1

0 0 0
                                    

--->may nagpagawa ng isang maiksing kwentong pambata sakin,ikkwento kaya ?

Isang araw kasama ni  Maria ang kanyang bunsong kapatid na si Javier sa kanyang silid, naglalaro si Maria sa kanyang cellphone habang  naglalaro naman ng mga laruang sasakyan ang kanyang dalawang taong gulang na kapatid,habang nanonood sya sa kanyang cellphone ay napatingin ito sa orasan at.

Maria:naku! lagot ako kailangan kong tapusin ang aking takdang aralin.

sabi nito sa kanyang sarili. Malapit ng dumating ang kanyang magulang mula sa kanilang trabaho. Sigurado syang tatanungin sya ng kanyang mga magulang tungkol sa kanyang naging klase at sa kung ano pa ang mga kailangan na ipasa sa kanilang guro, kung kayat kailangan nya ng tapusin ang kanyang mga takdang aralin, umupo na sya sa kanyang study area at tinapos ang kanyang takdang aralin.nang matapos na sya ay naghikab ito at inunat ang katawan,

Maria:maaga pa, may oras pa ako para makapaglaro"

sambit nito sa sarili at ibinagsak ang kanyang katawan sa kama at kinuha ang kanyang cellphone at naglaro ulit, hinde nya na nailigpit ang kanyang mga gamit, naisip nya na mamaya nya na lang liligpitin ang mga ito hinde pa naman nya naririnig ang busina ng sasakyan ng kanyang mga magulang. Habang naglalaro sya nakita nya malolowbat na ang kanyang cellphone kung kayat bigla nyang hinaltak ang recharger ng cellphone hinde nya nakita na nakabuhol dito ang recharger ng kaniyang laptop na nakabukas at nakapatong lang sa gilid ng lamesa kung kayat bigla itong bumagsak at nabasag ang LCD ng laptop. kinakabahan at hinde alam ni Maria ang kanyang gagawin natatakot nyang ibinalik ang laptop sa lamesa, natatakot ito at hinde mapalagay. lumipas ang oras dumating na ang kanyang mga magulang, nakita ng kanyang Ina ang nangyare sa laptop.

Mama ni Maria: Ano ang nangyari sa laptop?
tanong nito.
Maria:nahulog po ni Javier.
sabay turo nito sa nakakabatang kapatid.
Mama ni Maria: bakit hinde mo ba iniligpit ang laptop? o nilagay sa tamang lagayan? kung kayat nahablot ni Javier?
tanong ng kanyang Ina.
Maria: Sorry po, do po ako nakatingin.
nauutal na pagsisinungaling nito, nanlalamig ito at kinakabahan.
Mama ni Maria: hindebale na maipapagawa naman to, ang importante hinde bumagsak sa ulo ni Javier at hinde sya nasaktan"

Naisip ni Maria na tama ang kanyang ginawa, nakalusot sya hinde sya napagalitan ng kanyang Ina! natutuwa itong isipin na ganun lang ang naging reaction ng kanyang Ina. hinde sya napalo dahil sa kanyang bunsong kapatid.Kinagabihan kinausap ng Panginoon si Maria sa kanyang panaginip, nakita niyang itinuturo ng mga Pariseo si Jesus, at pinagbabato nila ito hanggang sa masugatan sa kasalanan hinde naman nya ginawa, ang Ina ni Jesus ay umiiyak at nakatingin sa langit at labis ang pag iyak. habang naka pako sa krus si Jesus. At si Judas naman ang kanyang nakita na pinagbabato ng mga bata katabi nito ang isang naka itim na tao tumatawa ito at masayang masaya. Biglang napabangon si Maria sa kanyang pagkakatulog at labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan lumuhod ito at mataimtim na nagdasal, at tumakbo sya sa silid ng kanyang bunsong kapatid at hinalikan ito at humingi ng tawad sa bunso nyang kapatid, sumunod naman ay ginising nya ang kanyang mga magulang, umiiyak ito habang humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga magulang.

Maria: sobra po akong natakot na baka magalit po kayo sa akin ng sobra.
Papa ni Maria: labis kaming nalungkot sa ginawa mo at nagawa mo pang gamitin ang iyong kapatid upang mapagtakpan ang iyong kasalanan.
Maria: sorry po. nalaman ko po ang kasalanan ko , hinde ko na po uulitin. ayaw ko pong matulad kay Judas at sa mga Pariseo, sana po ay mapatawad nyo akong lahat at ng ating Panginoon.
Mama ni Maria: nakakasigurado akong napatawad ka na ng ating Panginoon, at labis ang pagmamahal nya sa iyo kung kaya't kinausap ka na nya sa iyong panaginip.
Papa ni Maria:tumigil ka na sa pagiyak, pinapatawad ka na namin dahil sa naging malakas ang loob na sabihin ang matindi mong nagawang kasalanan.
Mama ni Maria: bumalik ka na sa pagtulog.
Maria: salamat po mama at papa. handa pa rin po akong tanggapin ang kaparusahan ko.
Papa ni Maria: kailangan mo pa rin harapin ang kaparusahan upang magtanda. bawal na ang cellphone kung hinde para sa eskwela .
at marami pa itong ipinagbawal.
Maria: Salamat po at mahal nyo pa rin po ako kahit naging masama ako.

Niyakap sya ng kanyang mga magulang at sinabi na kailanman ay hinde mawawala ang pagmamahal nila sa kanila .
Papa ni Maria: hinde rin pwedeng mawala ang pagdidisiplina namin sa iyo.

Nag ngitian silang tatlo at muling nagyakapan. muli ng bumalik sa pagtulog si Maria, at naging mas responsable na sya sa kanyang mga kilos at gawa, imbes na paglalaro sa cellphone ay mas nakipag laro na lamang sya sa kanyang bunsong kapatid na si Javier.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ang munting kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon