𝙼𝚘𝚗𝚍𝚊𝚢, 𝙹𝚞𝚗𝚎 23
𝙰𝚕𝚒𝚌𝚎'𝚜 𝙷𝚘𝚖𝚎Third Person POV:
"Ughh" Nagising ang dalaga nang matamaan ito ng sikat ng araw galing sa bukas na bintana. Marahang umihip ang hangin at pinasayaw nito ang kulay berding kurtina. Bumungad sa kanya ang malawak na kisami ng kanyang kwarto sa unang pagbukas ng kanyang mga mata.
"Alice gising na may pasok ngayon!" Pampukaw na sigaw ng ina ni Alice. Umalingaw-ngaw ang sigaw nito sa loob ng bahay.
"Linggo ngayon ma wag kang atat!" Sigaw ni Alice sabay tabon ng unan sa ulo habang nagluluto naman ng almusal ang ina."Lunes ngayon kaya bilisan mo dyan!" Sabay hampas ng kawali habang nagluluto ito ng fried rice. Rinig ang mga huni ng ibon sa puno ng bakuran nila habang makikita ang mga taong maaga pang tumatakbo at nag bibisekleta na dumadaan sa harapan nila.
"5 minutes!" Pilit ni Alice sa ina.
"Alicentrea Nicovich! Wag mo na kong galitin!" Sigaw ng ina
"Ugghhh, oo na!"
"Bilis lalamig tong pagkain."
'𝑆𝑎𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑤𝑒𝑒𝑘𝑒𝑛𝑑𝑠'
Panalangin ng dalaga habang pilit na bumabangon sa kama.
'𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑚𝑏𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑚𝑎𝑐h𝑖𝑛𝑒, 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑔𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑎𝑟𝑎𝑙𝑎𝑛'
Naisip ng dalaga na nainis dahil sa putol na tulog nito habang nag aayos papuntang eskwelahan. Nakita nito ang sarili sa salamin, lalo na ang mga matang kulay brown. Tinitigan nya ang sarili at nag ayos."Alice bilisan mo mahuhuli kana sa eskwelahan!" Sigaw ng ina habang rinig ang mga lagating ng mga kutsara at pingan sa lamesang hinahanda nito.
"Oo na bababa na po. Excited pa kayo sa estudiante." Naiiritang sagot ni Alice.Lumabas ng kwarto ang dalaga at bumaba ng hagdan, pumunta agad ito sa kusina at nakita nito ang mga nakahapag sa lamesa at naglulutong ina. Kumain ang dalawa sa lamesa at di nagpigil ang ina nitong tanongin ng mga nangyayari sa anak. Syempre kasama na ang mga tsismis ng mga kumare nya na ikinwento nya sa dalaga katulad ng ampon daw ang kaibigan nya, nag drugs din daw yung isa, sinabihan din nito ang dalaga na wag sumama sa kanila. Wala namang nagawa ang dalaga sa ingay na ginagawa ng ina dahil alam nitong di nya kayang pigilan ang ina pag nag umpisang mag salita ito at malaki ang chance na mawawalan ito ng allowance sa buong week. Natapos ng pagkain ang dalawa at nagmadaling naghanda ang dalaga bago ito masiraan ng ulo sa ina.
"O ito na lunch box mo, kainin mo yung gulay wag mo itapon."
"Oo na ma di nako bata, 16 nako, pwede na nga ko bumuto sa eleksyon ehh.." Proud na pagsambit ni Alice
"Oo, bumoto lang sa SK, pag may kailangan ka tawagan mo ko papadala ko sa school ok?" Biro ng ina
"Oo na!"
"Alis na wag ka nang babalik rito!" Sambit ng ina sa anak galing sa teleseryeng pinapanood nito kada hapon.
"Kung pwede lang ginawa ko na!"
"Ingat ka sa daan."
"Opo"
Nag lakad si Alice papuntang eskwelahan na di kalayuan sa kanilang tirahan. Lumingot sya at tinignan ang bahay nilang kulay puti at maganda tignan. Naglakad ulit ito at napansin nya ang mga kasabay nyang mga sasakyan at nag nagmamadaling nag bibisekleta na papunta rin sa paaralan. Nagmuni-muni ito habang tinititigan ang asul na kalangitan at ang eroplano na malapit sa ulap.'𝑃𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑙𝑖𝑝𝑎𝑑 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑒𝑟𝑜𝑝𝑙𝑎𝑛𝑜. 𝐼𝑠𝑎 𝑑𝑖𝑛 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑙𝑢𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑟𝑘𝑜, 𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑖𝑛𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑖𝑛𝑢𝑛𝑢 𝑘𝑜.'
Feeling proud si Alice sa kanyang naisip at nagdisisyon na sasakay kahit isang beses sa dalawang pantransportasyong sasakyan sa buong buhay nito. Nakarating sa gate si Alice pagkatapos lakarin ang ilang kalsada.
YOU ARE READING
The Forgotten Aster On A Summer Field.
Roman pour AdolescentsAlice, a normal sixteen-year old high school student, seems getting a lot to think on her plate. Like any normal student, presentations and school works exists just to make her life even worse, she seek comfort on the midst of toxic society. While b...