Oras

19 1 0
                                    

Lahat tayo ay may kaniya kaniyang kuwento na hindi lahat ay ating mababasa sa mga silid aklatan kundi itoy naririto sa ating alaala sinasapuso ang bawat nakaraang sandali na hindi na maibabalik. Maaaring ang bawat nilalaman nitoy puro pagdurusa  na lamang at bihirang dulutan ang puso ng kasiyahan at ganun ring bihirang mabigyan ng biyaya sa mundong ito. Mayroon pa rin nakalaan sa bawat isa, hindi ngayon o hindi rin mamaya at maaaring itoy sa darating pang mga panahon ng ating buhay dahil ang oras at sa patuloy nitong pag andar ay ang patuloy rin na pagbuklat ng bawat pahina ng ating kwento. Wag tayong susuko kahit isinusuka na tayo ng mundo,. Ang pakiramdam na na nag iisa ay napakabigat na damdamin. Ang pakiramdam na mag isa ka na lang humaharap sa libro ng iyong buhay at mag isang bubuklat at babasa ng bawat nakasaad sa pahina nito.  Maaari ba? maaari bang nating paulit ulitin na lamang basahin ang ang mga piling masasayang yugto ng ating buhay? Upang hindi na natin pagdaanang lubos ang mga malungkot na yugto na madaraanan natin sa bawat pagbuklat natin ng pahina nito.
Maraming taong nagsasabing huwag nating madaliin ang panahon at lubusin ang ngayon ngunit itoy kabaligtaran nang sa iba sapagkat panahoy kailangang pabilisin upang kahirapan ay lutasin at ang paghihintay ay matapos rin at sa ibay ang panahoy kailangang madaliin upang sa mahal nila sa buhay ay makapiling na rin at sa panig ng matatanda na oras ay pabagalin upang ang oras na nalalabi ay magugol nila sa at magkaroon pa ng mahabang oras para sa pamilyang nakatakdang maiiwanan. Ano man ang ating gawin ay naging patas ang oras sa atin , itoy nakabatay sa ating gagawin at kung paaano itoy tutuparin dahil ito ang depinisyon ng oras para sa akin isang maikling babasahin ngunit ang damdamin at kaisipay pinaglaanan ng oras at ang oras ay ginto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon