Chapter 34

190 25 2
                                    

Ipinorma ni Sanya ang mga braso na may hawak na baseball para sa paghahanda ng pagdating ng bola na magmumula sa machine. Nang marinig ang pagbuga ng machine sa bola alerto na inihanda ni Sanya ang sarili sa pagtira rito at ilang segundo pa ay eksperto na tinamaan niya iyun at parang iyun kidlat sa bilis ng pagkawala ng bola sa ere. Nasa isang malawak na baseball field si Sanya na tanging siya lamang ang naroroon at mula sa mga ilaw na nakapaligid ang siya panglaw niya sa gabing iyun.

Ibinaba ni Sanya ang baseball bat at tinukod iyun sa bermuda grass gamit ang kanan kamay.

Isang palakpak ang pumukaw sa kanya kaya nilingon niya ito.

"Sana all magaling magbase ball!"nakangisi nito sabi sa kanya saka pinamulsa ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong kupasin na pantalon.

Si Reji. Nakilala niya ito ng magpamember siya rito sa baseball club. Anak ng may-ari.

Gwapo. Rugged ang datingan. Mukhang maangas at mayabang pero palakaibigan ito. Noong una iniwasan niya ito dahil mailap siya makipaglapit sa mga tao na di niya kauri pero persistent tao ito hanggan sa wala na siya choice kundi hayaan ito makipaglapit sa kanya.

"Sabi na makikita kita dito,"untag nito sa kanya.

Blanko ang emosyon sa mukha niya habang nakatitig siya rito.

"Date tayo!"bulalas nito pagkaraan na hindi siya umiimik.

Napataas ang isa niyang kilay saka ito tumawa.

"Friendly date! Alam ko naman saan ako lulugar!"paglilinaw nito habang nakataas ang magkabila nitong mga braso na tila ba sumusuko.

Sinubukan siya nito ligawan pero bago pa nito magpahiwatig sa kanya inunahan na niya ito.

"Wala ka na naman ba babae maaya?"mayamaya saad niya na kinangisi nito.

"Anong walang babae maaya? Ang sakit mo naman magsalita? Mukha lang ako playboy pero nababakante din naman ako!"saad nito umaakto nasaktan sa sinabi niya.

Nanatiling malamig at blanko ang emosyon sa mukha niya.

"Alam mo kung anong sagot ko dyan,"tuwiran niyang sagot saka siya humakbang upang ibalik ang hawak na baseball bat sa kung saan iyun nakalagay.

Sinundan siya nito. "Kahit ngayon lang,Sanya. Sige na..medyo...badtrip kasi ko ngayon,"turan nito at nilingon niya ito ng marinig niya ang lungkot sa tono nito.

Nabahiran ng lungkot ang ngisi nito sa mga labi.

Gaya ng pinangako niya sa sarili hindi niya gagamitin ang kakayahan niya na makabasa ng isip ng tao hanggat hindi kinakailangan at ang gawin niya iyun sa kaharap niya ay hindi niya pahihintulutan dahil naging komportable na rin naman siya rito kahit papaano kaya rerespetuhin niya ang pagiging ordinaryo nilalang nito.

Nakapamulsa na muli ang mga kamay nito.

"Nag-away na naman kami ni Erpat eh!"turan nito.

Napabuntong-hininga siya.

Aminado naman ito na pasaway na anak ito. Nagmula sa mayaman na pamilya at happy-go lucky ika nga.

Isinuksok niya ang baseball bat sa isang lagayan kasama ang iba pang baseball bat saka niya muli hinarap ito.

"Kailan mo balak magbago buhay?"untag niya rito.

Natawa ito saka napailing. Alam niyang guilty ito sa tanong niya. Marahas ito napabuga ng hininga.

"Sinusubukan ko naman kaso..nasa nature ko na talaga,"saad nito.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan niya.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon