Be In My Zone

61 8 0
                                    

Naghahalo ang init ng mukha at kahihiyan mo habang sumasayaw ka.

Grabe, para sa wellness dance competition lang naman 'to pero yung tibok ng puso mo parang pang grand championship na.

"Sabby!"

Napalingon ka sa nakasimangot mong kaibigan na leader mo ngayon.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya, "Kahapon, tinulungan mo kong magdagdag ng steps tapos ngayon ang lamya mo!"

Natawa si Kelly na nasa unahan mo, "Oo nga. Beat the energy gap tugtugan natin, tapos lantang gulay ka dyan!" Sabi niya pa.

Lumingon pa siya sa likod mo kaya mas lalo pang natawa ang hinayupak.

Pabiro mo siyang inirapan at lumingon na lang ulit kay Abilyn.

"Sorry! Kulang kasi ako sa kain, medyo mainit din kaya kulang ako sa kulit!" Ngumiti ka pa para mapagbigyan ka.

Sana magbreak time. Sana magbreak time.

"Sige, water break muna."

Umupo ka naman sa madupak na pavement. Bad trip na centro, nasa mural lane pa yung bench.

Umupo sa tabi mo si Kelly, samantalang si Abilyn ay naupo sa kalsada sa harap namin. Nagbukas siya ng tubig habang lumilingon sa kanang gawi niya.

Hindi mo na sinundan yung tinitingnan niya at kinuha mo na lang ang lunch box ko. Uubusin mo yung kanin, dahil malalagot ka sa mama mo 'pag nagtira ka.

"Feeling ko naman hindi niya nareceive yung bb crushie ken na text mo," sabi ni Abilyn.

"Ooooor, baka wala siyang pakialam?" Dagdag ni Kelly. "Jusko. Ang dami-dami na sigurong nagconfess sa mokong na 'yan. Baka pangkaraniwan ka na lang sa kaniya, ano."

Lumingon ka bigla kay Kelly, "Pangkaraniwan talaga ginamit mo? Ouch ha!" Sabi mo.

"Oo nga. 'Di naman random si Sabby. Eh, 'di ba magmortal enemy sila since student election last year?"

"Ah, oo nga pala. Bina-back stab mo nga pala si Ken kapag may meeting sa SG! Galit kapag kaharap, ngiting ngiti on the inside!"

Nandidiri mo siyang tiningnan kaso tinabig niya lang ang braso mo.

Lumunok ka muna bago magsalita, "Wala naman akong pakialam. Nangyari na eh. Ang dami ko ng kahihiyan sa buhay, normal na sa'kin 'to, to the point na nilo-look forward ko na ang susunod kong kabobahang gagawin."

"Grabe naman explanation mo!"

Natawa si Kelly, pero napatigil. Sabay suminghap siya.

"Oh my god, lalapit dito si Ken!"

Dahil sa gulat ay napalingon ka sa kanan.

Kaso walang Ken na naglalakad papalapit. May Ken nga lang na gwapong nagi-spray paint ng mural niya. May Ken na seryosong seryoso sa ginagawa niya dahil competitive at gusto niya na makuha ang first place—Oh my god. Natulala ka na naman!

Umiwas ka ng tingin.

"Namo, Kelly." Mahinhin mong sinabi.

"Luh! May pagchange ng voice kapag kinikilig!" Sabi ni Abilyn sabay tumawa silang dalawa ni Kelly.

Ang water break na 5 minutes lang dapat ay naging 25 minutes sa kakaasar at kakahintay sa mga kaklase mong ang tagal bumili ng gulaman.

"Oh, game! From the top ha! Sabby! Umayos ka!" Sabi ni Abilyn sa harap, habang nakatingin sa likod mo.

Lumingonsi Kelly sa'yo at nagsalita nang malakas.

"Oo nga, Sabina Isidro ng HUMSS, Grade 12, Section 4, cellphone number 0935—" bigla naman siyang naubo dahil sa pagtapik mo sa batok niya.

Ingay ng bunganga eh.

Nagsimula ulit tumugtog ang nakakaumay na wellness remix na ginawa niyo. Nagturo na ulit ng steps si Abilyn.

"Single! Single! Double! Double! Oh! Taas kamay! Pak! Kaliwa! Okay, tapos ikot nang mabagal! Diyan na papasok yung boys sa gilid!"

Umikot ka naman nang mabagal.

White polo, black slacks, at ang sikat niyang maliit na ngiti habang nakatingin sa'yo ang nakita mo sa pag-ikot mo.

Bumalik ang kaba at pagpigil ng ngiti mo. Shet.

"Sabby! Taas mo siko mo!" Sigaw ni Abilyn.

Tinaas mo naman. Pagkatapos ay gumilid kayo habang nakapila para pumasok yung iba mong kaklase at sumayaw sa gitna.

Gusto mong lumingon. Lilingon ka ba? 

Baka busy na ulit sa mural si Ken?

"Okay! Pasok na ulit kayo sa gitna!"

Bigla kang lumingon sa likod. Nasa harap na nga siya ng mural niya pero pinapanood niya pa rin kayo. Nakatingin ang mokong sa'yo habang—

Isang letter sign na K ang sumampal bigla sa mukha mo.

Natigil ang tugtog dahil sa paghiga mo sa lupa. Pati na rin yung kaklaseng nabangga mo ay natumba rin.

"OMG! Sabby, sorry!"

"Uy, okay ka lang? Bakit kasi sinalubong mo yung eexit!"

Pinagpag ko na lang ang braso mo at tumayo bigla. Ininda mo na lang ang sakit ng likod mo.

Nakakahiyaaaaa.

Pucha naman.

Hindi ka na lumingon pa at nagfocus ka na lang sa practice. Kaso dahil nga sa steps na mabagal na ikot (Surprise! Ikaw ang nag-isip ng steps na 'to. Nakakairita) Ilang beses mong natingnan ang gawi ni Ken.

Paglubog ng araw ay natigil kayo dahil pinaalis kami ng mga skater.

Dumaan ng 7/11 ang dalwa mong kaibigan samantalang ikaw ay naiwan sa centro para intayin sila.

Nagpaiwan ka talaga para lang sumilay. Hehe.

Pero sa maliwanag na mural lane, wala si Ken. 

Umuwi na siguro?

Umupo ka sa bench at tumingin tingin. Nutrition month kaya puro gulay at mga estudyante ang nandito.

Nangiti ka na lang bigla dahil nakita mo agad ang yellow paint na signature ni Ken sa baba. Sa likod ng portrait paintings ay isang graffiti ng slogan ng nutrition month ngayon.

"Ganda ba?"

Nagitla ka sa nagsalita sa gilid mo.

Si Ken na bagong palit ng damit at may hawak na dalawang milktea.

"Maganda naman lagi gawa mo." Nakahawak ka sa dibdib habang sinasabi mo 'yon.

Lumapit siya sa mural, may tinuro siya gamit ang paa niya. Babaeng naka-yellow shirt katulad ng soot mo pero natatakpan ang kalahati nito ng text.

"Ikaw 'yan." Lumingon siya sa'yo habang nakangiti.

Tumango ka lang dahil sa hiya.

Umupo siya sa tabi mo at seryosong inabot sa'yo ang milktea.

Tinitigan mo siya... grabe, ang cute niya.

Kinuha mo ang milktea at nagsalita nang mahina, "Thank you."

Tumango lang siya at kinuha ang cellphone niya.

Tumunog naman ang cellphone ko dahil sa text. Binuksan ko yun at binasa.

From: Ken
"Stell, nagandahan yung
crung kong si sabby
sa ginawa ko."

Paint of Us (Flash fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon