17 - Team Brycelette

3.5K 113 5
                                    

CF's

She woke up with the sound of chirping birds outside the window. Another day has come but she's still here at Barangay Olivero. She's tired of counting the days, weeks and months. Wala naman kasi nagbago simula noong bumalik siya dito. Bumalik sa dati ang sitwasyon niya. Bawal lumabas at bawal gumamit ng social media. Her husband rarely talk to her. At kung kakausapin naman siya ay pulos paalala lang na huwag lalabas ng Barangay Olivero para sa kanyang kaligtasan. Hindi niya alam kung paniniwalaan pa ang dahilan nito pero ganoon din naman kasi palagi ang sinasabi ni Sylvester sa kanya.

She got up from her bed lazily and went to her bathroom to do her morning rituals.

Wala siyang ideya kung hanggang kailan siya magkukubli sa Barangay Olivero para sa kapakanan ng kanyang asawa pero handa siyang magtiis kung ito lang ang paraan upang maisalba niya ang relasyon nila.

Siguro nga ay katangahan na ang kanyang ginagawa but the love she has for her husband is incomparable and unconditional. Lalaban siya hangga't may natitira pang pag-asa para sa relasyon nilang dalawa dahil ayaw niyang may pagsisihan na naman sa huli.

Hindi niya kailanman inungkat kay Bryce ang mga nakita at nalaman niya patungkol dito at kay Veronica Han. Natatakot siyang marinig mula rito ang katotohanan na siyang dudurog sa kanya kaya naman kahit masakit ay pilit niyang nilulunok ang pride para lang hindi tuluyang mawala sa kanya ang asawa.

"Tulala ka na naman diyan, Miss Gorgeous." Si Caleb na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya. Ngumiti siya dito ngunit hindi abot sa kanyang mga mata.

Nakasanayan na niyang tinatawag siya nito sa ganoong pangalan. Sa katunayan ay nagaya lamang ito sa mga taga Barangay Olivero na unang tumawag sa kanya sa ganoong pangalan. They really fond of her, she guess. Sobrang bait ng mga ito sa kanya.

"I miss my old life. I miss h-him." Malungkot niyang saad.

Namulsa si Caleb at sumandal sa pader na malapit rito. Nasa verandah sila ngayon at parehong nakatanaw sa malayo.

"This is for your own good. Alam kong hindi madali para sa'yo ang lahat ng ito. Pero isa lang ang masasabi ko, and I want you to trust me with this one." Umabante ito palapit sa kinatatayuan niya at nagpatuloy. "Your husband is doing everything to make you safe, Miss Gorgeous."

"Pare-parehas lang kayo ng sinasabi." Naka-ingos niyang wika. Lahat ng kausapin niya tungkol kay Bryce ay ganoon ang sinasabi. Magtiwala lang daw siya.

"Sige. Ganito na lang. Para mawala na ang pagdududa mo, sasabihin ko na sa'yo ang mga kailangan mong malaman. But." Caleb paused and gave her a smile that made him even more handsome. This man is a very good looking guy. Yung tipong masarap paglihian.

"But?" Interesado niyang sambit.

"Wala ka dapat pagsasabihan na ako ang nagsabi sa'yo." He's moving his eyebrows up and down like a naughty kid.

Hindi niya maiwasang mapangiti. Caleb is so cute. "Alright. Wala akong pagsasabihan."

"Remember the day when you saw your husband with Veronica Han?" Biglang nabura ang ngiti niya. Pumait tuloy ang kanyang panlasa pagkabanggit doon ni Caleb dahil bumalik sa kanyang ala-ala ang nadatnang eksena sa DKRC.

"Go on." She badly want to hear everything. The truth.

"Hindi ako nagsalita noon dahil ayaw ko sanang manghimasok sa inyong mag-asawa. Ang trabaho ko lang ay protekthan ka at hindi pakielaman ang personal mong buhay. Pero hindi ko na kasi kayang nakikita ka araw-araw na nakatulala dito sa verandah. Kaming lahat dito napapansin 'yon."

Malungkot siyang napangiti sa narinig. Mabuti pa si Caleb ay inaalala siya palagi. He's always with her whenever she needs help.

"Hindi lumalapit si Bryce kay Veronica Han dahil ipinagpalit ka na niya." Patuloy nito.

DKRCS: Mr. CEO's Kept WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon