Kabanata 17
Sumabog
Tahimik ang buong mansyon ng Costiño dahil sa pagkawala ng ina pamilyang ito. Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman ng kambal na sina Hermes at Gavino. Nawala na kasi ang nag-iisa nilang magulang. Kahit alam akong dadating talaga tayo sa puntong ito, hindi pa rin maiiwasang masaktan kapag nangyayari 'to. Masakit mawalan ng magulang, lalo pa't 'yon ang bumuo at bumuhay sa kanila.
Ganoon rin ang nararamdaman ng mga apo ni Lola Creme. Lahat sila ay nagdadalamhati lalo pa't mahal na mahal nila ang nawalang matanda. Si Salvacion at Hermesia ay umiiyak pa rin hanggang ngayon. Dalawang araw ng nilalamayan ang Lola nila at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap ang nangyari. Ang asawa ni Salvacion ay sobrang nag-aalala sa kanya lalo pa't buntis ito.
Ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa huling upuan dahil ayokong makaramdam ng lungkot. I've been into this before, and the pain I felt that day was crucial. Yung tipong masakit makita ang taong mahalaga sayo na nawala na. Tama sila, masakit mawalan.
Hindi na kami umalis ng bansa ni Braze. Nawalan na rin ako ng gana lalo pa't nakahimlay pa rin ang Lola nila. Gusto ko lang magpahinga ngayon at tapusin ang lamay dahil napapagod akong nakikita silang ganito. Ramdam na ramdam ko rin ang pighating nararamdaman ng asawa ko. Halos hindi siya matulog dahil ayaw nilang iniiwan ang Lola. Kaya ganoon rin ang ginagawa ko. Napahinga ako ng malalim habang hinahanap ang kamay. Inaantok na ako pero pinipilit kong hindi matulog.
Maraming bisita ang dumating kanina. Ang pamilya ni ma'am Estrecia ay pumunta kanina, tapos sumunod ang pamilya ni ma'am Glenda. Kahapon naman nakilamay ang pamilya ni ma'am Lorella. Tapos ngayon nandito ang kanyang pinsan na magkambal. Si Cadler at Codler Fumar. Nag-uusap sila kasama ang asawa ni ma'am Lorella sa unahan. Tungkol sa business yata ang pinag-uusapan nila.
Napatingin sa amin ang uncle ni Braze na si Ranniel, tinawag ang asawa ko at gusto yatang kausapin. Bumaling sa akin si Braze, pagod ang mga mata. I smile sadly.
"Go. Gusto ka yatang kausapin ng uncle mo." marahan kong sabi.
He sighed.
"Sumama ka sa akin." aniya sabay hawak sa palapulsuhan ko.
I have no choice but to come with him. Naglakad kami palapit sa kanila at huminto ng makalapit. Napahinga ako ng malalim, tumingin sa akin ang kambal na Fumar.
"What is it, uncle?" batid ang paggalang sa kanyang kausap.
"Hijo, this is my wife cousins. Cadler and Codler Fumar. Sila ang namamahala sa Fumar Venture Corporation." ani Ranniel.
Tumango ang asawa ko at nakipag-kamayan sa dalawa.
"I'm Braze, and this is my wife. I'm the current president of CVHC." pakilala ni Braze.
Ngumisi si Cadler at tumango-tango.
"I've heard about CVHC successful. After Cavios holding the company for a years, naging maganda pa rin ang takbo ng company sa pamamahala mo." si Cadler.
My husband sigh.
"Maganda na ang takbo ng company noon pa man. Pinapatuloy ko lang ang ginagawa ng mga humawak noon. My father even after being the founder of the company, nag-aral pa rin akong humawak ng negosyo." sagot ni Braze.
They nodded. Napatingin sa akin si Codler, may ngisi sa kanyang labi.
"Your wife must be proud of you."
Medyo nahiya ako dahil napasok pa ako sa usapan nila.
"She's proud of me…even before," my husband said.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceNamuhay ng tahimik at mahirap sa Libtong si Mywa Anicia Altamonte, ang babaeng taga bukid. Siya ay iba sa mga karaniwang babae na nasa paligid. Mas gusto niyang ginugugol ang oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa kapaligiran. Siya ay mabait na apo, at...