabi nito.

Napabuga siya ng hininga. Handa na ba talaga siya harapin ito kung sakali nga nakabalik na ang kasintahan niya?

May mukha na ba siya ihaharap rito?

Hindi pa ata siya handa..mabiga pa ang pakiramdam niya sa nagawa niya rito.

Walang kapatawaran ang iniwan niyang...agad na winaksi niya ang alaala na iyun. Ang makita ang ebidensya ng sumpa na meron siya.

His fear. Iyun ang kinatatakutan niya ang makita ang kasintahan at makita ang nagawa niya rito.

Isa siyang sumpa. Kasumpasumpa ang nagawa niya iyun sa sarili niya kasintahan.

Para na rin niyun pinatay ang kalahati ng puso niya...o baka nga buong puso niya.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon